Chapter 32

31 5 0
                                        

Nakauwi kami ng pilipinas kinabukasan ng araw na iyon.

Medyo ilang at umiiwas din ako sa kaniya dahil sa nangyari.

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun dahil na rin siguro sa kalasingan.

Napakatanga Kesh, pakisampal naman please.

Aminin ko mang ginusto ko ang nangyari, ngunit hindi mawawala ang pagkailang sa akin lalo na't siya ang una ko.

Tinahak ko ang hallway ng kabilang building para makapunta sa library. Habang naglalakad ay akap ko ang dalawang mabigat na librong hiniram ko sa library nasa ibabaw nito ang laptop na ibinigay ni Ash.

Busy na ang lahat ngayon lalo na't katatapos lang ng pasko at bagong taon.

Noong pasko ay umuwi ako ng probinsya doon rin ako nagbagong taon habang hindi pa nakauwi si Ash sa condo. Sumunod si Akio roon, ngunit awkward lang ang namuo sa pagitan namin.

Pinakilala ko si Akio bilang kasintahan ko, nagpapasalamat nalang ako at hindi naman nagalit si papa roon.

Gulat ang ekspresyon nito, aniya'y hindi siya makapaniwala at akala niya si Nate ang magiging kasintahan ko.

Napamake face ako ng sinabi niya iyon.

Malabo.

Malabo pa sa relasyon niyo.

Nang makarating ako sa library agad ko ring ibinalik ang librong hiniram ko upang humiram ng panibago.

Hinanap ko ang librong kakailangan ko. Itiningkayad ko ang mga paa ko para maabot ang nasa ikaapat na baitang ng bookshelf.

Pagkatapos kunin iyon ay agad akong humanap ng mauupuan para matapos ang ibang paperworks na ibinigay sa amin.

Graduating student ako kaya masiyadong hassle kapag katatapos lang ng holiday kasi masiyadong madaming gagawin ang iba nga ay inadvance ko na ngunit natambakan pa rin ako.

Tinype ko sa laptop ang mga mahalagang info na gagamitin ko. Busy rin si Ash sa group project na ginagawa nila kaya hindi na rin kami nagkakaroon ng chance makapagusap.

Isinara ko ang folder na hawak ko at isinubmit ang ibang file sa ibang prof ko.

Binalik ko rin agad ang libro na hiniram ko bago lumisan sa library.

Bababa sana ako para bumili ng mineral water na pwedeng mainom ngunit nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko.

"Uy Kesh tapos mo na ba yung explanation nito?" ani Lia.

"Ah oo, check mo nalang email mo nasubmit ko na don."

"Hala salamat, sige una na ako at may kukunin pa akong libro." kumaway ito bago umalis at tumakbo dahil sa paghahabol ng oras.

Bumili ako ng mineral water sa malapit na bilihan at uminom roon.

Tumunog ang hawak kong cellphone ko kaya agad napunta roon ang atensyon ko.

Tinakpan ko ang bottle ng tubig at binuksan ang cellphone ko.

From: Akio

Hey baby! I'm sorry ngayon lang. Katatapos ko lang sa dalawang meeting ko this day. How about you? How's your day?

Hindi pa rin nawala ang komunikasyon namin sa isa't isa kahit na parehas kaming gahol sa oras at maraming ginagawa pinipilit pa rin naming bigyan ng update at time ang isa't isa.

Hindi man matagal, gasino lang ang isang minuto upang magreply sa text kaya as much as possible nagrereply pa rin ako rito kahit na nagrereview o may ginagawang file.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon