Kabanata 20

126 7 0
                                    

Did i Regret?

Naging busy ang mga dumaang araw, Una ay dahil sa   isang linggong intramural sa amin. Masyado ring busy ang sumunod na week dahil sa paghahanda at pag-eensayo hindi lamang kami dahil sa Cheering competition kundi ay iyong ring mga players na ire-represent ang aming paaralan sa darating na School Cop's

And guess what, Kahit sobrang busy ng lahat ng player, Makikita nyo ang isang grupo nang player na pauli-uli malapit sa amin

" Si Alishandrus o! "

Napalingon ako sa likod ko, roon ay naglalakad si Ali'ng pawisan sa likod ay ang mga kaibigan nito.

Napanguso ako ng makitang wala si Yasour. Saan ba nag-gagala ang malanding lalaki'ng iyon at hindi na lang sakin dumikit?

Umangat muli ang tingin ko kay Ali, Suot suot ang soccer jersey niya na may number 22 at sa taas naman nito ay ang apilyido niyang Allegre

Kung sa amin ay mahigpit na ang ensayo, Ang kanila ay doble doble pa sa mahigpit, ngunit tignan nyo? May gana pa rin ritong pumunta,

" Have you eaten? " Lumapit ito sa akin, lumayo ako at ngiwi itong pinagmamasdan

" Sobrang pawis mo! "

Tumawa ito, He brush his wet hair with his barehands. Hula ko'y hindi iyon basa dahil sa pawis, Hula ko ay binasa niya iyon ng tubig.

Like every Boy in the television. Pa-hot na ibubuhos sa kanilang sarili ang mismong tubig na ininuman nila. Kunwari sobrang banas.

" Ano? Hindi ako mabaho! "

Umiling ako rito. Kinuha ang towel ko at binato sa kaniya. Ayos nang gamitin niya iyon, basta't wag lamang siya sa aking lalapit na pawisan.

" Tapos na kayo sa Practice? " Tanong ni Ali, Nakatayo at nakapamaywang na nagpupunas.

" Hindi. Nag-sisimula pa lang kami. " Si Sloane,

Sinam-an siya ng tingin ni Ali at bumaling kay Six na busy with gues who!? With Ten!

" Man. Can you tape your sister's mouth. "

" Huh? Di naman tinatablan ng tape bunganga niyan. Kailangan niyan remedyo. "

Sumingot si Sloane, Sinapa ang kapatid na malapit sa tabi niya. Hinigit ako ni Sloane at si Tenley mula sa dalawa.

Si Tenley na himala ay hindi ko napansin nakikipag-usap na kay Six! Wow! Masaydong tahimik ang pag-uusap nila kaya't hindi ko sila napansin.

" Hmp! Huwag nyo ngang sagutin ang mga yan! Sige!? Subukan nyo ako hawak ko ang buhay ng mga Lovey doves nyo! " Pag-babanta nito,

Napailing ako sa ka-immature'an ng babaeng ito, Kailangan ba ito tatanda? O bakit mukha siyang matanda ngunit isip bata?

" Kaya ka hindi nagkaka-boyfreind, e. Isip bata ka. " Iritadong giit ng kapatid niya,

" What did you just say? Ang sabihin mo kaya ako hindi nagkaka-boyfreind kasi tinatakot mo! Akala mo hindi ko malalam yan a! " Untas ni Sloane

" Ang sabihin mo! Walang deserving pagdating sayo! Wala kahit sinong lalaki! " Bulyaw ni Six

" So what do you mean by that? Hindi nila ako deserve? "

" No what i mean, is that no body is deserving for you, Annjj.  " Maraha ng giit ni Six sa First name ng pangalan ng kapatid nito,

Alam ko kung gaano na gaano kamahal ni Six si Sloane. Lagi niyang sinasabi iyon sa amin. At Siguro tama nga si Six no one is deserving for her,

Annjj Sloane Villena is so precious. She was like a Diamond in the waves of Pearls. Ang morena nitong balat ay ang lalong nagpapaganda rito, and her curves that can make every boys gulped.

At hindi lang si Sloane, Pati sina Paulette at Tenley. Walang deserving na lalaki pagdating sa mga kaibigan ko.

" Andyan sila sa likod. " Si Sloane, Kakabukas niya lang ng pinto para sa amin rito sa bahay nila,

Inimbita niya kami rito dahil inimbita rin ng Kuya niya sina Yasour, Kaya't narito kami para sa one night out.

Bukas na rin naman School cups na gaganapin sa ibang school. Isang araw kaming mamamalagi sa Central University, katulad ng pangalan nito ay ito rin ang sentro ng lahat ng paaralan rito.

Dahil mas malalaki ang field, Gymnasium, Court sa paaralang ito, Laging dito dinaraos ang tinatawag naming School cups kung saan, Maglalaban-laban ang sampung paaralan.

Dahil sa higit na malayo ang paaralan namin mula roon at ang iba pang school. Taon-taon ay pinag-uusapan ang Doon na lamang pananatili ng players hanggang sa matapos ang laro nito.

Kada isang paaralan ay isang building ang ibinibigay upang maging shelf namin.

Dito kami magsleep over, Para sabay-sabay kaming pupunta sa school bukas ng madaling araw. Bukas na ang Schools cups, At kailangan maaga bukas, Dahil maaga rin ang dating ng mga bus na magdadala sa amin sa Central University.

Ganito ang ginagawa namin lagi, Last year ay kina Paulette at napag-usapang dito naman kina Sloane mags-sleep over ngayong taon,

Nakarating kami sa malawak na Sala nina Sloane. Katabi noon ay ang sliding door nila sa labas kung saan naroon ang swimming pool at kung saan nakahubad na lumalangoy sina Yasour!

Hindi kami nito napansin dahil busy ito sa paglangoy roon,

Naglaway kaagad ako ng makita ang hubad na katawan ni Yasour!

Shutanginers! Sheymay! Pandesal.

" Ang hot ni Yasour.. "

" Nakakapanglaway.. "

" Ngayon ko lang na-realize na gwapo pala si Yasour, Ba't laging pagdating sakin ang pangit niya? " Napatingin kaminh tatlo kay Sloane na nakatingin kay Yasour at nag-iisip

" Bonak! Bakit? Gwapo ba yang Bts mo? " ..

Tinaasan ako nito ng kilay, Pinameywangan ako. Abat? Palaban ang malanding ito!

" O? Bakit? Gwapo ba yang Yasour mo? "

" Ano ba! Tumigil nga kayo- " Naputol si Paulette ng sasawayin sana kami ng Pinutol namin ito at Pinameywangang tinigna

" Oh ikaw? Gwapo ba yang Jonaxx mo? " Mataray niyang tanong.

Sabay niya kaming inirapan,

" Mga bonak! Babae si Jonaxx! "

Magsasalita pa sana si Paulette ng bumulong si Ten, dumiretsyo ang tingim namin sa swimming pool muli,

" Si Ali. "

Sabay-sabay kaming napatigil at napasinghap nang tinakluban ng katawan ni Ali si Yasour sa swimming pool, Naghubad ito ng drifit nitong damit at ang tanging suot na lamang ay ang nike nitong short

Pinameywangang niya kami, Hindi. Pinameywangang niya akong tinignan, Natigil ako at napatingin sa Bandang baba ng tyan niya.

Inaamin kong mahal na mahal ko si Yasour Ngunit hindi ko mapipigilang magcomment sa tantalizing Abs niya- A what?

Tantalizing? Ni hindi ko nga alam meaning nun e!  Buti na lang yung utak ko ang bobo at hindi ako.

Bagay kay Ali ang katawan nito. Matangkad ito, Hindi payat, hindi rin ma-muscle iyong parang Tama lang.

Tamang timpla.

" Ano pinagsisihan mo ng si Yasour ang nagustuhan mo? " Sigaw nito, Nasa may bibig pa ang kamay tila para mas lumakas ang boses nito at nakataas ang kilay sa akin

" Huh? " Boses ni Yasour na nagtatanong
at  biglang nadawit ang nanahimik na siya

Ang yabang nitong si Ali a?

Bottle of love series 1: Beverage of MistakeWhere stories live. Discover now