Kabanata 54

93 6 0
                                    

Too much.

" What can you say about Philippines after 4 years, Ms Latecia? "

" Do you have any plan to sign any contract here? "

" What we're you wearing, Ms Co? "

" Are you planning to stay here permanently or only temporary? "

Hindi ako natigil sa ilang reporter na nag-abang sa akin pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko, Napapalibutan ako ng ilang bodyguard ko na kasama ko simula ng lumapag ang eroplano.

I was wearing my stripe down slacks matching with my coat and a black tube inside. Napatigil ako at binaba ang salamin ng makita ang pangalan sa  napaka-laking banner,

Napangiti ako. Bahagyang nagulat na halos maraming tao ang sumalubong sa akin, May kaniya-kaniyang dalang litrato ko.

Tumigil ako saglit upang kunan sila ng litrato. I'll post this to my IG later, Todo pasalamat ako habang naglalakad palabas ng airport. Hindi roon natigil ang mga reporters mas marami ang narito.
Sa ayaw ko man magdali, kinailangan ko. My fans somehow gone so Wild. Nagkakagulo sila kaya't kailangan ko ng umalis bago ako madamay

Ilang saglit pa at nasa kaligitnaan na kami ng byahe, Ako lamang sa likod at sa unahan ay isang driver at isang Bodyguard, Nasa kabilang kotsye naman ang iba.

Pagkatapos i-update ang lahat ng social media ko para ipamalita ang pagbabalik ko, Nakatulog ako. Ngunit nagising rin na nanatiling nasa byahe dahil sa traffic.

Huminga ako ng malalim at napasandal sa bintana ng sasakayan, Ilang oras pa ay nakarating ako sa bahay.

Kunot noo akong bumaba, Tahimik mansyon at tila ay walang katao-tao? Nakalimutan ko bang sabihin sa kanilang uuwi ako?

Napatingin ako sa likod ng itanong ng isang Bodyguard ko kung ilalabas na ang gamit ko,
Tumango ako rito.

Binuksan ko ang cellphone ko at dinial ang Philippine number nito. bahagya kong inipit ang cellphone ko sa tainga at balikat habang hinahanap ang lumang susi ng bahay.

Nang nahanap ko ay agad kong binuksan ang pinto, I was about to turned off my phone because Sloane wasn't answering my call.

" SURPRISE! "

Halos mahulog ko ang cellphone ko. Nang pumutok ang confetti. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga familiar na tao sa harapan ko,

At mula sa taas, Naroon si Fern na may hawak ng confetti. Hindi ako nakaibo, Nasa may hamba ng hagdanan ang mga kaibigan ko at sa sala naroon sina Mommy na nakangiti

" O my.. god  " Halos ang nagiit ko.

Sinalubong ako ni Mommy at daddy ng yakap, Nabalik lamang ako sa realidad ng tumakbo'bg yumakap sakin sina Sloane, Ten at Paulette na umiiyak.

" Ang ganda ganda mo! " Umiiyak na giit ni Paulette " Bakit ganon? "

Nagtawanan kami, Yumakap rin ako kay lola na nakaupo kahit gustong-gusto kanina pang sugudin at yakapin ako.

" Ang apo ko! " Ngumiti ako at niyakap si Lola, Kasunod ang dalawa kong lalaking kapatid. Si Fern at Rozon na sa likod ay may kasamang magandang babae sa likod.

" Girlfriend? " Tanong ko kay Rozon, Pinahid ko ang luha ko, Natatawa kay Rozon ng magkamot ng ulo at tumango.

" Si Rina, Ate. "

Napatango ako at ngumiti sa girlfriend nito.
" Nice to meet you, Rina! Nice catch Rozon! "

She smiled at me confidently. Pagkatapos ay Tinughayan ko na ang ilang pang bisita. Ilang pangangamusta ang nakuha ko mula sa kanila bago kami pumasok sa kaka-renovate lang na dining area namin, Sa mahabang mesa ay maraming pagkain ang nakalatag.

Napasinghap ako ng makita ang isang batang naglalakad paputa sa akin. Her eye's resemble as mine and as Tenley too.

Nagpabuhat ito sa akin na agad kong binuhat, Nilingon ko si Dad na nakangiti sa tabi ay ang asawa nito.

" Mari.. H-how are you Little Mari? " Kinagat ko ang labi ko at nakatingin sa batang buhat-buhat ko, She gently reach my faces.

Nasabag lang ang katahimikan ng sumigaw ang mga Tita ko na ikinatawa naming lahat.

" Nagre-Ready nang maging Mommy! "

Umiling ako at tumawa. " Bigyan nyo po muna ako ng Asawa.."

Nagtawanan muli ang lahat, Nagpatuloy kaming kumain na puno ng tawanan. Ang napagbalingan ng mga pang-aasar ay si Rozon at ang girlfriend nito.

Ngumiti ako ng lumapit sakin ang tatlo, Hinampas ako ni Sloane. " Hindi nyo sinabing dalawa na may ganoon pala kayo ka-gwapong Kapatid! "

Inirapan ko sila. " Hoy! Mga bonak, May girlfriend kapatid ko, Atsaka ang tatanda nyo na! O! Ikaw ikakasal ka na diba? "

" Bonak! Ikaw pinaka-matanda sa atin! "

Tumawa na lamang kami. May kaniya-kaniyang usapan ang tao sa mansyon, Hinigit ko ang girlfriend ni Rozon mula rito.

" Dito ka samin dapat! "

Awkward itong tumango nilingon ang boyfriend para magpaalam, Iniupo ko ito sa silya naming nga babae

" Guy's, Meet Rina! "

Sinapak ako nina Paulette. " Syempre kilala na namin bago ka pa! "

Inirapan ko sila " Yabang! "

Nagtawanan kaming muli, Ilang minuto ay nakakasabay narin sa pag-uusap namin si Rina.

Pagkatapos ng huling picture'an ay unti-unti naring umuwi ang mga bisita. Hinagkan ko si Lola bago inihatid sa kwarto nya.

Sa likod ay ang dalawang magkasintahan. Rozon is probably drunk, Nag-inuman sila sa Teresa namin.

" Kayong dalawa? Kasal muna a? "

" Ate! " Saway ni Rozon, Tumawa ako. Tumawa na lang rin Rina kahit namumula sa hiya.

Pabagsak akong Humiga sa kama ko. Pagkatapos magpalit. Ilang taon ko bang hindi nakita ang kwarto'ng ito? Nakadapa ako ng mahigip ng mata ko ang isang litrato.

Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas upang tumayo at kuhain iyon sa study table ko.

Its been four years.

Hindi biro iyon. Sa unang taon ko sa America. Pakiramdam ko araw-araw akong pinapatay. Hindi ko alam kung paano ako nasurvive sa taon na iyon at sa ilan pang taon.

Sinubukan kong mag-move on. Hindi ko kaya pero sinubukan ko. Yeah i move on but i guess ny love for him will never fade.

Sinubukan kong magmahal, Sinubukan ko lahat ng paraan pero hindi pala ganoon 'yon. Na hindi mo basta-basta makakalimutan ang isang tao kahit na sobrang ikli lamang ng panahon mo ito nakasama.

Sa halip na ipinagpatuloy ko ang ginagawa, Hindi ko tiniloy, Dahil kahit ano namang mangyari wala paring magbabago. Na kahit anong gawin ko hindi parin mawawala.

Kaya't hinayaan ko kung ano man ang meron pero iyon 'ata ang hindi ko dapat ginawa.

I am now still wondering for him. Hindi ko kayang hindi aminin na, Oo. Habang nililibot ang paningin sa lahat ng tao sa baba, Hinihiling ko na naroon siya at Hinihintay ako.

But maybe i hoped too much. Why would he be here? Anong karapatan kong hingin siyang naghihintay sa akin kung iniwan ko siyang ng walang paalam?

I hope too much, And love him too much.

Bottle of love series 1: Beverage of MistakeWhere stories live. Discover now