Chapter 37

36 5 0
                                        

Pagkatapos kung magmuni-muni sa balcony ay pumasok na rin ako sa loob at tinanggal lahat ng laman ng maleta ko.

Isa isa kong tiniklop ang mga damit na dala ko.

At katulad dati, inilagay ko sa walk-in closet ang gamit ko. Maliit lang naman ang walk-in closet.

May malaking salamin na mayroong parihabang sink at dalawang gripo. Katabi ng sink ang banyo at shower room meron ding bathtub roon.

Nawala ang atensyon ko sa paglilibot sa walk-in closet ng makarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto.

Agad akong nagtungo roon. Si Nanay Celia ang sumalubong sa akin.

"Iha tayo ay kakain na, nakahanda na ang pagkain sa baba." si Nanay Celia.

"Ganun po ba, okay lang po ba kung magpapalit muna ako ng damit? Susunod nalang ho ako."

"Osige Iha, bumaba ka nalang ha?"

"Opo."

Umalis si Nanay Celia. Hindi pa naman ganoon katandaan si Nanay Celia. Sa tantiya ko ay nasa 45 to 50 years old.

Nagsuot ako ng isang jogger pants at isang lettuce top. Tinamad na rin ako sa pagaayos ng buhok kaya tinali ko nalang ito ng messy bun.

Bawat yapak ng malambot na pambahay na tsinelas ay naririnig. Ibinigay ito sa akin ni Nanay Celia para raw komportable ang paa ko.

Bumaba ako mula sa ikalawang palapag at sinundan ang amoy ng masarap na pagkain patungo sa kusina.

Nakita ko si Nate roon. Simpleng t-shirt at cotton shorts lang ang suot nito. Hanggang tuhod ang haba ng short na iyon.

Busy si Nate sa laptop niya habang may sabaw sa maliit na bowl na nasa tabi nito.

"Anong course kinuha mo?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Law,"

Bumagay kay Nate ang suot niyang reading glass. Hindi din nakawax ang buhok niya ngayon kaya bagsak na bagsak iyon.

Sinadya niya yatang nilagay ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kanan.

"Seryoso?" pambibiro ko.

"Mukha ba akong nagbibiro Calista?"

"Grabe ka naman po attorney. Hindi ko lang inexpect ano ka ba?"

Napailing lang siya. Itinukod niya ang ballpen na hawak niya sa baba niya animo'y nagiisip.

Pero dahil sa may lahi akong makulit ay nagtanong uli ako.

"Pero bakit Law? Ang alam kong pangarap mo dati ay Engineering."

"Nakalimutan mo atang nagbago ang pangarap ko nung umuwi ka last last year."

"Okay sabi mo eh."

Nanahimik na ako dahil halata namang seryoso na si Nate sa ginagawa niya. Nakalimutan ko na sinabi niya nga pala sa akin iyon 2 years ago.

"I want to protect and fight with the people to be able to get the justice they deserve."

Tumango tango ako.

Kumain nalang ako at umiwas na sa panggugulo kay Nate.

Lumabas ako ng bahay, nakita ko kasing may garden dun at may nakita akong swing.

Umupo ako sa swing at dahan dahan iyong itinulak ng paa ko.

Pinagmasdan ko lang ang buong garden, amoy ng bulaklak ang sasalubong sayo.

Sa kalayuan naaninag ko si Nate nakapamulsa siya at ang isang kamay naman ay hawak ang gitara.

Napakunot ang noo ko.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon