37 (Assurance)

785 32 4
                                    

JENNIE'S POV.

Nahiga muna ako sa kama ko trying to think kung papaano ako babawi kay Lisa.

Ang bigat sa loob ko na cold siya sa akin. I'm not used to it.

Siguro ay nasanay na ako sa pangungulit nya at panunuyo sakin. Hays kapag talaga nakasanayan mo na yung tao eh damang-dama mo maski kaunting pagbabago lang sa mga kilos nya eh. Magkasama kami sa bahay but i am missing her so much. Feeling ko magkalayo kami when in fact nasa isang bubong lang kaming dalawa.

Sa kakaisip ko tuloy di ko namalayang nakaidlip na pala ako.

-TIME SKIP-

Naalimpungatan pala ako. Pagtingin ko sa phone ko past 12:00 na pala ng tanghali.

Nakita ko si Chaeng sa kama nya at natutulog.

Nga pala rest day namin ngayon kaya mga tulog itong mga ito.

Bumangon na ako. Balak ko sanang icheck si Lisa sa room nila ni Jisoo subalit naka locked pa din ito. Aiishh seryoso talagang masama ang loob nun.

Dumirecho nalang ako ng kitchen to cook something para sa lunch namin.

"I will cook good food para naman matuwa ang Lili ko." masaya kong kinakausap ang sarili ko para malibang naman.

Halos lahat ng paborito nya ay niluluto ko. Sana mapa ngiti ko naman siya even with these.

Maya-maya pa nakita kong lumabas na si Jisoo mula sa kwarto nila.

"Huy Jen ang bango naman nyang mga niluluto mo. May fiesta ba?" maloko nitong tanong.

"Bakit may nakikita ka bang banderitas dito sa bahay? Dzuhh." mataray ko namang sagot.

"Naku hindi mabiro. Maka ligo na nga. Sarapan mo yan ha?" pahabol pa nito habang papuntang banyo.

I took the chance na silipin si Lisa sa kwarto nila. And then i saw her peacefully sleeping.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi. Looking at her face napapalambot talaga ang puso ko.

Upon staring at her napansin ko ang sugat sa fist nya. At mukang bago lang ito ah.

"Hays hon, what are you doing to yourself? Napaka pasaway mo talaga." mahina kong nasabi.

Lumabas muna ako upang kunin ang first-aid kit na nasa kitchen.

Marahan kong ginagamot ang sugat nya para hindi siya magising. Baka kasi mainis at palabasin ako kapag nakita nya ako.

Matapos kong bendahan ang kamay nya eh humalik muna ako sa noo nya at lumabas na ng kwarto. Maghahanda na kasi ako para paggising nya naka prepare na ang lahat para sa lunch.

Pinuntahan ko na rin si Chaeng para gisingin at nang sabay-sabay na kaming kumain.

"Oh ayan na! How is it guys? Okay na ba ito para kay Lisa?" tanong ko kina Jisoo matapos kong iprepare lahat sa mesa.

"Yesss Jen! Okay na okay yan. Food is life din naman yun eh lalo favorite nyang lahat yan." sagot ni Chaeng na halatang natatakam na.

Napangiti naman ako. Sana nga matuwa siya.

Bigla namang labas na ni Lisa at automatic akong napalingon naman.

"Lisa! Tara na kain na tayo nagugutom na kami!" alok ni Jisoo sa kanya.

"Maliligo muna ako. Kung gusto nyo mauna na kayo." walang emosyon na sagot ni Lisa na naglakad na pabanyo.

"No. We will wait for you. Take your time hon." mabilis ko namang sagot sa kanya.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon