Natapos ang araw habang naglilinis lang kami ng bahay at konting gala. Iginala ko sila sa mga magagandang tanawin rito. Napagpasiyahan uni papa na magpipicnic kami ngayong araw.
Linggo ngayon kaya sarado ang karinderya.
Naggayak si mama ng isang picnic mat, napagpasiyahan nitong sa bukid kami magpunta masarap ang sariwang hangin roon.
Nagsuot lang ako ng simpleng white v-neck t-shirt at isang maong shortbs while Ash wearing a rosegold draped bow neckline and also a maong short.
I tied my hair in a pony.
Inubos namin ang oras namin sa pagtanaw sa mga magagandang tanawin rito. Tuwang tuwa ako sa aking nakikita.
Si mama ang siyang kwento ng kwento kay Ash ng mga naalala niya roon, tahimik na nakikinig si Akio samantalang si Nate ay kinukulit ako paminsan minsan.
Nakaramdam ako ng isang kalabit at alam kong galing kay Nate iyon. Napairap ako sa kung anong ginawa nito.
Pinalipas lang nito ang isang minuto ay kumalabit na naman ito.
Irita akong humarap dito at pinandilatan ito ng mata.
"Ano ba?!" inis na sigaw ko.
"May toyo ka na naman." he chuckled.
Umirap ako at tumingin uli kay mama na nagkwekwento.
Buong araw kaming namalagi sa bukid at nagkwentuhan. Enjoy na enjoy naman si Ash sa mga kwento ni mama.
Si papa ay nakahiga sa mat habang katabi si Charm roon.
Tahimik lang ako buong maghapon.
Umuwi rin kami bago magalas sais ng hapon.___
Sa hindi malamang dahilan ilang beses kong inirapan ang plato at kutsara rito sa kusina.
Lunes ngayon at napagpasiyahan naming tumulong sa karinderya ni mama.
Si Akio at Ash ay nagseserve sa costumer kagaya ko. Samantalang si Nate naman ay nagluluto sa loob kasama ni mama.
Nautusan ako sandali ni mama na maghugas ng plato kaya ginawa ko iyon.
Dala siguro ng dalaw ko ngayon, lahat ng makita kong bagay ay iniirapan ko. Nang matapos akong maghugas ay dumiretso ako sa labas ng kusina at kumuha ng tray para sa order ng ibang tao.
Malaki laki ang pwesto ni mama rito. Mayroong walong lamesa sa loob ng karinderya at meron pang apat sa labas.
Marami ang costumer ngayon kaya halos di na kami makapagpahinga sa kamamadali.
Nagpaalam si mama sa akin na may bibilhin dahil may nagkulang raw sa sangkap na niluluto nito.
"Kesh anak? Ikaw muna ang bahala rito ha? May bibilhin lang ako naubos na kasi ang isang sangkap na ihinahalo ko kaya mamalengke muna ako." pagpapaalam nito.
"Sige ma, magiingat ka." ang tanging usal ko.
Umalis si mama sa karinderya, isang grupo ng kalalakihan ang kararating lang. Kilala ko ang mga ito, basagulero ang grupong 'to.
Nagmadali akong lumapit sa kanila at itinanong kong ano ang kakainin nila.
"Ano ho ang order ninyo?" sa tantya ko ay mahigit kumulang walong lalaki ang kasama nito.
Nakangising humarap sa akin ang lider ng grupo.
"Pwede bang ikaw Kesh?" tumawa pa ito na parang isang loko loko.
"Pasensya na ho, hindi ho ako pagkain." lihim akong napairap sa sinabi nito.
"Nakabalik ka na pala? Ang sexy mo pa rin ah." nakangisi parin ito.
BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Teen FictionA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...