Chapter 40

29 4 0
                                        

Last 10 chapters :))

______

"Remember the day na muntik ka ng malunod sa bathtub. Natakot ako, hindi ko kasi alam kung paano. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong alam gawin ng time na yun." She sipped on her coffee.

Nasa veranda kami ng kwarto ko, nakaupo kami habang nakatingin sa city lights.

"Kailan mo nalaman?" tanong ko.

"The day after our trip. Nung umuwi tayo sa probinsiya niyo. Pagkauwing pagkauwi ko nalaman ko."

"Matagal mo na pa lang alam." lumingon ako sa kinauupuan niya.

Ngumiti ito sa akin.

"I'm lucky for having you as my little sister. Do you remember nung mga time na hindi na tayo mapaghiwalay nila mommy, sabi mo kasi gusto mo akong ate sabi ko naman baby kita." Her eyes were wet.

"Memories." I murmured.

"I miss you Kesh, kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sayo all this time kapatid pala kita."

Sinubukan niyang punasan ang mga luhang pumatak sa mga mata niya ngunit tuloy tuloy and pagdaloy nito.

Lumapit ako sa kaniya.

After all, alam kong hindi ako galit kay Ash. Siguro ay tampo dahil sa nangyari.

Mas nagagalit ako sa dahilan ng paghiwalay naming dalawa, bakit sariling kadugo pa namin?

Ni hindi ko maatim na pati apo nila sinasaktan nila dahil lang sa tutol sila, hindi ba nila naisip na sariling apo nila yung sinasaktan nila?

Niyakap ko siya. Nagsimula siyang humagulgol ng yakap ko na siya.

"Pasensya ka na ha? kinailangang magsinungaling ni Ate." usal ni Ash habang humahagulgol.

Nagunahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko ng marinig iyon.

"Shh, hush." I whispered.

"I'm sorry, sorry.." patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha nito.

Nararamdaman ko ang bawat paghagulgol niya habang yakap ko siya.

"It's okay a-ate, it's o-okay." pagpapatahan ko.

Ilang minuto ko siyang hinayaang umiyak habang yakap ko.

Yakap ko na ang ate ko.

Nang tumigil na si Ash sa pagiyak ay ngumiti ito sa akin.

Maga na ang mga mata niya at alam kong pagod pa siya. Tumabi ako sa kaniya.

Ihinilig niya ang ulo niya sa balikat ko at ipinikit ang mga mata niya.

Hinayaan ko lang siya.

Mga ilang minuto rin kaming nagmasid masid sa city lights na tanaw sa veranda ng aking kwarto.

Hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. Hindi ako nagtangkang gumalaw upang hindi na siya magising.

Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko at tinext si Nate upang magpatulong sa pagbuhat kay Ash.

Dumating din naman si Nate, inihiga niya sa kama ko si Ash.

Kinumutan ko ito at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto.

Gusto kong magpahangin.

Umupo ako sa swing na madalas kong inuupuan sa garden.

Nakaramdam ako ng isang tao na umupo sa tabi ko.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon