Chapter 24

53 7 0
                                        

Hindi na nagparamdam si Nate makailang linggo ang lumipas nalaman ko nalang isang buwan ang nakalipas na nasa ibang bansa na siya ng tumawag ito.

Isa pa 'tong buang na 'to.

Nakaharap ito sa laptop niya habang kausap ko. Habang ako nagsusulat ng report na ibinigay sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi na aalis ka na?" itinigil ko ang pagsusulat ko at tiningnan ko ito.

"Ayoko sabihin sayo baka mamaya hindi lalo ako makaalis." tumawa ito na siyang pinanliit ng mata ko.

"Naku Nate, wag ako mambobola ka nalang ako pa. Susko, tsaka bakit hindi ka aalis aber? Akala ko ba gusto mong magaral?"pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Joke lang, seryosong seryoso ah! Kamusta pag aaral?" tanong nito.

"Ayun naghahabulan sa mga reports tsaka projects." sumulyap lang ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa papel na ginagawa ko.

"Bilisan mo takbo mo!" natatawang sambit niya.

"HA-HA mais." sarkastikong tawa ko.

"Joke lang eh, halata nga. Kailan graduation niyo?" tanong nito.

"Seven months pa hoy! EggSoyTed ka ba?" tumawa ako habang sinasabi iyon.

"Aba, oo naman ano! Uuwi talaga ako riyan." napangiti ako sa sinabi nito.

Simula pagkabata hindi ako lapitin ng mga tao, si Nate lang ang naglakas loob na kausapin ako. Natutuwa si papa kay Nate nang nalaman niyang naging kaibigan ko ito.

Kilala ang pamilya ni Nate sa amin. Kaya nagtataka rin ako kung bakit ito nakipagkaibigan sa akin. Madalas siyang natutukso dahil sa akin. He's always there whenever I need him. He always know how to tease and make me happy.

"Hoy! Tulala ka diyan, miss mo na ako?" pangaasar nito.

"Hala ka! Ayan ka naman, pft. Magaaral ka diyan ha?! Hindi biro ang matrikula diyan aba!" panenermon ko.

"Oo naman! Hindi ko sasayangin pera nila mama, ano sila? Boss?" nakita ko ang pagtataray nito.

Hindi nakitaan si Nate ng kaartehan sa buhay, never niyang ipinaramdam sa akin kung gaano kagalante ang buhay nila. Mas gusto niyang tawagin si tita na mama kaysa mommy. Lagi rin itong tumutulong sa mga tao roon sa amin.

"Gift ko ha?" pagbibiro ko.

"Oo naman! Ano ba ang gusto mo? Kotse o Condo?" Tumawa ito na siya ring nakapagpatawa sa akin.

"House and Lot po kuya will!" Ani ko na akala mo ay nanalo na sa wowowin.

"Bigyan ng jacket yan!" sigaw niya pa.

Pareho kaming natawa sa pinagsasabi namin.

(ngayon ko lang napansin ang mais.)

"Pero seryoso anong gusto mo? Pagiipunan ko." Seryoso ito.

"Damit, ayun hanapan mo akong damit tutal alam mo na rin naman kung paano ako mamili ng damit pft." pagbibiro ko.

"Oo siya ako na bahala sa regalo mo, ang useless mo mamili. Andami mong damit hoy! Gusto mo ipag-ukay kita." tinawanan ako nito.

Napanguso ako at napasimangot sa sinabi nito. Anlakas niya talaga manira ng mood.

"Hala mage-evolve ka na naman, sorry na hoy!" pinandilataan ko ito ng mata.

"Sige na, tatapusin ko pa 'to tumawag ka nalang uli. Magiingat ka riyan!" kumaway ako sa harap ng laptop ko upang magpaalam sa kaniya.

"Siya, Sige. Magiingat ka rin diyan, mag- aral kang mabuti. Babye!" kumaway rin ito bago pinatay ang skype.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon