"Daddy's here!" Cayleigh shouted.
Napatingin sa akin si Nate. Nagtataka ang mga titig nito. Ngumiti lang ako sa kaniya bago napagpasiyahang umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit.
Obvious namang hindi ko pa naipapaliwanag kay Nate ang lahat. Nasabihan ko na rin naman sila mama, sila Ash, Iza, Anika, Si Mommy at Daddy tungkol kay Akio at Cayleigh.
Ayos lang naman sa kanila, as long masaya ang anak ko.
Mamaya na lang siguro ako magpapaliwanag kay Nate.
Bumaba na rin ako pagkatapos ko magpalit sa taas, wala na rin naman akong gagawin roon.
Pagbaba ko ay nakita ko si Nate, saktong nakatingin siya sa akin. Katapat niya si Akio at Cayleigh na naguusap.
Maya maya lang ay tumakbo na si Cayleigh papunta kay Nate. May sinabi ang anak ko sa kaniya bago siya hilahin papunta sa kusina.
Humakbang ako papalapit sa pwesto ni Akio, umupo ako sa tabi nito.
"Saan daw pupunta si Cayleigh?" marahang tanong ko.
"Makikipaglaro daw muna siya, 'wag ko daw siyang iiwan." he chuckled.
Lumunok ako ng maramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at doon lang rin nakatuon ang aking atensyon.
"Pwede ba tayong magusap?" pambabasag nito sa katahimikang namutawi.
Tumango ako.
Alam ko naman na darating rin ang isang araw na kakausapin niya ako. Handa ako, gusto ko ng buksan ang puso ko para sa kapatawaran kahit hindi na para sa akin kahit sa anak ko na lang.
Gusto ko ng maging mapayapa, yung tipong wala ng bumabagabag sa isipan ko sa tuwing nasa tabi ko siya.
Handa na akong makinig, alam kung masasaktan pa rin ako kasi parte naman 'yun ng pagmamahal hindi ba?
Parte ng pagmamahal ang sakit at ang sakit ay parte ng paghilom.
Gusto ko ng pakawalan ang inis o galit na natitira sa puso ko ng tuluyan ng maghilom ang sugat na tinamo nito.
Tumayo ako at inaya siya na magusap na lang sa labas. Gusto ko ring makalanghap ng hangin habang naguusap kami.
Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang alalahanin ang mga alaalang dapat ay kinalimutan ko na.
Kung hindi ba kami nagkahiwalay, masaya pa rin ba kaming naglalakad habang magkahawak ang aming mga kamay?
Napayuko ako at nanatili ang tingin sa aking mga kamay.
He sighed.
"Kamusta na?" he asked.
"Seriously? You're asking me that question? But yeah, I'm fine. How about you? Do you have a girlfriend now? Kung meron bakit nandito ka at pinepeste mo buhay ko? " I replied.
"Wo-woah! Easy. I don't have one. But there's always a woman that I love at hindi ako magsasawang mahalin siya even if she doesn't love me anymore. Even if she left me and didn't gave me a chance to explain everything."
Natahimik ako sa sinabi niya. Ediwao.
"I want to explain... Give me a chance to prove myself to you. I want you to know the truth."
Nanatili akong tahimik.
"Please.. Baby, please." akmang luluhod pa siya.
Agad nanlaki ang mga mata ko. Ano ba sa tingin niya ang gagawin niya?

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Roman pour AdolescentsA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...