Chapter 31

33 5 0
                                        

Ilang araw kaming nagliwaliw ni Akio sa kung saan saan, nakatikim rin ako ng iba't ibang pagkain mula rito.

"Come here, I'll catch you!" tumakbo ako para maiwasan si Akio. Umuulan na rin ng snow pero wala kaming pakealam roon at patuloy ang pagtakbo.

"Got 'ya!"

Dahil na rin sa kapal ng snow na naapakan ko ay muntik na akong matumba mabuti nalang at nasalo ako nito.

Naglaro pa kami roon bago naisipang umuwi dahil na rin sa lamig.

Nakahawak si Akio sa mga kamay ko habang naglalakad kami pauwi.

HHWW ang peg namin.

This past few days mas naging makulit at clingy si Akio. Madalas niya akong yakapin ng sobrang higpit tapos hahalik halikan ang kamay ko.

I'm definitely happy, ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

"Baby, are you hungry?"

"Hmm, yes!" I giggled.

Pumasok kami sa isang convenient store.

Hawak niya ang kamay ko habang namimili siya ng chips at chocolate.

"Gusto mo nito?" pinakita niya sa akin ang isang pagkain na parang sandwich.

"Sure, gusto ko matikman." He pinched my cheeks.

Hawak niya ang dalawang coffee na binili niya, hawak ko naman ang mga chips at iba pa.

Nang makahanap kami ng table na may dalawang upuan ay doon na kami pumwesto at ibinitang ang mga binili namin.

Pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa nasa harap kong upuan.

Pinagmasdan ko lang siya.

He sipped on the cup of coffee he brought. Inayos niya ang buhok niya at kinuha ang cellphone niya na tumunog.

Ang unfair ng mundo, bakit may ganiyan kagwapong nilalang dito sa ibabaw ng lupa.

Ang gwapo ng boyfriend ko.

Huwaw di ka na indenial girl?

Kinuha ko ang cellphone ko at palihim ko siyang kinuhanan ng picture.

Sinet ko iyon bilang home screen wallpaper ng cellphone ko.

Pagkatapos namin kumain doon ay naglakad na rin kami pauwi.

"Aimi, where are you? Ate Alice is heree!" bago pa man kami makapasok sa loob ng bahay ay umalingangaw na agad ang isang tinig.

Nakita namin si Alice nakatayo sa may bungad ng hagdan at may hawak na mga shopping bags.

Tumingin ito sa gawi namin at ngumisi na animo'y demonyo.

Sinilip ko ang ekspresyon ni Akio ngunit nanatili itong blanko.

"Let's go."

Marahan niya akong hinila at nilampasan ang nakangising si Alice.

Umakyat kami sa pangalawang palapag at dumiretso sa kwarto niya.

"Dito ka lang muna kumain baby, okay?" He said.

"Bakit?"

"Kakausapin ko lang si Aimi." iniwan niya ako sa kwarto niya ng hindi man lang inaantay ang sagot ko.

Napabuntong hininga ako at tumayo sa pagkakaupo. Sumilip ako sa pinto ng kwarto ni Akio.

Nakita kong pumunta ito sa kwarto ni Aimi ngunit hinarang siya ni Alice. Pigil na pigil si Akio sa reaksiyon niya.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon