A girl with a dream.
Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap.
Makamit nya kaya ito?
Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan.
Babaeng nagsusumikap para sa pangarap.
Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...
Tatlong araw mawawala si Akio nagpaalam ito sa akin na may business trip sila.
Pumayag naman ako roon,
Sino ba naman ako para pigilan siya? Oo girlfriend niya ako pero business iyon
Sabado ng umaga napagpasiyahan kong sabihin kay Ash na babalik na ako sa part time ko.
"Hindi nga pwede, baka may mangyare na naman sayo." inis na aniya.
"Hindi nga promise," itinaas ko ang kamay ko na animo'y nananampalataya.
"No! Unless maaga ka na uuwi." napakamot ako sa ulo.
"Hindi nga eh alam mo namang may class ako eh. " napanguso ako.
"Hanggang 5 pm ka lang Calista! Malilintikan ka sa akin, hindi ko na palalagpasin pag may nangyare pa sayo!" sigaw nito at tuluyang umalis sa harap ko.
Napailing nalang ako at chinat si Iris para sabihin ito.
Mukhang kailangan kong kausapin si sir para maayos ang schedule ko.
Nagtext nalang ako kay Ash ng sorry at agad na nagbihis para makausap ang manager ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.
Kumuha ako ng litrato ng kalangitan ay agad na ipinost ito sa instagram account ko.
'Have a good morning everyone!'
After that, pumara ako ng taxi para maaga akong makarating sa coffee shop.
Nagbayad ako bago bumaba, pumasok ako sa coffee shop at binati ang iilang kakilala na nagaalmusal roon. Kinatok ko ang office ng manager ko.
Pinapasok ako nito, "Bakit ka naparito Kesh, babalik ka na ba?"
"Ah, opo sana kaso-"
"Kaso?"
Bahagya akong napakamot sa ulo ko.
"Pwede ba sir magpapalit ako ng schedule kasama si Iris? Hanggang 5 pm ho kasi po diba yung nangyari," napayuko ako.
"Yun lang ba? Oo naman basta babalik ka na ha? Naiintindihan ko naman." ngumiti ito.
"Salamat sir!" masiglang pasasalamat ko.
"Wala iyon, sige tatanggapin ko lang ang tawag ha?" tumango ako.
"Sige ho, aalis na rin ho ako." ani ko.
"Magiingat ka!" pahabol na bilin nito.
Masigla akong lumabas ng coffee shop at agad na tinext si Iris upang makipagkita.
Sumakay ako sa pampublikong jeep para pumunta sa napagkasunduan namin ni Iris na lugar. Wala pa si Iris ng makarating ako roon.
Imbes na magantay ako ay tinawag ko ang waiter upang mamili ng makakain.
Ilang minuto ang nakalipas ay wala pa ring Iris ang nagparamdam, hindi rin ito online sa kahit anong social media acc na meron ito.
Nilibang ko ang sarili ko, kinuha ko ang cellphone ko at nagbrowse sa instagram. Nakakuha ng ilang like ang pinost ko roon ngunit agaw pansin ang isang komento.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.