Chapter 13

101 14 2
                                        

Dumating sila mama dala ang mga bagong lutong pagkain, buti na lamang ay tapos na kami sa pagaayos roon.

Sa ibaba ng dalawang palapag na bamboo cottage nakalagay ang isang mahabang lamesa na mayroong mga pagkain, sa tapat ng cottage ay mayroong mga lamesa at upuan na pwedeng upuan ng bisita.

Inimbita raw ni mama ang ilan sa mga kakilala niya pero aalis rin raw mamayang gabi.

"Ma, Pa! ako na riyan." sambit ko rito.

Kahapon ay hindi ko nakita si papa dahil gabi ang sched ng trabaho nito at umuuwi lang ng alas kwatro ng madaling araw.

Hindi ko naman ito naabutan kaninang umaga dahil maaga itong umalis at nauna na rito marami din kasi silang inasikaso.

"Hi papa! I miss you." malambing na tugon ko rito. Niyakap ko ito at hinalikan lang ako nito sa noo bilang pagtugon.

Papa's girl ako lumaki akong sinusunod ni papa sa gusto ko at di hamak na mas close kami nito keysa kay mama.

"Asan na ang mga kaibigan mo?" marahang tanong nito.

"Halika papa, ipapakilala kita sa kanila." saot ko rito.

Hinila ko si papa palabas ng cottage, nakita ko kasing nakaupo sila Ash sa mga upuan roon.

Lumapit ako roon.

"Papa si Ash, ito naman si Akio, papa ko nga pala" pagpapakilala ko rito habang itinuturo ang dalawa.

"Hi titoo!" masiglang bati ni Ash.

"Hello, kamusta kayo?" tanong ni papa rito

"Ayos lang kami tito hihi." sambit nito habang binabangga ang balikat ni Akio.

I shooked my head.

Siraulo talaga.

"Ayos lang sir." tugon ni Akio.

"Ay naku, tito nalang kaibigan naman kayo ng anak ko." ngumiti si papa rito.

Tumango tango si Akio sa gilid.

"Oh siya, magbihis na kayo para makapagswimming na kayo, tutulungan ko lang ang tita niyo roon." sambit ni papa sa amin.

"Anong oras ang dating ng mga bisita pa?" tanong ko rito.

"Mamaya-maya ay narito na ang mga iyon, tanghali rin ang dating noong videoke." ginulo ni papa ang buhok ko bago tuluyang umalis.

"Taraaaa, magswimming na tayooo!" nagulat ako sa biglang paghila sa akin ni Ash.

Hinila ako nito papunta sa room na tutuluyan namin.

Binitawan rin ako nito ng makarating roon.

"Mauna ka na, titingnan ko susuotin mo." mariing sambit nito.

Naglakad ako papasok sa cr ng room at kinuha ang simpleng maong short at black na spaghetti strap cropped top.

Dahan dahan akong lumabas at ipinakita kay Ash ang suot ko.

"Nah, change your outfit." bored na tugon nito.

Pinalitan ko lang ito ng white nike cropped tank top.

"Nah, I'll let you borrow a spare from my swimsuit." desisyon nito.

"This one!" hinagis nito sa akin ang isang two piece na swimsuit na hawak niya.

"No, ito nalang hindi ako magsusuot niyan." ani ko rito.

"Wear this one pleaseeeee," she pleased me.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon