Chapter 35

30 5 0
                                    

Ilang araw na nakaburol si papa, inuwi ito sa probinsya.



Iyon ang sabi ni mama, yun daw ang hiling ni papa na mailibing siya sa lugar na pinanggalingan niya.


Sa araw araw na ginawa ng diyos, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay papa.

Sumama sila Ash sa paguwi rito.


Lagi akong nakakulong sa kwarto ko at tu-tulala lang sa bintana.


Pati pagkain ay pinapalipasan ko na, kung hindi lang maghahatid ng pagkain si Nate sa kwarto ay hindi ako kakain.


Kapag wala si Nate at may importanteng ginagawa ay si Ash naman ang papalit.


Araw araw niya akong kinukulit at panay ang pagkwekwento kahit na alam niya naman hindi ako nakikinig.


Si Charm ay minsan na ring sumubok mangulit, ngunit nasigawan ko lang ito.


Takot ng lumapit si Charm sa akin kaya hindi na ito nagpupunta sa kwarto.


Last na burol na ni papa ngayong araw.


Gabi na nang maisipan kong magpahangin sa labas.


Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng bahay at naglakad papunta sa maliit na garden ni mama.


Nakarinig ako ng mga boses mula roon, marahan at maingat akong naglakad papunta don.

Naroon sila tita, si mama at si Ash.


"Hindi niyo siya pwedeng kunin."


Sino ang kukunin nila?


"Anak ko siya Kianna!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni tita kay mama.


Umayos ako sa pwesto ko upang mas masilip ang mga ito.


"Mommy, calm down."

Ano bang ginagawa nila rito?


"Ilang taon niyong ipinagkait sa akin ang anak ko Kianna, hindi ba pwedeng sa akin naman?"


Umalalay si Ash kay tita ng umiyak ito.


"Respeto naman sa asawa ko Amanda."


Ano ba kasing pinagaawayan nila?


"Hindi niyo pwedeng kunin si Kesh. Hindi pa okay yung bata, nakikita niyo namang siya yung mas naapektuhan sa nangyayari."


Napakunot ang noo ko ng madamay ang pangalan ko sa pinauusapan nila.


Hindi kaya?


____

"Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Ash?" narinig kong tanong ni Mae.

"Oo nga Kesh," pagsang-ayon ni Lia.

"Ha? oo naman, bakit?"

Ipinagpatuloy ko ang pagtitipa sa laptop ko.

"Magkamukha kasi kayo, kuhang kuha mo ang labi at ang ilong niya pati na rin ang hulma ng mukha." pagsagot ni Kiarra.

"Madami na ang nagsasabi niyan, pero malabo namang mangyari yun. Senior High School na ako nung nakilala ko si Ash."

"Para kayong magkapatid."

Umiling lang ako at natawa sa sinabi nila.

______


"Anak ko si Kesh, Kianna. Anong karapatan mong ipagkait sa akin ang anak ko?!" napantig ang tainga ko sa narinig.


A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon