Kesh POV
Naglakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko kakamustahin ko lang si Iris.
Maaga pa naman, napaaga kasi ang tapos ng class ko kaya dadaan muna ako rito at babalik nalang roon para antayin si Ash.
Mayroon pa naman akong dalawang oras para gawin iyon. Binuksan ko ang pinto ng coffee shop at bumungad sa akin ang isang pamilyar na costumer.
"Janine!" niyakap ako nito.
Si Janine ay isa sa mga costumer ko na madalas maparito para magbreakfast or mag meryenda madalas ko rin siyang makausap kaya naging close din kami.
"Kamusta? Babalik ka na?" tanong nito habang iginaya ako sa upuan.
"Hindi pa, kakausapin at kakamustahin ko lang sana si Iris." ngumiti ako rito.
"Ganun ba? Kailan ka makakabalik?" tanong niya.
"Hindi ko pa sigurado." pilit na ngiti ang ipinakita ko rito.
"Pasensya na namiss na kasi kita!" pangaamo niya.
"Wala iyon, makakabalik rin naman ako hindi lang sa ngayon. Enjoy your food. Puntahan ko na si Iris." paalam ko rito.
Tumango ito at ngumiti. Kinausap ko pa yung cashier bago tuluyang pumasok sa kinaroroonan ni Iris.
Niyakap ako nito at katulad ni Janine ay nagtanong rin ito kung kailan ako babalik.
Nagstay ako roon ng dalawa hanggang tatlong oras bago mapagpasiyahang umuwi. Nagpaalam ako kay Iris at tuluyan ng umalis sa coffee shop na iyon. Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Ash roon na nasa bahay na siya.
Nagtaxi nalang ako pauwi sa condo ni Ash. Pagdating ko sa building ng condo niya ay naabutan ko itong hinihingal pa.
"Oh bakit nandito ka pa sa baba?" tanong ko.
"Ah may binili lang tara akyat na tayo." bakas sa mukha nito ang kaba pero isinawalang bahala ko nalang iyon at sumunod na sa kaniya na sumakay sa elevator.
Nang makarating kami sa tapat ng unit niya bahagya ako nitong tinulak para mauna sa pintuan.
"Teka lang." sumilip pa ito sa loob.
"Ang weird mo ha," napailing ako sa ginawa nito.
"Pasok na." pinagbuksan pa ako nito ng pinto.
Pagpasok ko ay halos wala na akong makita dahil nakapatay ang ilaw at tanging ilaw na lang ng mga kandila ang nakikita ko roon.
Napatitig ako sa sahig tsaka lang napansin ang mga petals na naroon.
Akio?
Sinundan ko ang petals patungo sa balcony ng unit ni Ash.
Balcony?
Dahan dahan akong pumunta roon hanggang sa maaninag ko ang likod ng isang lalaki.
Nate?
Nakatalikod ito, pero alam kong siya 'to sa ilang taon ko siyang kaibigan kilalang kilala ko na siya.
May hawak itong bouquet, unti unti siyang humarap sa kinaroroonan ko nakapaskil ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Nate?!"
Nate's POV
"Nate?!" gulat na gulat si Kesh ng makita ako.
I chuckled.
Hindi mawala sa mga labi ko ang ngisi ng makita ko ang pagkagulat sa mukha niya pft.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Teen FictionA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...