Pasakal--Pakasal.
Nakaupo kami sa mismong grass field ng soccer field. Nakatuon ang dalawa kong kamay habang nakaupo at nakapikit na nakatingala. Humahaplos ang malamig na hangin sa aking mukha,
" This is all i want.. " Napamulat ako ng mata, Sabay-sabay kaming napalingon kay Sloane na ginawang unan ang aking hita.
Nagmulat ito at nilingon rin kami " O? bat? Ito ang gusto ko e. "
Umiling ako, Tinulak si Sloane patayo. Narinig ko pa ang reklamo nitong nasaktan raw siya. Tumayo ako at pinagpagan ang pang-upo.
" Travel tayo? " Ngiting tanong ko sa kanila. Inabot ang kamay kay Sloane para makatayo ito
Nakita ko ang pagkagulat sa mga kaibigan kong kakatayo lang rin.
" Huh? H-hindi ka mahilig magtravel, Lat.. " Gulat na nagiit ng mga ito
Umirap ako. " Ano? Minsan lang ako mag-aya sasama ba kayo? "
Unti-unti silang napangisi. Lalo na si Paulette na may malademonyang ngiti. Kapag talaga kalokohan si Paulette ang pambato namin, Hindi ko alam kung paano ba nabingwit ni Paulette si Vishro na mukhang anghel samantalang ang girlfriend ni Ay demonya.
" Tara sa bahay. Itatakas natin ang kotsye ni Daddy." Agad kaming nagsitakbuhan palabas ng field.
Sumakay kami ng Taxi, Papunta kina Paulette. Wala pa kami sa tamang edad, kaya't wala pa sa legal na magmaneho at magkaroom ng Sasakyan, Ngunit itong si Paulette, Demonya. Nagagawa ang lahat dahil sa Attorney ang parent's niya ay malakas sa mga pulisya.
Sasabihin mo nga lang ang pangalan ng daddy niya o ni Tita Pauline, Abswelto na agad siya.
Ngunit habang nasa byahe kami ay nagkaroon ng masinsinang usapan.
" No boys for this day. " Hamon na giit ni Sloane, Nagsitanguan sila, hindi ako.
" Alishandrus will worried. " Inirapan nila ang ng sabay-sabay
" Ang killjoy mo! S'yempre itetext naman natin sila pagkarating sa mga bahay natin! "
" Ano deal na? " Nauubos na pasenya ni Paulette,
Inirapan ko sila. Palibhasa mga kulang sa aruga ng lalaki nila.
" Do i have i choice? " Nagsitilian sila. Kinuha ko nag cellphone ko, Napapikit pa habang nakatingin sa picture namin ni Ali sa screenlock bago pinower off Nakarating kami sa bahay nila na tanging ang tao lang ay ang lola nito.
" Hi Lola! Kasama ko po sina Latecia! " Ngiting salubong nito sa lola nito.
Ngunit inirapan lamang kami ng lola nito. Sanay naman kami kaya't nagsitawanan na lamang kami.
" Demonya talaga ng lola ko, no? Mana ako dyan! " Proud namang giit ni Paulette.
Pumunta kami sa may studyroom sa taas ng bahay nila. Kung titignan ay tila opisina ito, Maraming antique na bagay, Kahit yung apo antique na rin.
Sa isang cabinet mayroong tila isang antique na lalagyan ng bagay na pwedeng itali. At doon may ibat-ibang susi na may label
Master bedroom
Bedroom 1
Bedroom 2
Basement
Nanatili akong nagbabasa ng label sa bawat susing nakikita ko
" Cr-- ni Paulo? "
Natawa ako. " Ano ba yan? Pati Cr ni Paulo may susi? Ano bang ginagawa niya sa Cr at siguro'y nilo-lock? "
YOU ARE READING
Bottle of love series 1: Beverage of Mistake
Teen FictionEverything seems perfect, They were once Perfect with they're own way, They making themselves perpect for each other. But? They can still be perfect after a mistake? How long they can hold each other? How long they can hold by love? If the mistake...