Maaga akong nagising dahil sa halik ni Cayleigh sa mukha ko. Napangiti ako.
Hindi pumalya si Cayleigh sa pagpapasaya sa akin.
"Ami, wake up! Breakfast ish rewdy. " niyugyog nito ang braso ko at panay ang halik sa mukha ko.
Isang linggo at tatlong araw na rin simula ng nagtrabaho ako.
Nakapunta na ako sa iba't ibang bansa dahil roon.
Madalas kong abutan na tulog na si Cayleigh sa kwarto naminkung hindi ay sa kwarto ni mama, minsan na rin siyang nakipabonding kala mommy kasama si Ash.
Si Ash naman ay ipinasok na ni daddy sa kompanya nila, pumayag naman si Ash basta raw ay ipasok si Iza at Anika.
Ako naman nagiipon, nagbabalak akong bumili na lang ng condo na titirhan namin ng anak ko ng sa gayon ay hindi kami makaabala dito.
Tumayo ako at nagayos. Bukas ang 3rd birthday ni Cayleigh.
"Ami look, ang ganda niya! Lala bought me a gift but," she pouted.
I giggled, "But?"
"Hindi niya binigay sa akin ami, she said tomorrow nalang."
Kinurot ko ang ilong nito at bahagyang natawa.
"Bukas pa kasi ang birthday ng baby ko, kaya bukas pa ibibigay ni lala yung gift mo."
Ngumuso ito.
"Ami, my ninongs will attend my birthday right?"
Natigilan ako.
"Uhm, baby.."
"Why ami?"
"Your ninongs are busy eh, you know they're studying right? We will call them through Skype naman."
She pouted.
"Hey baby, it doesn't mean na hindi ka nila love. Busy lang sila anak."
Tumango tango ito.
Yumakap lang siya sa akin. Pagkatapos nito maglambing ay tumayo na ako at binuhat ang anak ko.
Ibiniba ko ito sa bathtub at pinaliguan bago ako maligo.
Inayos namin ang garden ng bahay ni mommy. Gusto kasi nitong sa bahay muna magcelebrate.
Sobrang spoiled si Cayleigh sa lahat ng bagay. Kahapon ay nagphotoshoot sila para daw sa kung anong gagawin. Hindi ako nakasama roon, si mama ang nagasikaso sa anak ko dahil may flight ako patungong Bahrain.
Buti at pumayag ang boss namin na umabsent ako ng tatlong araw.
Isinuot ko ang spaghetti dress ng anak ko. Mas nagmumukha itong manika sa tuwing nakalugay ang mga buhok nito.
Mahaba na ang buhok ni Cayleigh. Kulot ang dulo nito na siyang nagpaganda roon. Mahahaba ang pilik mata ng anak ko at makakapal ang itim na kilay.
Maputi si Cayleigh. Namana niya sa ama niya ang pagkaputi. Nagpapasalamat ako at hindi niya napansin si Cayleigh ng mawala ito sa airport.
"Cayleigh! Baby, come here."
"Yes ami?"
"What flavor do you want? Chocolate, Vanilla, or Mocha?"
"Strawberry ami!"
I rolled my eyes. Namana niya ba kay Ash ang pagiging adik sa strawberry?
"Okay, okay. Aayusin lang namin yung foods mo bukas. Behave huh?"
Ngumiti ang anak ko at tumayo bago tumakbo sa labas ng bahay kung nasaan ang malawak na garden nila mommy. May pinagawang maliit na playground para kay Cayleigh.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Teen FictionA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...