"Hajimemashite, is nice to meet you." ani Ash habang nakaupo sa sofa at kumagat sa hawak niyang pizza."Ha-ji-me-ma-shi-te?" pagbigkas ko.
"If magpapakilala ka naman you should say Suaresu, Kyarisuta Keshu Desu means I'm Calista Kesh Suarez. In japan mas prefer nila na surname first." She smiled.
"Swa-re-su, Kya-ri-su-ta Keshu De-su?" patanong na sagot ko.
"It's Des, mahilig silang magdagdag ng 'u' pero hindi din naman nababanggit."
"Ah, hirap."
"You want to learn talaga no?"
"Uh, nakakahiya lang baka mapahiya lang ako dun." ani ko.
"Watch some vids, yun lang maadvice ko. If ayaw mong malaman ni Akio na nagaaral ka ng nihonggo." she chuckled.
"Paano ka natuto mag nihonggo? Ang hirap kaya." hinila ko ang isang pillow na nasa tabi ko at inayos ang upo sa sofa.
"Like what I've said, madalas kami sa Japan dati. Akio and I are always playing and then minsan halata kong nahihirapan pa siya makipaginteract sa akin since he's not comfortable and nahihirapan pa mag english. So that, I watch some vids and nagpaturo din ako sa kaniya. I guess gumana naman, natuto ako nakikipagusap ako minsan gamit ang nihonggo kaya natutuwa si mommy and tita. " malaking ngiti ang pinakawalan niya.
"I see,"
Kumuha ulit siya ng isang slice ng pizza at kumagat roon.
"Ash, to be honest I'm not ready. I'm afraid."
"Why? At kanino?" kumunot ang noo niya.
"Sa family ni Akio, baka kasi they hate me, they don't want me either." yumuko ako habang kinakalikot ang unan na hawak ko.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at itinaas ang baba ko.
"Ikaw, lagi kang ganiyan. If they don't want you, edi hindi. Don't blame yourself dahil hindi ka nila gusto. Be yourself Kesh, I know tita. Gusto niya ng babaeng mabait, and you are. Gusto niya ng maganda, maganda ka Kesh. Don't overthink, okay? If hindi ka nila magustuhan, hindi mo kasalanan yun kasi nagpakatotoo ka lang naman. "
I sighed and smiled.
"Thank you."
Ngumiti lang ito at binigyan ako ng pizza.
"Ikain mo na lang yan, kapag nasa Japan na kayo yayain mo si Akio sa Sapporo Clock Tower atsaka sa Mt. Moiwa. I swear ang ganda girl!" tumili ito habang nagiimagine.
"Sus wala akong pera Ash, magsasayang pa ako ng pera."
"Nega mo, pumunta ka don para ano? Para tumambay, kung ayaw mo sabihin kay Akio edi ako magsasabi." Ani Ash.
"Huwag na nga. Wala nga akong pera." sabi ko.
"Ako ng bahala dun. Mag enjoy ka lang dun! Minsan lang yun Kesh." tumayo ito at pumasok na sa kwarto niya.
Niligpit ko ang box ng pizza at pumasok rin sa kwarto ko kinuha ko ang laptop ko at nagsearch ng kung ano anong vids sa YouTube.
____
Many days had passed.
Nakapagpasa na ako ng mga requirements ko sa prof namin.
Araw araw din akong nasa coffee shop lalo na kapag may free time.
And yeah tapos na ang two weeks and a half na hiningi ko kay Akio.
Christmas break na kaya okay lang na kung saan kami magpunta.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Ficção AdolescenteA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...