7 (Love at First Sight)

1.1K 63 3
                                    


CHAENG POV.

Mula umaga pa ako naghihintay sa text ni Lisa pero wala. Hays. Ano na kayang nangyari dun? Porke magkikita sila ni jennie hindi na ako naalala.

Lunch break na at alam nya yun pero wala pa din maski isang text. Ganun ba sila kabusy mag-usap para hindi magawang makapag type maski isang text man lang?

Kaasar! Nawalan na tuloy ako ng gana kumain.

"Huy chaeng! Bakit naka busangot ka dyan?" tanong ni taehyung na tumabi sakin.

"Ah wala naman. Nasira kasi araw ko bakla." sagot ko.

"Nako porke wala si lisa ngayon at kasama ni maam jennie eh nagkakaganyan ka. Selos ka gurl? Hahaha." pang-aasar nya pa.

"Aba! Eh bakit ako magseselos eh bestfriend ko lang naman yon. Naiinis lang ako kasi hindi man lang nagtext." pangangatwiran ko.

Tumayo nako at akmang aalis na.

"Bestfriend daw eh halata namang inlove ka kay lisa. Wag na mag deny gurl. Asus!" dagdag nya pa.

Di nako sumagot pa at umalis nalang. Kapag kasi patuloy pa akong makipagusap eh baka ano pa maamin ko mahirap na baka makarating pa kay lisa.

Hindi kona tinuloy ang pagkain ko at bumalik na sa store. Nag early in nalang ako kahit di pa tapos ang lunch break.

~~~~

JISOO'S POV.

Asar talo talaga yung si jen kahit kailan eh. Malakas mang-asar pero pikon naman hahaha. Kahit ganon yun sobrang close kami ng pinsan ko na yun. Parang kapatid na nga since pareho kaming only child.

Ako nga pala si Jisoo Kim, 22yrs old. Only daughter ng may-ari ng malaking entertainment agency sa bansa ang "JYG Entertainment". Business Management graduate ako since maaga akong nag-aral. Same kami ni Jennie pero short course lang sa kanya wala kasing hilig talaga yun sa business. Napilitan lang.

Andito ako kasalukuyan sa office nung tumawag sakin si jennie. Ang plano kasi ni dad eh maglaunch ng new girl group which is si Jennie at ako na ang kasali. The group will be consisting of 4 members kaya naman kailangan pa namin ng dalawa.

Maraming sumasali sa audition but napaka pihikan kasi ni dad sa artist. Tanging si Tzuyu lang ang naiisip nya. Kaso ayaw ni jen kasi magka away kasi yung dalawa. Alam na.. same silang famous sa social media. May rivalry ganun.

That's why i asked jen na maghanap siya ng pwede nyang irecommend kay dad kung ayaw nya na si Tzuyu. Kaso mukang mahihirapan yata sya dun kay Lisa na sinasabi nya. I watched Lisa's performance and i was amazed kasi magaling nga talaga siya.

Di bale i'll help jen with this.

Puntahan ko ngayon si dad sa office nya para i tackle ang about dito.

"Seul, pwedeng paki tuloy nalang muna nitong ini encode ko at kailangan ko lang kausapin si dad saglit." utos ko kay seulgi na syang assistant ko.

"Noted maam jisoo. Pagbalik mo tapos ko na po to." sagot nya.

"Hahaha ang pormal mo ngayon ah napano ka? Good day ka na naman dahil nag date kayo ni irene. Ayokong mainggit hahaha sige na." dagdag ko pa bago ako lumabas ng office ko.

Mabilis akong tumungo sa elevator at pumanhik pa 12th floor kung san ang office ni dad.

Paglabas ko ay dumirecho na din ako agad dun. Sakto naman na nandito lang si dad at walang meeting kaya pumasok nako agad.

"Hi dad. Hindi kaba masyadong busy ngayon!" bungad ko sa kanya.

"Hindi naman baby. Tapos kona kanina pa eh. Ano ba yun? Do you have urgent matter to talk about? Come on spill it out." nakangiti nyang sagot.

"Ahm meron nga sana dad eh. About po ito sa member searching natin para sa bagong group na i launch. Kasi dad si jennie meron sana syang gustong irecommend sayo. And sa napanuod kong performance nya for sure bibilib ka. Watch this dad." at binigay ko sa kanya ang phone ko para mapanuod nya.

After 4 minutes sa pag play ng video, nanahimik muna siya panandalian bago sumagot.

"I'm impressed! It's true ang galing nga nito. I would want her to be in the group right away." tuwiran nyang sinabi.

"Really dad? Okay sayo?." tanong ko sa kanya.

"Ofc! She is ready to debut na. Dalhin nyo sya dito at ipakilala sakin. Agad ko syang bibigyan ng contract." excited nyang sabi.

"Yes dad sya din ang gusto namin na makasama. Kaso sa pagkausap sa kanya ni jen eh parang nareject yata ang offer nya eh." paglalahad ko.

"Ask jen to do her best para mapapayag si lisa. Or else si tzuyu na talaga ang kukunin ko. Kaya sabihan mo si jen na bilisan nya." pag-uutos niya.

Agad ko namang tinawagan si jennie para sabihin ang lahat ng napag-usapan namin ni dad. Well, sana mapabago nya ng isip si Lisa.

