500 Words
" Oh? San ka, May klase pa tayo a? "
Umiling ako sa at hinarap sila. " Pupunta ako sa tindahan ni Aling bebang, Babalik ko 'tong Gayuma, Tas magtatanong rin ako kung may pambawi ba kapag iba ang nakainom. "
Nanlaki ang mata nila. " Hah? May ganon? Pero paano kung wala? "
" Bahala na, Sabihin nyo na lang nag-LBM ako kay Sir. Uuwi rin ako sa bahay. "
" Wala ka talagang kwenta. " Trashtalk ni Paulette sa akin
" Huwag kang mag-alala. Mas walang kwenta si Sloane. " Ani ko.
" Ambonak, Mas sobrang walang kwenta si Ten. " Si Sloane, Ngunit hinampas siya ni Ten
" Kung walang kwenta lang ang usapan, Mas walang kwenta si Paulette. " Umiling ako sa kanila, Walang paalam na iniwan sila
Sumakay ako sa kotsye namin, Tinignan ako sa rear mirror ng driver namin habang nag-sisimula ng buksan ang engine
" Maam, Diretsyo uwi 'ho ba? " Umiling ako
" Punta tayong Quiapo." Giit ko, Tinignan ako nito ng may pagtataka kaya't napairap ako " Drive ka na lang, kuya. "
Sa halip na Minuto lang bago makarating roon ay naging oras dahil sa sobrang bagal na usad ng traffic sa Pasay Road.
Ngunit buti na lamang ay may alam si Kuya na Shortcut, Nakarating ako roon bago mag 3pm.
" Hindi gumana, Manang. " Sabay lapag ko ng kwintas sa table casier nito, Umangat ang tingin nito sa akin, inayos pa ang salamin, bago sumilay ang ngiti nito
" Oh? Latecia Tianco, Hijah. Anong pwedeng maitulong ko sayo? " pinanliitan ko ito ng tingin
" Ibabalik ko, hindi naman gumana, Tsaka May pambawi 'ho ba kayo ng gayuma?. "
Kumunot ang noo nit ngunit humalakhak. Problema ng matandang ito?
" Gumana.. " Marahan nitong giit.
" Po? " Gulat kong tanong rito,
" Walang pambawi ng gayuma, Hijah. Hindi 'bat pinaalalahanan ko kayo noon bago nyo ito binili sa akin ng mga kaibigan mo? "
Sumimangot ako at umiling, " Pano 'ho yan, di gumana. "
Gumuhit lalo ang ngiti ng matanda. I admit, She's creepy, okay. Mahaba ang buhok at may kwintas na mayroong ibat-ibang beads roon.
" Maari ko bang hawakan ang kamay mo? "
Ngumiwi ako, Ngunit sa huli at inilahad ang kamay rito.Bahala na, Baka isumpa pa ako nito.
Pumikit ito habang dinadama ang kamay ko sa palad niya. Unti-unting sumilay ang ngiti.
So Creepy!
" Gumana.. " Bungad muli at binitawan ang kamay ko, Agad ko iyong kinuha sa kaniya, Bahagya kong hinimas ang aking braso dahil sa pagsisitayuan ng Balahibo sa braso
" P-paano mo nasabi? " Nakakatakot at pagtingin nito sa akin.
Pinagmasdan lang ako nito, Hanggang sa ngumiti na ito ng normal.
" Hinihintay ka niya. "
" Huh? "
" Nasa labas siya, Hijah. Sinundan ka at sobra-sobra ang pagmamahal. Naghihintay sa iyo. "
Mas lalong nag-sitayuan ang aking balahibo, Ngumiwi ako at pilit na nag-ngiti.
