Kabanata 4

173 16 0
                                    

Sagad sa buto

Wala na.

Gumuho na ng tuluyan ang napaka-tayog kong pangarap para sa future namin ni Yasour, Sa isang inuman lang. Nawala.

BAKIT KASI!?

" Bakit niya kasi ininom! " Naiiyak kong giit habang nawawalan ng pag-asa.

Umiling ang mga kaibigan ko sa akin,

" Para 'yon kay Yasour e! Thats for him, and that Alishandrus the great.. Umeksena! " Madrama kong giit,

Tumayo si Paulette sa tabi ko at inakbayan ako, Tila ay dinadamayan ako para sa namatay kong puso

" Ibig sabihin lang 'non kahit anong gawin mo hindi talaga kayo ni Yasour. " Padabog kong inalis ang kamay nitong naka-akbay sakin

" Bonak ka! Heartbroken na nga ako rito tas sinabi mo pa yan! " Nangi-gigil kong giit rito

Humagalpak ang tawa ng mga kaibigan ko sa akin, Kaibigan ko sila ngunit sobrang saya nilang miserable ako.

" No.. " Umiling si Ten na may tawa tawa pa. " What we're trying to say is. Baka kaya hindi kayo ni Yasour, dahil kayo talaga ni Ali- "

" BONAK! " Nanlalaking matang giit ko..

Halos nagtaasan ang balahibo ko, Naiimagine ang sinabi nila, Nagtaasan ang balahibo ko hindi dahil sa siya iyon, kundi dahil sa pandidiri

" Kadiri ka! Anong si Alishandrus!? HAYF KA BA? Lalasunin ko lang sarili ko kaysa matikman iyon. "

Naglakihan ang mga mata ng kaibigan ko at humagikhik, Umiiling. " Ikaw ah? Tikman agad nasa isip mo, Sinabi lang naming baka kayo ang nakatandhana. "

" Hmp! Wild mo, Latecia. Rawr! " Binato ko si Sloane ng kutsarang plastic na hindi pa nagagamit para sa spaghetti na nasa styro.

" Ambonak nyo! Hindi ba kayo nadidiri sa iniisip nyo? Mas nakikita ko pa ang future namin ni Yasour na nagmamahalan, At kapag si Ali.. "

" Ano? Ayiiuewss. "

" Anong nakikita mo sa future nyo ni Ali? "

" Nakikita ko ang sarili naming nasa barangay, at Nagbabarangayan na. Mas maitim pa kay Sloane ang nakikita ko sa future namin. "

" Naipasok mo pa talaga ang kulay ko, no? " Inirapan ko si Sloane, Hindi naman ito maitim, Morena.

Humalumbaba si Paulette sa mesa. " 'Bat naman? Ang hot rin kaya ni Alishandrus. Tsaka gwapo. "

" Bagay kayo. "

" Yuck'iss. Panindigan nga kayo ng mga balahibo nyo, Di ba kayo natatakot sa sinasabi nyo? Ako at si Ali? No and never in my peacefully dream. "

" Wala sa peacefully dream mo, kasi nasa Wet dream mo siya. " Giit ni Ten,

" Malandi ka! "

" Mas malandi ka! ," Inirapan niya ako.

" Bakit ba kasi Sobra-sobra ang galit mo kay Ali, hah? Mabait naman iyon. Tsaka gwapo, mayaman. Hot, Batang may laban... " Kanta ni Sloane sa huling salita niya, na nasa commercial ng bonakid noon.

Bakit galit at ayaw ko kay Alishandrus Whirl Allegre? 

Simple lang, He's wasn't my type. Gusto ko iyong hindi playboy. I want a boy who is opposite to me. Iyong seryoso.

At isa pang dahilan kung bakit ayaw ko kay Alishandrus? That wass because of what happens

Lumaki ako sa paaralan na laging nakikita si Ali, Simula ng Elementary ako hanggang highschool, I like him before but not until that day when he called me.

" Mukha kang... Mukha kang butiki. "

Nanlaki ang mata ko, Ang kasama nitong mga kaibigan ng Elementary ay nagsi-tawanan. Halos sumabog sa pula ang pisngi ko,

" W-what? " Nanginginig kong tanong, Di makapaniwala.

How could he say that!?

Hindi sa pagmamalaki pero tuwing Valentine's ay halos mapuno ang kotsye ko ng mga bulaklak at flowers ng mga batang lalaking gusto ako. Lagi rin akong napipili para mga pageants sa labas at loob man ng school namin

And then?

Sa isang iglap sinabi niya ito sa akin.

" I-i can't believe you.."

" Totoo naman. Look at your green dress. Fitted sayo, Kaya ka nagmukhang butiki. "

At ang bonak ay inulit pa ang pagtawag sa akin ng Butiki. BULAG BA SIYA, HUH?

Mukha raw akong butiki?

BONAK! Syempre dahil sa kahihiyan ay nag-walk out ako, Hindi ako pumasok at napagalitan rin ng parents ko

Doon nagsimula ang unti-unting paglaki ng Galit ko rito, Lalo pang lumaki noong tumungtong ako ng highschool kung saan rin siya nag-aaral ng Second year,

Tuwing nakikita ay ngigisian niya ako, Sobrang yabang niya! Syempre, Eto ako at pikon lagi sa kaniya.

Kapag nalalapit naman sa akin, Kung ano-anong insulto ang ginagawa sakin, Kundi sa damit ko, Sa makeup ko, Kundi sa Makeup tungkol sa mga lalaking Kausap ko lang, Lalapit pa talaga siya tapos ipapahiya ang sa harap ng Kausap ko.

" O? Talaga, Study first ka pero Zero ka kanina sa Quiz nyo? "

Nanlaki ang mata ko ng makita si Ali sa gitna namin ni Gino. Gino Panganiban was my crush, Mahilig raw ito sa mga babaeng mahinhin at mahilig mag-aral.

Okay na sana kami ni Gino, e! But this Bonak'ing stupid boy, Meddle with us. Pinahiya na naman ako.
Kumunot ang noo ni Gino sa akin, Hindi ako nakapag-salita

" Zero ka kanina? "

Halos sumabog ang galit ko, Hinarap si Alishandrus, Na nakangisi masayang nakikita ang galit na galit kong mukha

" Your really too much! "

" Yeah, Im superman. "

Hindi ko maintindihan sagot nitong Bonak na ito. Ewan ko kung saan niya nakuha ang sagot na iyon?

Hindi ako nakapagtimpi at ang inis ay napunta sa aking kamay, Hindi inaasahang lumapag iyon sa mukha niya

At araw ring iyon, Unang beses na napunta ako sa guidance kasama si Ali, na may pasa sa mukha. Masama itong nakatingin sa akin.

And im gladly, After turning grade 11 this year. He wasn't talking to me that close. Hindi na, Ngunit nang-iinsulto parin kapag nakakasalubong ko, And yet After years, I hate him still.

" I just hate him, very.. very much.. " Wala sa sarili kong giit

Napatungaga sa akin ang mga kaibigan ko.

Yeah.

I really hate him to death. Sagad sa buto ang pag-kaayaw ko rito.

Bottle of love series 1: Beverage of MistakeWhere stories live. Discover now