Kabanata 32

89 4 0
                                    

Confession

Pinagbuksan ako ni Six ng pinto, Seryoso lamang ito habang ako'y nanghihina parin.

Tumayo ako sa tabi ng gate ng bahay namin, Sinuyod nito ng tingin ang bahay namin bago binigay sa akin ang sportsbag ko na kinuha sa likod ng sasakyan nito.

Hinarap ako nito.

" Katulad noon, Lat. Kailangan nating esekreto muli. This is what Sloane want and this is the only way we can support her. "

Tumango ako rito. " S-si Yasour? Alam niya bang.. Does he know about Sloane's situation? "

Umiling ito. " As much as possible, Sloane wants Yasour away with her problem, Ayaw niyang- "

" A-alam ko na. " Huminga ako ng malalim " Tuloy na ba talaga ang alis nyo? Hindi nyo ba alam ang mararamandaman nila kapag nalamang umalis kayo ng walang paalam. "

" At anong gusto mong gawin natin, Lat? Ang mag-paalam at bigyan sila ng pag-asang sa 50/50'ng chance na gagaling si Sloane? You know her right? Alam mo namang ayaw na ayaw niyang may nadidisapoint siya.. "

" Kailan ang alis nyo kung ganoon? " Tanong ko,

" Maybe a week's after. Kasalukuyang hinahanda na ang lahat ng ka-kailangin sa ibang bansa. Baka mauna sila ng ilang araw bago ako. "

" At tatanungin ka ni Yasour.. "  Ngumiti ito. " I think i can handle that. And i think you should call Ali, right now, too. He's the one who can't handle. "

Si Alishandrus!

Tumango na ako rito at ngumiti bago niyakap ito. Niyakap rin ako nito pabalik bago tuluyan ng umalis. Naglakad ako papasok ng bahay, Hindi pa ako nakakapasok ng isang lagapak ng sampal ang inabot ko.

" Mom! " Gulat kong giit,

Matalim ako nitong tinignan. " Is that Sixto Villena? Huh? Kaya ba sa halip na nakauwi ka na kahapon, ay ngayon dahil magkasama kayo? What? Did you give him a one night- "

Mapait ko itong tinignan.

" And what, Mom, too? Kailangan ka pa nagkaroon ng pakealam sa akin? "

Aamba itong sasampalin muli ako ng iniwas ko ang mukha ko, Napatigil ito.

" Wala kang respeto! Katulad ka lang ng Ama mo-" Pinutol ko ito,

Maybe. Siguro nga ay katulad ang talaga ako ni Daddy. Pero? Bakit hindi niya makitang kahit gaano ko kagusto kay daddy pinipili ko parin siya!

" Buti nga po at respeto lang ang nawala ko sa inyo! Buti at iyon lang ang namana ko kay Daddy! dahil kung nagkataon, Baka po matagal na akong wala sa tabi nyo kahit ang hirap hirap nyo ng pakisamahan! "

Tinalikuran ko ito at lumabas ng bahay, Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng paglalakad ko. Lumiko ako at patuloy na naglakad,

Hindi ako umiiyak, ngunit ngilid na ngilid na ang luha ko. Tahimik ako na napatigil ng mapunta sa isang lugar

Sainthood Mercy School. Ang pamilyar na pangalan ng elementary school ko. Napatingin ako kay Kuya'ng guard na nakangiti sa akin

" O? Maam Latecia, Napadalaw 'ho kayo? "

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko, Ngumiti ako ng bahagya rito. " Bibisita lang po! Pwede po bang Pumasok? "

Tumango ito at pinagbuksan ako ng gate, Naglakad ako sa sementado at di-bubong na pathways Hanggang dulo papunta sa mga building, May gazebo sa gitna. Naglakad ako sa pathway, Sa tabi nito ay ang malawak na field. Natatandaan kong dito kami madalas mag-laro noon.

Sa kabila ay ang Play-ground. Napunta ako roon at naupo sa isa sa mga swing na madalas kong upuan noon.