" A-ah? If you say then. " Nanginginig kong hinawakan iyobg kwintas sa casier at tumalikod na rito
Ngunit natigilan ako ng hawakan nitong muli ang kamay ko,
" Susubukan ka ng Kalangitan. " Seryoso nitong giit, pinilit kong alisin ang kamay ko, ngunit mas humigpit ang hawak nito sa akin
" I can't understand you. "
Umiling ito " Kukuhanin niya siya sayo, Susubukin kung magiging hanggang saan ang pagmamahal mo. "
Nanindig pa lalo ang balahibo ko. Desperadong umiling rito, Hinigit ko ang kamay ko na pinakawalan niya na, Tumakbo ako palabas ng tindahan niya.
Hawak-hawak ko ang braso kong hinawakan niya kanina at naka-diin iyon sa aking dibdib, Sobrang lakas ng tibok ng puso ko,
Kinagat ko ang labi ko, Ngunit mas lalo ring kinabahan ng biglang may humablot sa braso ko
" Ayoko na! " Nanginginig kong giit ngunit gayon ang panlalaki ng mata ko ng makita ko kung sino iyon
His grey eyes give me some foreign feeling. It was full of concerns and questions.
" Are you okay? "
Napahinga ako ng malalim,
" Ano ba? You scare me to death! " Naiinis kong sigaw rito, At hinigit ang brado ko rito
He chuckled. " You looked so scared kahit hindi pa naman kita tinatakot kanina. "
" Bonak ka, Alam mo yun!? "
Kumunot ang noo nito, Napaisip. " What is Bonak? "
" BOBONG ANAK! " sigaw ko rito.
" Really, huh? "
Humalakhak si Alishandrus the great. Really,
Hayf na Ali sa buhay ko!" May sasabihin ako.. "
Kumunot noo ko rito, Nagseryoso na ito. Pinagmamasdan ako,
" Ano? "
" Latecia... "
Napakagat ako ng labi. Hindi alam kung bakit may parte sa dibdib kong kumakalabog, Gustong-gustong lumabas ng puso ko sa kaba.
He held my chin, Gusto kong hawiin yoon ngunit hindi ako makagalaw, Umangat pa ang isang kamay nito para ayusin ang kaunting takas na buhok ng nahipan iyon ng hangin sa mukha ko
" I want you... "
HUWATTT?
Nanlaki ang mata ko, Halos wala ng narinig dahil sa mas lumakas na kalabog ng puso ko, Nabibingi ako habang nakatingin ritong nakangiti sa aki
" N-no... "
Umiling ako rito.
" NO! NO.. NO! NO! NOOOO! "
Biglang may kumalabog na tila ay may kung anong hinampas, Napatayo agad ako.
" MS, TIANCO! OUT! "
Nanlaki ng mata ko ng makita ang nag-aappoy kong History teacher,
Pero?
Panaginip lang iyon. Panaginip lang na umamin sakin si Ali, Panaginip lang!
Hindi totoo yung sinabi ni Aling bebang! Hindi totoo. Halos tumalon ako sa saya.
" Yes! Panaginip lang! " Masaya kong sigaw
Napatigil ulit ako ng hinampas ni Ms, Ramirez ang aking desk, Mas lalo lamang itong nag-apoy
" Anong panaginip!? I SAID OUT, TIANCO! Huwag kang babalik sakin hanggat hindi ka nakapag-papasa ng isang daang letra, na nagsasabing di ka na tutulog sa klase ko, In english, Without using Words like ' The, Of, On, in. "
" Maam!? " Halos reklamo ko, Eh ano nang gagamitin ko kung walang ganoon? Paano pagko-konekin ang mga salita.
" Dalawang daan. "
Nanlaki lalo ang mata ko,
" E, Maam- "
" Tatlong daan. "
" Pero, Maam- "
" Apat na daan. "
" Sige, Maam. Limang daan na. Ako na mag-aadjust, ha? Pero kasi Maam.. "
Nag-hagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko,
" SHUT UP, CLASS! OUT, TIANCO! "
HAYF NA BUHAY. essay na naman.
YOU ARE READING
Bottle of love series 1: Beverage of Mistake
Teen FictionEverything seems perfect, They were once Perfect with they're own way, They making themselves perpect for each other. But? They can still be perfect after a mistake? How long they can hold each other? How long they can hold by love? If the mistake...