11 (First Night) M!

1.7K 69 4
                                    


THIRD PERSON.

Ngayong araw ang unang araw nang pagiging couple nila Jennie at Lisa. Pero napag-usapan nila na huwag muna itong ipapaalam sa iba lalo sa work dahil mag boss sila.
Para iwas issue din sa trabaho.

Lunch break na at syempre sabay na naman si Lisa at Chaeng sa pagkain. Ilang araw din silang hindi nagkitang dalawa kaya binabawi nila ngayon.

Nakatambay silang naka-upo sa bench sa labas ng canteen.

"Oy bes, ang daya mo ah. Wala ka nang kinukwento sakin ilang araw na. Bakit ganun? Ano ba ginawa nyo ni jennie? Kamusta pag-uusap nyo?" sunod-sunod na tanong ni chaeng habang sumusubo ng pagkain.

"Luh makatanong wagas hahaha. Ano tampo ka na naman? Huwag na tampo libre nalang kita burger saka fries oh. Nag-usap lang naman kami ni jennie tungkol sa contract nga. Yun lang." sagot naman ni lisa. Nakangiting malaki sa kanya habang nagkukwento.

"Wehhh? Sigurado ka ba Lisa na yun lang? Eh bakit ang lapad ng ngiti mo ha?? Nagsi secret ka na sakin hays." pa simangot na ichura niya.

Hinila naman siya ni Lisa palapit sa kanya at inakbayan.

"Hay nako itong bestfriend ko na ito nagtatampo nga oh. Ililibre na nga kita eh yieeee gustong gusto naman." pang-aasar naman ni Lisa at kinukurot-kurot ang pisngi.

Hindi naman siya sinasagot pa ni Chaeng at nakasimangot lang.

"Hays Lisa hindi mo alam nagseselos ako. Hindi mo alam nasasaktan ako. Pero sige dahil mas pinili ko ang pagiging bestfriend mo kaya titiisin ko ito basta masaya ka." nasabi ni chaeng sa isip nya. Ito kasi ang bagay na ayaw nyang malaman ni lisa.

Isang buntong-hininga at saka siya nagsalita ulit.

"Ohh sige na nga lusot ka na! Dali libre mo na ako at nagugutom pa ako!" napatayo siya at hinihila si Lisa para tumayo din.

At syempre, walang nagawa si Lisa kundi ang sundin ito. Ayaw nya kasi na nalulungkot ang chipmunk nya.

Matapos nilang dalawa kumain ay bumalik na din sila ng store, patapos na kasi ang break time.

~~~~~

Kinahapunan ay direcho klase na naman sila ulit. At gaya ng dati salamat kina seulgi dahil sa mga notes na sinulat na nila para kopyahin ng dalawa.

"Lisa ang saya natin ngayon ha? Inspired ka yata?" usisa ni dahyun habang pinanunuod si Lisa na nagsusulat.

"Oo nga Lisa. Chaeng napano tong bestfriend mo at parang nababaliw na yata?" dagdag pa ni jongyeon na natatawa pa.

"Nako. Malay ko dyan wala naman yang sinasabi sakin eh tsss." pasungit na sagot ni chaeng.

"Hahaha selos ka lang chipmunk eh. Ano aminin mo na?" pang-aasar pa ni seulgi.
.
.
.
"Ang iingay nyong apat di ako makapagfocus. Maya maya andyan na si prof. Manahimik kayo.!" saway ni Lisa pero pansin ang pamumuo ng ngiti sa kanyang mga labi na parang kinikilig.

"Hala natuluyan ka na bes. Malala na yan." puna naman ni chaeng habang nakatingin sa ichura ni Lisa.

Maski kapag vacant time nila eh pansin na madalas ang paggamit nito ng kanyang phone na hindi naman nya gawain noon. Mas lalo pang nakakapanibago dahil ang laki lagi ng mga ngiti nito habang nakababad ang mga mata nito sa cp.

~~~~~~

-Makalipas ang isang linggo-

Nagpatuloy lang ang ganung routine ng dalawa. At ngayong araw ay ang weeksary nila kaya plano nilang lumabas ulit. At syempre gabi na naman nila naisipang mag date para hindi masyadong pansinin sa mga tao.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon