Nakasimangot si Ash habang kasabay ko ito maglakad pababa ng hotel.
Pero ng makita nito ang inihaw na mga pagkain ay bigla nalang nagningning ang mga mata nito sa saya.
Parehas kami ni Ash na masaya na sa masasarap na pagkain kaya hindi ko ito masisi.
Natapos ang tatlong araw na bakasyon namin sa resort nila Nate.
Narito kami sa bukid na mayroong maliit na farm na pagmamay-ari namin.
Pinapatuka ko ang mga manok habang si Ash ay tuwang tuwang tinitingnan ang ibang mga hayop.
Si mama ay nasa karinderya. Ibinilin niya sa akin na igala ko ang mga kaibigan ko rito.
Nakita ko si Nate na kausap si papa na nasa may kalabaw. Si Akio naman ay tahimik na nagmamasid sa paligid.
Supervisor ka sir?
"Paano ba ito Kesh, hinahabol nila ako?!" tiling tanong ni Ash.
Tumawa ako ng makitang nagpapatuka ito pero siya ang hinahabol.
"AaaaAahhh, Kesshhh!" patakbo siyang nagtago sa likod ko.
Kinuha ko ang manok na pinapatuka niya.
"Ang ganda mo daw kasi patuka daw pft." natatawang ani ko.
"Alam kong maganda ako Mr. Manok wala akong pake kung babae o lalaki ka, pero sobrang ganda ko naman kung pati manok hinahabol ako." saad ni Ash na nasa likod ko parin.
Inilapit ko pa sa kanya ang manok na hawak ko.
"Aaah Kesh, wag!" tumakbo ito sa pwesto ni Akio.
"Akio! Diyan ka lang hinahabol ako ng manok." sigaw ni Ash kay Akio.
Natawa ako sa ginawa nito, pinipilit niya na buhatin siya ni Akio dahil madami na rin ang manok na malapit sa kanila.
"Ang ganda mo kasi Ash! Sana all!" sigaw ko pa.
Nakuha ang atensiyon nila papa kaya napatingin rin ito kala Ash. Buhat buhat na ni Akio si Ash. Hindi parin maipinta ang mukha nito.
"Ano ba Ash wag kang malikot ang bigat mo." naririnig kong saway ni Akio kay Ash.
"Papa kunin mo na yung manok nahihirapan na si Akio kay Ash, matakaw pa man din yan kaya mabigat." tumatawang ika ko.
Kinuha ni papa ang manok tumulong na rin si Nate roon. Humihikbi na si Ash sa takot.
"Mommy! May manok huhu." tinatawanan na ito ni Nate.
Ikinulong na rin nila papa ang mga manok. Maingat na ibinaba ni Akio si Ash.
"Ambigat mo!" asar na sambit ni Akio.
Lumapit si Ash sa akin at hinampas ako.
"Bakit mo nilapit sa akin huhu." humihikbi ito.
"Sorry na pft. Love na love ka nung manok e." I chuckled.
"Heh!" umalis ito sa harap ko at umupo sa maliit na kubo kubo na ginawa ni papa para pagpahingahan.
Sinilip ko ito at kumakain na naman.
"Hoy kain ka ng kain." kinalabit ko pa siya dahil bahagya itong nakatalikod sa direksyon ko.
"Nagutom ako e, ikaw ba naman habulin ng manok." pagsusungit niya.
"Bakit ka kasi tumakbo?" ani ko at kumuha ng pagkain na naroon.
"Siyempre tutukain na ako eh. Ikaw ba hindi ka ba tatakbo kapag kakainin ka na ha?!" mataray na anito.
"Bakit ka galit?!" sigaw ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/224248588-288-k627646.jpg)
BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Teen FictionA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...