~~~~

JENNIE'S POV.

Kakauwi ko lang halos sa bahay ng tumawag si jisoo. I'm glad dahil okay si lisa kay uncle. Ang problema nalang talaga ay kung paano ko siya makukumbinse na pumayag.

Aissh! Nakaka stress.

I decided to take a shower first.

Maski habang naliligo iniisip ko pa rin ang gagawin ko kay lisa. Yes sabihin na natin na attracted ako sa kanya. But not enough para i assume na pwede rin akong ma fall in love sa kanya.

But i need to pursue my plan na paibigin siya para mapapayag ko na tanggapin ang offer ko sa kanya.

Matapos kong mag shower at makapagbihis, agad kong kinuha ang phone ko para magtext kay lisa.

Pero pagtingin ko sa phone ko ay may missed call pala siya.

Bakit kaya?

Agad ko syang tinawagan.

"Oh hey lisa, bakit ka napatawag? Sorry may ginawa kasi ako kanina. So what's the matter?" pauna kong sabi.

"Ahm kasi jen gusto ko lang mag sorry kanina kung iniwan kita sa restaurant. Sa totoo lang kasi ay parang na awkward ako. Hindi ko kasi alam pa ang isasagot sayo." pagpapaliwanag nya.

"Ah ayun ba? It's okay i understand. Nabigla ka siguro. Sorry for that. I told you kapag nagbago isip mo tawagan mo lang ako." tugon ko pa.

"Sige. Salamat sa pag-unawa jennie. Oh sige na pasensya sa abala. Ingat ka. Sala-.."

Agad kong pinutol ang sinasabi nya.

"Wait lisa! Pwede ba tayong mag date??" mabilis kong sabi.

Hindi siya agad sumagot. Siguro ay nagulat siya.

"Lisa??"

"Lisa, uy!"

"Jennie, totoo ba? Hindi ka nagbibiro? Papayag kang makipag date sa gaya ko??" pagtatanong nya.

"Oo naman Lisa. I'm sure. I like you." dagdag ko pa.

Hindi na naman nagsalita tsss.

"Lisa!!"

Aiissh! Pinatay nya ang call.

Bakit kaya? Ano ba yon?

Did she just rejected me??

Hello. I'm Jennie Kim. And she rejected me.

I can't believe this. Aiissh!!

"Hoy ikaw Lisa! Hindi porke natutuwa ako sayo eh pwede mo na kong ganituhin ha! You can't treat me like this! Lagot ka saking poste ka. Papayag ka din. You can't resist me!"

Inis kong nasabi bago ihagis ang phone sa kama.

------------
A/N:

Nako. Gigil ang mandu nareject eh. Tapos may chaeng pa na nagseselos. Hahaha hanep ang lakas ni manoban.
Btw Happy JenLisa Day mga gays.
Please vote and comment.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon