Kabanata 25

100 6 0
                                    

Won

Alishandrus the great:

10:30 am. Our First game. Please be their <3

Napailing ako sa puso sa dulo. Napatunghay naman sa akin si Paulette at Tenley, Nakaupo na kami sa hinagdanang bench rito sa isa sa mga Gymnasium ng Central University. Nagpapahinga dahil kakatapos lamang practice namin. 

" Why are you laughing at? " Tanong ni Paulette at tumingin rin sa cellphone ko na agad kong binaba at tinignan ito, May multo sa labi nito. " Alidabdab? "

Inirapan ko ito ngunit nang-aasar itong tila ay kumakakanta

" Alidabdab.. Ali-Dabdabdabbbbb Dabidap dap! "

Huminga ako ng malalim, Tinignan si Tenley na nakatingin rin sa cellphone nito, ngunit naramdaman nito ang tingin ko agad binaba ang cellphone at nilingon ako

" What? "

" Manood tayo mamaya. " Tumango ito sa akin.

Ngunit itong si Paulette ay hindi parin natigil sa pang-aasar kumakanta parin ito, Kinakanta ang pangalan ni Ali.

" Alidabdab-dabidap dappp.. "

Mabilis kaming nagtungo sa shower room, pagkatapos agad ng practice namin. Dali-dali dahil nagsisimula na ang game nila Ali,

Inaayos ko pa ang sombrero ko habang binabasa ang text ni Ali sa akin, a minute ago.

Alishandrus the great:

Where are you? Hindi pa tapos ang practice mo?

It was sent 10:25 am ago. Nag browse ako habang nagmamadali kaming bumaba sa hagdanan, Nasa Third floor kami kaya't ilang minuto pa ang pagbaba ng hagdanan

Alishandrus the great:

The Game is about to start. Im still waiting, Baka matalo kami, Wala akong inspiration.

Muntikan pa kaong matapilok, Napatingin ako sa lalaking inalalayan akong nakasulubong lang namin sa Hagdanan,

" Are you okay, Miss? " Tanong nito

" Latecia, Mamaya ka na makipaglandian! Nagsisimula na sila. " Sigaw ni Paulette, Inirapan ko ito.

" Im fine.. I'm fine. " Giit ko at tumakbo, Napatigil lang ulit ng may naalala, Naririnig ko ang sigaw nang pagmamadali nina Paulette

" Hey what's your name? " Tanong ko sa lalaking nakatingin parin sa akin,

He smiled at me flirtly, Nakangisi ang kasamahan nito sa likod, I bet they were students from Brentwood University.

" Im Charter. Take care " Ngumiti ako rito bago tumango at tumakbo na pababa ng hagdanan muli.

Tumatakbo kami sa bench sa gilid, habang ang mata ay nasa malaking tv sa gitna ng soccer field kung saan nakalagay ang isang malaking LED tv na kung nasaan nakasulat ang paaralan namin at ang kalaban ng paaralan rin

I've never been familiar to this soccer thing, Ngunit mukhang ang sinasabi ng Score Board at lamang ang kabila,

" Ano!? "

" Excuse me! ",

Rinig naming sigaw ng mga nakaupo dahil sa nahaharangan namin sa pagdaan ang panonood nila. Nakarating kami sa pwesto kung saan mayroong mga Tagah-school naming nanonood,

Kumaway samin si Sloane, Nakitang may nakahandang bakanteng upuan sa tabi nito, Agad kaminh umupo,

" Kakasimula lang niyan pero mainit na agad. " Giit ni Sloane habang kumakain ng popcorn at nanonood, Nakasuot kami ng kakulay na damit ng players, At mayroong Tinta sa mukha na dalawang guhit o equal sign na kakulay rin ng unfirom namin.

Where like somehow soldiers iyong may mga drawing ang mukha. Nilingon ako ni Sloane at nabitin ang tingin nito sa suot kong jersey

Kaninang umaga lamang ay hinatid sa akin nitong si Ali ang isang spares of soccer jersey nito. Sinuot ko at napansin nito

" A... Allegre- "

" Alidabdab-dabidap! " At hayan na naman si Paulette sa pang-aasar nito.

I rolled my eyes to her

" Sana ma-injury ex mo. " Pinanlalakihang tingin ko ito

" Sana di makapuntos Alidabdab mo! " Balik nito sa akin.

" Walanghiya ka! " Gigil kong sigaw

" Malandi ka! "

Ready na kaming magsabunutang dalawa ng natigil kami ni Paulette kay Tenley

" Ali, Strike the ball. Hindi nasalo ng Goalkeeper ng kabila..."

Napatingin kami parehas ng makitang tumatakbong umikot si Ali, papunta sa mga kateam-mate nito.

" Wooooh! Go Alidabdab! " Sigaw ni Paulette

" Atleast naka, Strike. " Ngiti kong giit. Tumayo rin para sumigaw " Ang galing mo Alidabdab! "

Napatawa ako dahil nadala narin ako sa pagtawag ni Paulette kay Ali sa ganoong paraan.

Nag-Tie sila! Ewan ko, Ngunit iyon ang nakikita ko sa score board!

Naghiyawan kami ng nasa school namin ang bola, Sinisipa ang bola habang tumatakbo sa goal ng kabila, ang isa sa kilalang player namin. He Then passed it to Sixto,

Tumakbo si Sixto ganoon rin ang ginagawa ng sinalubong ito ng kalaban gamit ng sipa, Sinubukang maagaw nag bola ng pinasa niya ito kay Yasour

Sa ilang distansya tumigil si Yasor at Tumingin sa Goalkeeper ng kalaban. Huminga ito ng malalim and then he skillfully kick the ball, Hindi iyon nasalo muli ng keeper

Napatalon ako! " Wooo! Dabest ka Alishandrus the great! "

Bahagyang natigil ang ilang nagchi-cheer at napatingin sa aking nagtataka

" Hoy! Malandi ka. Si Yasour ang nakapuntos." Inirapan ko si Sloane,

" E, Sa si Ali ang gusto kong icheer! Wooooo! GoGoGo Aliii! "

Hindi na nila ako pinansin, Hindi ko rin naman sila pinansin. Tinaasan ako ng tingin ni Ali, Tumawa ito at napailing sa akin bago tumakbo.

" Hindi yan papasok! Hindi! "

" Booo! "

Sigaw ng kalaban namin sa kabila namin nang mumuwestra si Ali ng sipa muli sa bola, Matatalim kong tinignan ang mga ito

" Pag iyan pumasok, Ipapasok ko rin kayo dyan! "

Ngunit gumanti ng asaran ang kabila sa sigaw ko, Lalo pa noong sa standy noong bakal na goal tumama iyon.

" Boo! Ano na? hindi pumasok! " Talkshit nong kabila. Napahiya ako roon a?

But i need to get even!

" Ano? Pakealam ko kung di pumasok, Ano? Pa-gwapuhan na lang player ano? Ano? Ha! Dugyot mga player nyo! "

Nagkipaghighfive ako kina Sloane, Sumuko iyong taga kabila, Dahil mukhang totoo namang dugyot yung mga Players nila.

" Mananalo na sila Ali!!! " Si Tenley at napatayo an rin sa sigawan, Napatanga ako at Napatingin sa taga kabilang siyang sisipa ng bola

" Huh? Paano? "

Inirapan ako ni Ten, " Have you seen that boy play? Iyan ata iyong hindi masyadong pinapasok at hindi pinapasahan ng bola, Ngayon siya pa mismo ang Sisipa! Hindi yan papasok. "

Nanlaki ang mata ko at ginanahan sa pang-aasar sa kabilang todo cheer sa Sinukin nilang Players, Feeling ko nga isang pitik lang ni Ali kaya nang matumba ang mga players ng kabila dahil sa kapayatan

" O? Ano na? Umuwi na kayo! Panalo na kami! Paboo boo pa kayong nalalaman? " Tumawa ako  " Asan boo nyo? Nasa mga players nyo, kasi ang boboo-luk nang players nyo! "

Sinaway na ako nina Tenley, Nag-sigawan ang lahat ng hindi nag pumasok ang bola, Pawisang Tumakbo ang mga players ng soccer namin,

We won!

Bottle of love series 1: Beverage of MistakeWhere stories live. Discover now