Chapter 39

34 4 0
                                        

Unti unti ko rin natanggap na wala na talaga si papa sa akin, at hindi na siya babalik.

Nasa veranda ako nakaupo sa nilatag kong fur carpet. May unan din roon. Kaharap ko ang laptop ko at isang box ng donut.

Pero may isang bagay na hindi pa rin tinatanggap ng kabuuan ko.

Yun ay ang panlolokong nagawa ni Akio.

Panloloko nga ba?

Hindi ko alam.

Nalaglag ang strand ng buhok ko habang tutok na tutok ako sa laptop ko. Hinipan ko iyon.

At kung swineserte ka nga naman, sinasabayan pa ako ng kantang nagp-play sa ngayon.

I'm so over being blue
Cryin' over you

Bumuga ako ng isang malalim na hininga.

And I'm so sick of love songs
So tired of tears

Wala si Nate rito, pumasok siya. Sabi niya narami siyang dapat habulin at ayusin dahil sa nangyari.

So done with wishing
You were still here

Kumuha ako ng strawberry flavor na donut sa kahon na nasa tabi ko.

Said, I'm so sick of love songs
So sad and slow

What if Akio didn't cheat? Are we happy right now?

So why can't I turn off the radio?

Napailing ako. So many what if's? Gosh.

Gotta fix that calendar I have
That's marked July 15th

It's August 20.

Because since there's no more you
There's no more anniversary

Sunday sucks, argh.

I'm so fed up with my thoughts of you
And your memory

Natigil ang tugtog ng mag-ring ang cellphone ko.

Agad akong napairap.

Ganda, ganda ng pageemote ko eh.

Sinagot ko ang call.

It's Anika, one of my workmates and of course one of my friends.

"[Hey Kesh!]"

"Sup?"

"[ 9 pm, at the bar! Iza is going.]"

"I have something to d-"

"[C'mon Kesh, I don't take no for an answer. Wear something that suit the theme 'kay? Bye!]

She hanged up the call.

Nakapasok na ako sa trabaho, nagkaroon rin ako ng mga kaibigan roon.

Apat ang barista roon, dalawang pang umaga at dalawang pang gabi.

Pang umaga ako at kung minamalas minsan night ship.

Napagpasiyahan kung patayin na ang laptop ko.

Madami na pala ang naitype ko na words doon, inupdate ko na rin yun at mabilis ring pinatay ito.

Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko.

Bumaba na ako at tinulungan sila Nanay Celia sa paghahain ng pagkain.

Alas syete na rin ng gabi, nagpaalam ako kay Nanay Celia habang kumakain.

Pumayag naman ito, late na nakakauwi si Nate dahil sa dami niyang ginagawa.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon