Chapter 43

23 5 0
                                    

Last 7 chapters!

Are you ready?

__________

6 months have passed

"Hey, eat this!" Anika.

"Ayoko na, I'm full."

Kanina pa nila ako inaabutan ng kung ano anong masustansiyang pagkain. Nakailang kain na rin ako sa gulay at prutas na ibinigay nila.

Kinurot ko uli ang pisngi ni Dave, siya lang ang malapit sa akin.

"Aww, ouch." angil niya.

"Ang cute mo Dave!" panay pa rin ang pagpisil ko sa pisngi nito.

"Help, hindi na naman ako titigilan ng buntis na 'to."

I pouted.

"Madam awat na, kawawa na pisngi ni Dave." tumawa si Zach sa pulang pulang pisngi ni Dave.

Eh, ang cute niya eh :(

Napanguso ako ng umalis sa kinauupuan niya si Dave.

"Hey, wag kang sumimangot madam. Kawawa naman kasi yung pisngi ni Dave." Nate.

Lumapit sa pwesto ko si Nate.

Kabuwanan na rin ng tiyan ko, ipinaalam na iyon nila Ash kala mama sa pilipinas. Anytime pwede na akong manganak.

Mas minabuti naming magstay rito dahil makakasama raw sa akin ang bumyahe pa lalo na't malapit na itong lumabas.

Inasikaso na rin nila Ash ang papel na gagamitin namin sa pags-stay namin rito.

Gustuhin man ni Ash na umuwi ay pumayag ito na dito na lang muna manirahan.

Kakaunti lang ang nandito sa bahay ni Nate, busy kasi ang iba at nalalapit na raw ang examination nila.

"Bro, nakapagreview ka na ba?" Zach tapped Nate's shoulder.

"Yeah, ikaw? Nasa library raw sila Denver naghahanap ng libro."

Tumango lang si Zach.

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na may kani-kaniyang pinagkakaabalahan.

Si Iza at Anika ay halos dito na tumira, araw araw silang nandito.

Sila rin ang nagchecheck kung kumakain ako ng gulay at umiinom ng gatas.

Si Ash naman ang panay paalala sa akin kapag iinom na ng vitamins.

Sa loob ng walong buwang pagbubuntis ko ay iba iba ang nararamdaman ko.

Katulad na lang ng pangamoy. Hindi ko gusto ang matatapang at matatamis na pabango. Nung nakaraan nga ay itinapon na lamang ni Nate ang pabango ko dahil halos maduwal ako ng maamoy iyon.

Sa pagkain naman ay ayoko ng amoy ng sibuyas, kaya hindi sila makapagluto ng may sibuyas kapag nasa kusina ako.

Ang weird nga ng mga pagkaing gusto ko, katulad ngayon kumakain ako ng saging na may ketchup.

Napangiwi si Anika habang pinapanood akong kainin iyon.

"Seryoso ka ba diyan girl? Masarap?"

"Ha? Masarap, tikman niyo."

"Ah, no thanks. Ubusin mo na yan para makapagpahinga ka na." pilit itong ngumiti.

Napasimangot ako.

Inubos ko ang pagkain na kinakain ko bago tuluyang nagpahinga.

Dahil malaki na ang tiyan ko hindi na ako pinapaakyat sa ikalawang palapag ng bahay nilipat nila ang gamit ko sa isang guest room dito sa baba.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon