I checked my phone, I saw Akio's message there.
Akio: Where are you?
I smiled.
Me: School. Why?
Pinatay ko ang cellphone ko at itinuloy ang pagbabasa at pagsagot sa assignment na bukas pa naman ipapasa, mas mabuti ng may ginagawa ako habang nagaantay kay Ash.
Akio: Kumain ka na ba? Saan ka banda?
Napakunot ang noo ko sa tanong nito.
Me: Nope, inaantay ko pa si Ash palabas na yun. Nasa may open field ako, bakit?
Hindi na ito nagreply kaya hinayaan ko nalang ang cellphone ko na nakapatay.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Akio na papalapit sa inuupuan ko agad akong yumuko at nagsulat ng kung ano na maski ako ay 'di na maintindihan kung ano iyon.
Agaw pansin sa ibang estudyante ang pagpunta niya rito. May hawak itong paperbag at nakaoffice suit pa. Luminga linga ito para hanapin kung nasaan ako.
Para siyang may susunduing kinder!
Agad kong itinuon sa isinusulat ko ang atensiyon ko. Nakita ko ang paglapag niya ng dala niyang paperbag sa harapan ko.
Nagkunwari akong nagulat sa pagdating nito.
"Oh? Anong ginagawa mo rito?" pagulat na tanong ko.
"I brought you a lunch." marahang sambit niya.
"Ah, sabay kami ni Ash eh. Nag-abala ka pa." tinabi nito ang paper bag na dala niya at umupo sa upuang nasa harap ko.
"I also brought Ash lunch." tumango ako at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko.
Hindi ko naman akalain na ganto pala ka awkward kapag first time mo nagkaboyfriend. Napangiwi ako sa mga naisip ko.
"Assignments?" tanong niya.
I nodded.
He chuckled. Hinawakan nito ang labi niya habang nakatingin sa akin.
Hinayaan ko lang ito at nagpatuloy sa pagsagot sa ginagawa ko.
Bahagya akong napasulyap kay Akio ng maramdaman ko ang pagtitig nito sa akin. Nanliit ang mga mata ko.
"What?" nakangising tanong nito.
Napairap ako, "Wag mo nga akong titigan."
"Bakit? Masama bang titigan ko girlfriend ko?" mariing tugon ni Akio.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagsusulat at bahagyang kinagat ang labi ko upang maiwasan ang pagsilay ng ngiti roon.
"Hey," ilang beses pa akong sinubukang kausapin ni Akio ngunit hindi ko ito nililingon at pinagpapatuloy lang ang ginagawa.
Ginalaw galaw nito ang daliri ko na nakahawak sa notebook na nasa harap ko.
He pouted.
Pinaglaruan niya ang daliri ko at hindi na ito tinigilan.
Nasaan na ba si Ash?
Two hours pa naman ang vacant ko, pero sa pagkakaalam ko dapat ay nandito na si Ash.
"Akio, I'm writing." pagsasaway ko rito.
"I just want to hold your hand, you can write pa 'din naman ng isa lang ang gamit eh." ngumuso pa lalo ito.
Pinasadahan ko ito ng tingin, hindi ito nagpatinag at hinuli rin ang mga tingin ko.
Inirapan ko ito at sinubukang bawiin ang isa kong kamay na hawak niya. Hindi niya ito binitawan at mas naging makulit pa.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Novela JuvenilA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...