Chapter 14

78 10 4
                                    

Gabi na ng magsiuwian ang mga bisita. Gumawa ng bonfire si Nate malapit sa may tabing dagat, may mga unan at mat na nakalatag roon.

Nagpalit lang ako ng damit sa room namin, simpleng peach t-shirt at isang cotton pajama.

Nasa tabi ko si Ash yakap yakap ang dalawang malaking chichirya at bahagyang nakanguso.

"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko rito.

Hindi ito sumagot at mas lalo lang sumimangot.

"Ito pa, ayan hawakan mo." wika ni Nate habang inaabot dito ang alak na hawak nito.

Binatukan ko ito.

Kaya naman pala nakasimangot na naman itong isa dahil sa walang hiyang 'to.

"Akin na yan Ash." saad ko rito at kinuha ang alak na hawak nito.

"At ikaw tulungan mo yung isa dun nagaayos." piningot ko pa ang tainga nito bago ito umalis.

"Ble, bleh!" pangaasar pa rito ni Ash.

Inantay naming matapos sa paglalatag ng mat ang dalawa. Nang matapos ang mga ito ay inilapag ni Ash ang hawak niyang malalaking chichirya at isang malaking plastic na may lamang marshmallows.

Umupo rin ako roon at ibinitang ang alak na pinahawak ni Nate.

Tumabi sa akin si Nate hawak ang isang gitara.

Umupo naman sa harap namin si Akio, agad na binuksan ni Ash ang isang malaking chichirya.

Kumuha ako roon at bahagyang ngumuya.

Inistrum ni Nate ang gitarang hawak niya, napadako ang tingin ko sa kamay nito kung saan naroon ang string gitara.

Tumugtog ito, bahagya akong napapikit at dinama ang tugtog nito. Hindi ko namalayan ang pagsabay ko sa tunog na naririnig ko.

Minulat ko lang ang mga mata ko ng matapos ito.

Nagbukas ng alak si Akio. Inabutan nito si Nate at Ash bago ibigay ang huling bote sa akin.

"Matagal ka ng kumakanta Kesh?" tanong ni Ash habang kumakain ng chichirya.

Tumango ako rito.

"Since i was on grade four, may sinalihan kami ni Nate na contest tapos nung narinig nila yung duet namin halos araw araw na kami pinapakanta sa barangay namin." sagot ko rito at dumukot sa plastic ng chichirya.

"Alam nyo ba tawag kay Kesh dati peppa, pano ba naman kasi anta-"

My eyes went round.

Pinutol ko ang sasabihin nito at agad na tinampal ang bibig nito, nakaharap ako ng bahagya rito. Sinamaan ko ito ng tingin.

Ash chuckled.

Napatingin ako roon.

"So you are peppa when you're a kid, hi peppa!" Ash said.

I rolled my eyes.

Tumawa ng tumawa si Nate. Lumapit ito sa akin.

"Ano na naman?!" asar na tanong ko rito.

Nagulat ako sa pagdapo ng kamay nito sa pisngi ko at pinisil.

"Ganyan kataba pisngi niya noon pag kumakain." wika nito habang nakapisil pa rin ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Aray ko!" sigaw ko.

Hinampas ko ito ng hampas hanggang sa bitawan nito ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang pisngi kong pulang pula na dahil sa pagpisil ni Nate rito.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon