Nagising akong wala sa tabi ang anak ko, itinabi daw ito ni mama sa kaniya.Napailing nalang ako.
Inayos ko ng hanay ang mga damit na dala namin, pati na ang mga laruan na paborito ni Cayleigh.
Dinala kasi nito ang mga laruan niya, ayaw ipaiwan. Galing daw sa mga ninong niya yun.
"Good mowning ami!" sumampa ito sa kama at hinalikan ang buong mukha ko.
Likasna kay Cayleigh ang pagiging sweet, tuwing umaga ay iyon lagi ang nanggigising sa akin.
"Good morning baby!"
Pagkatapos niya akong paliguan ng halik ay saka naman ako nito niyakap.
"Ang sweet sweet naman ng baby ko."
"Ami, I wuv you!"
"I wuv you too baby." hinalikan ko ang noo nito.
Niyakap ako nito ngmahigpit na siyang ikinataka nito.
Sa kabila ng pagtataka ay niyapos ko rin ito.
"You need to take a bath baby." binuhat ko ito at dinala sa bathroom.
Nagharutan pa kami roon habang pinapaliguan ko ito ay kinikiliti ko ito na siyang ikinatutuwa niya.
Ibinalot ko sa towel si Cayleigh bago ito iahon at buhatin.
Nagsuot ako ng pormal na damit.
"Ami, where are you going?"
"Maga-apply ng job di ami." inayos ko ang bag na dadalhin ko.
"Rewlly?" napatawa ako sa pagkabulol nito.
"Yes, baby. Para makabuy si ami ng toys mo,"
"Yey!" I kissed her head.
Inayos ko puting blouse na suot ko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Naglagay ako ng kaunting lipgloss roon bago inayos ang bag na dadalhin ko.
Bago pa man tumapak ang gulong ng eroplanong sinasakyan namin sa pilipinas ay alam ko ng kailangan ko ng isang araw ay magaapply ako bilang isang flight attendant sa isang airline.
Ngayon ang araw na iyon. Masiyado ngang napaaga dahil na rin sa excitement na nararamdaman ko.
Matagal ko ng pangarap na maging isang flight attendant kaya ng malaman kong nangangailangan sila ay agad ko na rin sinunggaban ang opportunity.
Kung hindi man ako papalarin ay ayos lang. Inalok na rin kasi ako ni mommy na sa kompanya nalang nila magtrabaho.
Sinulyapan ko ulit ang mukha ko sa salamin at ineksamin kung ano pa ang kulang sa ayos ko.
Pagkatapos ay binuhat ko si Cayleigh para dalhin sa baba kung nasaan sila mama.
"Ma, I'm going." humalik ako sa pisngi nito.
Sa tatlong taon kong pamamalagi sa Australia ay natutunan na ng puso kong patawadin ang tumayong ina simula nung ako'y sanggol pa.
"Magiingat ka anak, magdadala ka ba ng lunch mo? Magluluto ako."
"No ma, I'm okay. Kakain nalang ako sa madadaan kong restaurant. Mali-late na rin ako eh."
Tumango ito.
Lumayo ako kay mama at yumuko sa harap ni Cayleigh na nakaupo sa sofa at nanonood.
"Anong pasalubong ang gusto ng baby ni Ami?"
Hinalik halikan ko ang ulo at noo nito.
Ito ang unang beses na mahihiwalay ako kay Cayleigh dahil sa trabaho.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Novela JuvenilA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...