Chapter 41

25 5 0
                                        

Last 9 chapters :))

____

"Gabi na ah? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Lumakas ang ihip ng hangin kaya agad na nilipad ang ilang hibla ng buhok ko.

"Nagpapahangin lang, ikaw bakit lumabas ka pa?"

"Sinundan kita."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa.

"Andami na pala talagang nagbago no?" pambabasag niya sa katahimikan.

"Oo nga."

"Kamusta ka na? Sa loob ng dalawang buwan andami ng nagbago sayo." malungkot ang tono ni Ash ng banggitin ang mga salitang iyon.

"Hindi naman, may natuklasan lang na bago."

"Masaya ako for you."

Ngumiti lang ako.

Nagulat ako sa biglang paghawak nito sa kamay ko, humarap siya sa akin at seryoso akong tiningnan.

"Salamat sa pagpapatawad Kesh, Salamat. Hindi ko hinihiling na patawarin mo sila Mommy pero sana maging bukas ang puso't isipan mo na pakinggan ang mga paliwanag nila."

Hindi ako nakaimik.

"Alam ko Kesh, alam kong malaking bagay ang hinihingi ko sayo. Hindi kita pipilitin kung hindi mo pa kaya, aantayin kita hanggang sa maging ready ka. Andito lang ako."

Tanging paglagaspas lang ng alon ang naririnig ko, sumasabay naman ang pagsimoy ng malamig na hangin.

"Mahirap, pero susubukan ko." I assured her.

"Thank you Kesh, Thank you so much."

Niyakap ako nito, kaya ko ang likod niya na animo'y nagpapatahan.

Bumitaw din siya makalipas ang dalawang minuto. Parehas kaming nakatanaw lang sa dagat.

Madilim na pero madami pa ring tao ang nasa labas.

"Hindi ko ine-expect na tatawagin mo akong ate."

Narinig ko ang mga mumunti niyang tawa.

"Bakit hindi?"

"I thought galit ka pa rin sa akin."

She's right, hindi ko din ine-expect na manggagaling sa akin ang salitang ate.

"Me too."

"Andami na ring nagbago sayo, nasabi sa akin ni Nate na galing ka sa bar nung nakaraang araw kaya hindi ka kaagad bumaba nung dumating ako."

I nodded, "Iza and Anika they influenced me."

"Good for you."

"How about you? Kamusta sa pilipinas?"

"Ayos lang, si Iris nga pala madalas bumisita sa condo kasi hindi ka na daw niya macontact."

"Oh gosh, nakalimutan kong sabihin sa kaniya." napatampal ako sa noo ko.

"It's okay, hindi naman siya nagalit sayo nagtatampo lang yun. Naiintindihan niya naman daw."

I nodded and sighed in relief.

Marami pang naikwento si Ash sa akin habang ako nakikinig lang at sumasagot kapag naitatanong niya.

Nanatili kami sa buhanginan hanggang alas dose ng gabi. Hindi na namin namalayan ang oras.

Masaya ako na nagkaayos kami ni Ash.

Ala una na ng makabalik kami sa room, parehas ng tulog sila Iza at Anika. Hindi na rin maingay ang mga lalaki marahil ay nakatulog na.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon