Naging masaya ang dalawang linggong pamamalagi namin roon.
Inayos ko ang bagahe ko at nagtungo na sa kwarto ko. Sabado na kami umuwi upang makapagpahinga pa ng linggo.
Dahan dahan kong inilabas ang mga damit galing sa maleta ko, tinupi ko iyon at ibinalik sa walk in closet ng kwarto ko.
Napadako ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko ng makarinig ako ng katok roon.
"Pasok." sigaw ko.
"Naiwan mo sa kotse." he coldly said.
Inabot niya sakin ang maliit na bag na naiwan ko, laman nito ay ang cellphone ko.
Kaya pala feeling ko may naiwan ako.
"A-Ah salamat." I forced a smile.
Umalis rin ito pagkaabot nito. Sa natirang araw namin roon, pagkatapos naming tumulong kala mama nang araw na iyon ay pakiramdam kong iniiwasan ako nito.
Kapag naman kinakausap ko ito ay laging malamig ang pakikitungo. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang siya bigla.
Kung ako ang tatanungin wala rin akong alam kung bakit bigla nalang siyang naging ganiyan.
Magulo. Ni hindi ko pa nga alam kung bakit ganun ang mga tingin niya sa akin ng gabing nakipagaway siya. Hindi ko rin alam kung bakit galit ang nakikita ko sa kaniya sa tuwing tumitingin siya.
At hindi pa nga tapos ang iniisip ko tungkol dun. Nagpaalam siya kay Ash na uuwi sa condo niya.
"Umalis na nga pala si Akio." wika ni Ash nang lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kung nasaan siya.
"Ganun ba, Kailan? Kanina lang?" sunod sunod na ika ko.
"Ah oo, hindi ba siya nagpaalam sayo?" kinuha ni Ash ang strawberry sa plato at kinain yun.
"Uh hindi, inabot niya lang yung small bag na naiwan ko sa Van nila." kumuha ako ng strawberry na nasa platito nito at kumagat rito.
"Akala ko ay nagpaalam sayo." sumulyap ito sa akin.
"Hindi ah." tanggi ko.
"Sabi niya kasi ay magpapaalam siya."
Ibinitang ko sa platito ang strawberry na kinagatan ko at humarap kay Ash.
"May itatanong rin pala ako sayo."
"Ano ba yun?" patuloy lang ang paglantak nito sa strawberry na nasa lamesa.
"May napapansin ka ba kay Akio? Simula kasi nung araw na nakipagaway siya dun sa karinderya malamig na pakikitungo sa akin eh." usal ko.
"Napapansin ko rin yun, akala ko ay may hindi lang kayo pagkakaintindihan. Misunderstanding ganun." Kumuha ito ng baso at kumuha ng malamig na tubig.
"Wala naman kaming pinagawayan, pero umiiwas siya." I sighed.
"Try to talk him." sambit niya.
"Kapag hindi na siya busy." ngumiti ako roon bago pumasok sa kwarto ko.
Nagtipa ako sa aking laptop, nakatanggap na naman ako ng motivation message galing kay Mr. A.
Hindi ko alam pero hindi ako nagdadalawang isip na magreply sa kaniya.
From: Mr. A
Hi beautiful Author, how's your day going?
To: Mr. A
Hello! Fine, how about yours?
Araw araw akong nakakatanggap ng mensahe galing dito. Nakakatuwa na naappreciate niya ang story ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/224248588-288-k627646.jpg)
BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Teen FictionA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...