Maayos naman ang nangyare sa isang buong linggo ko.
Saturday morning inaya ako ni Ash na magshopping para raw sa susoutin namin mamaya.
Puro nalang shopping walang katapusang shopping basta si Ash.
"Kailangan pa ba talagang magshopping?" medyo naiinis na tanong ko rito.
Pano ba naman kasi babalik na naman kami sa mall sa isang linggo yata dalawa o tatlong araw kami magshopping.
"Oo eh kung may damit sana ako sa ganung okasyon edi hindi na kailangan."
Seriously?! WTF.
"Seryoso ka dyan? Ginawa na yata nating school 'tong mall e? Kulang nalang dito na tayo tumira."
"Heh! Bakit may susoutin ka na ba?" tanong nito.
"Bakit kailangan bang paghandaan ng sobra yun? Tss." naiiritang sagot ko rito.
"Maghahanap tayo ng ida-date mo."
Seryoso ka dyan Ash tss.
"Anong ida-date? Ayoko magisa ka."
"Hindi na sorry. Pfft." humagalpak ito sa tawa.
Namili kami ng mabilis lang. Nilibre uli ako nito ano bang bago?
Naggrocery din kami ni Ash para sa pagkain namin malamang.
"Alam mo mas gusto ko ng tayo lang sa isang bahay e." biglang sambit nito.
"Same here walang ilangan ganun." sang-ayon ko dito.
"What if dun nalang tayo sa condo na binili ko? Magpapaalam nalang ako kay Mommy."
"Pwede din."
"Masyado kasi akong ginagawang bata ni Mommy gusto ko ding maranasan maging independent."
Medyo natawa ako sa sinabi ni Ash pero totoo naman ito. Gustuhin ko ding maging independent ngunit sinalo agad ako ni tita Amanda.
"Agree ako sayo girl. Hindi lang talaga ako makatanggi kay tita Amanda."
"Don't worry kakausapin ko sila tapos lilipat tayo dun sa condo malapit lang yun sa may school hindi na tayo mahihirapan pumasok o umuwi right?" excited na sambit nito.
"Orayt! Pfft." tawang tawa ako sa pinaguusapan namin.
"Oo nga pala isasama ko yung childhood friend ko mamaya sa party ha?"
"Ikaw bahala party mo naman yun." Sabi ko habang nakangiti.
"Later ipapakilala kita baka magustuhan mo." she winked.
"Hoy tigilan mo'ko sa ganyan mo."
"Joke lang baka lang naman diba?" mapangasar na sambit nito.
"Che tara na maga-ala sais na."
Mabilis kaming umuwi para magayos.
Walang katapusang pagaayos yeah right.Maaga kaming nakapunta sa bar na pagkikitaan para sa party. I'm just wearing a black fitted dress mas maiksi pa'to sa inaasahan ko. Hinayaan ko nalang ito at hindi pinansin kailangan ko ding masanay sa mga damit na ganto.
"Hey girls!" bati ni Ash sa classmates namin.
"Hi kesh, hi Ash!" sabay sabay nilang bati.
Sabayang pagbigkas ang peg pft.
"Ready for tonight?" Ash smirked.
"Yes ofc! Let's get it on!" sigaw ni Kiarra.
Nagsidatingan din ang iba pa naming classmate. Umupo kami ni Ash sa isang table. Tahimik akong nagmamasid sa buong kapaligiran na halos puro alak at tanging papatay patay na ilaw ang nagsilbing liwanag rito.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Dla nastolatkówA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...