Umaga na ng magising ako chineck ko ang ref kung kinain na ni Ash ang cake na ginawa ko. Strawberry flavor iyon, favorite niya kaya alam kong hindi niya iyon mahihindiian. H
Tama nga ang hinala ko, napangiti ako ng makitang kalahati nalang yung cake na nasa cake.
Pagtalikod ko ay naroon si Ash, na halos bumalik na sa pinanggalingan niya ng makita ako, pinagtaasan ko ito ng kilay.
"So bati na tayo?" natatawang tanong ko.
"Hindi." tumalikod ito.
"Unfair kinain mo yung cake na ginawa ko." pagbibiro ko.
"Heh!"
Inasar ko ng inasar si Ash ng araw na iyon hanggang sa hindi niya na mapigilan ang pagtawa niya.
Ilang araw ang lumipas nakauwi si Akio ng pilipinas.
Akio: Are you free this evening?
Me: Hmm, yep.
Akio: Let's have a dinner date then.
Me: Okay, okay.
Susunduin raw ako nito. Nagupdate ako sa story na isinusulat ko. Bukod sa mga notifications, hindi ko na binuksan ang message roon.
Katatapos ko lang ng duty ko that time, magkasabay kaming umuwi ni Iris. May nahanap itong apartment na malapit sa condo ni Ash.
"I'm home!"
"Uy! May snacks pa diyan, want mo?" aniya habang ngumunguya.
"Hmm, no thanks."
Napangiwi ito, "Why?"
Inayos ko ang strap ng bag na nasa balikat ko at napahawak sa noo.
Sasabihin ko ba sa kaniya?
Oh right, then.
"May dinner kami ni Akio later hihi, pwede tulungan mo ak-"
"Sure." malaki ang ngising ipinakita nito.
Hinila ako nito sa loob ng kwarto niya, agad na pumunta sa closet niya.
"May mga dress ka ba?"
Napakurap ako, "Uh, wala yung gift mo lang."
Sumulyap ito sa gawi ko.
"Oh, nevermind."
May hinanap ito roon, inabot niya sa akin ang dress na nakuha niya.
"Go, magpalit ka na. Lagyan kita ng light make up."
Nagaalangan akong pumasok sa cr nito, tinitigan ko ang dress na binigay niya. Mahaba ito pero, nagpalit ako ng damit at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Not bad.
Lumabas ako ng cr at nagtungo sa likod ni Ash. Humarap ito sa akin.
"OMG, you look good na. Need pa ba ng makeup?" inilagay nito ang hintuturo sa baba niya habang nakatingin sa akin.
Pinaupo ako nito sa harap ng salamin at inayusan.
Kinulot niya ang buhok ko. Nilagyan din ako nito ng mga jewelries at light make up.
"Charan! Done na. Enjoy your date!" aniya.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, nagmukha akong galante sa mga jewelry na suot ko, bagay na ikinamangha ko.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Roman pour AdolescentsA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...