Tahimik lamang ako, habang nakahawak ang kamay sa lubid na bakal, Ay nagduyan ako. Linggo ngayon, kaya't walang kahit sinong bata ritong naglalaro o nakikita

Gusto kong maging bata na lang ulit. Iyon lagi ang sinasabi ko tuwing mapapadaan at mapapatambay rito.

Napatigil ako at binaba ang paa upang matigil sa pag-lipad. Kinuha ko ang cellphone ko ng simula kahapon ay nagvibrate muli ito. Minute ko ito kahapon kaya't walang tunog na lumabas.

Napatingin ako sa ilang daang missed calls at messages, mula sa ibat-ibang tao, At mas lamang roon ang kay Ali.

Guilty crept inside my whole body. Hindi man lang ako nagpaalam o kahit nagmensahe lang rito. Hindi ako magtatakang galit ito.

Alishandrus the great:

Where are you?

Nakahawak ako sa isang lubid at ag kabilang kamay ay sa cellphone

Alishandrus the great:

Its our time out. Where are you?

Alishandrus the great:

The game is already done, But i understand, Maybe you can come and watched me having my medals? We win! For you.

Mapait akong napangiti rito. He still understand me. Nanginginig na ako habang binabasa ang bawat message nito, na kahit puro pag-intindi alam kong disappointed siya at umasa.

Alishandrus the great:

I've already got my medals! MVP baby! Where are you? I can't find you?

Sunod na text nito ay puro pagtatanong kung nasaan ako. At ang pinaka-huli bago ang ang ngayon ay ang nagpadurog sa akin

Alishandrus the great:

Why are you with him? Why he's kneeling down? Bakit ka Umiiyak? Did you guys cheat on me?

Akala niya niloloko ko siya. Iniisp ko kung ano ang itsura niya Habang tinaype ito sa akin. Napahawak ako sa bibig ko habang naiisip na, Siguro iniisp niyang kaya hindi ako nakapunta ay Dahil rito.

I browse his new text message,

Alishandrus the great:

Hinatid ka niya. Saan kayo galing?

Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang bawat information. Huminga ako ng malalim, Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan para sa kaniya.

O dahil nasasaktan lang ako dahil... Dahil ganito siya sakin kasi dahil sa gayuma? At bakit ako nasasaktan?

Dahil kahit pigilan ko man, Kahit pilit kong hindi aminin sa sarili ko, Umaasa akong totoo niya nga akong gusto.

Did i want him? Oo.

Hindi ko alam kung paano, At kung bakit. Lagi akong naguhuluhan pagdating sa kaniya ngunit ngayon sobrang liwanag na nang isip ko,

Pero, Ayos lang sayo yon, Lat? Na gusto ka niya kasi ginayuma mo siya? Napaka-selfish mo naman, Lat! Kinagat ko ang labi ko,

I want him real, now.

Ngunit dahil sa gusto ko siya, Hindi ko na hahayaan maging tanga siya para sa akin. Hindi ko hahayaang masaktan siya ng dahil sa paghahabol sa akin kahit hindi naman talaga ako ang gusto niya.

I'll confess him everything. Na mali lahat ng nararamdaman niya para sa akin, Na Gusto niya ako dahil sa spell.

Me:

Can we talk?

Mabilis siyang nagreply.

Alishandrus the great:

Where?

Kahit sa chat, Nararamdaman ko ang lamig nito. Paano pa kaya kapag harapan na. Tinext ko pabalik kung nasaan ako.

Ilang minuto dumating ito. Mula sa Range Rover nito. Nakatingin sa akin papalakad pa lang sa pathways ramdam ko na ang lamig nito

Kung magagalit siya sa akin, Tatanggapin ko. If he will call me disgusting, Hahayaan ko.

And once its done, Kapag wala na. Hahayaan ko na lahat. Tatalikuran ko at hindi na muling lilingon pabalik pa.



Bottle of love series 1: Beverage of MistakeWhere stories live. Discover now