28 (LOVE SICK?)

948 45 3
                                    


CHAENG'S POV.

Ika-limang araw na ngayon ng aming one week promotions. At hanggang ngayon hindi pa rin nagkakabati sina Jennie at Lisa.

Hindi rin tumuloy makipagkita si Lisa kay Tzuyu paano ba naman halos magdamag syang nanuyo kay jennie pero wala talaga.

Ilang gabing puyat kaka harana kay jennie. Naku po, nagagawa talaga ng love eh. Tinulungan na namin siya ni jisoo pero sadyang hindi pa yata nawawala ang inis ni jennie sa kanya kaya hinayaan nalang namin na sila na mismo ang umayos.

~~~
Tulog si jennie ngayon kaya naman pumunta muna ako dito sa room nila jisoo para din kamustahin si lisa.

Naabutan ko si jisoo na abala sa paglalaro ng games sa kanyang phone habang si Lisa naman ay nakatalukbong na nakahiga sa kama nya.

"Hey bes! Ano ba yan pareho kayong tulog mag jowa. Maya maya ay maghahanda na tayo sa pagpunta uli sa music bank. Lisa gising na!" panggigising ko kay Lisa. Niyuyugyog ko na nga eh ng magising.

"Lisaaa! Gising!"

Natigilan ako ng nakapa ko ang noo nya na sobrang init.

"Hala lisa ang taas ng lagnat mo!" gulat kong nasabi. Kaya nakuha ko ang atensyon ni jisoo.

"Ohh chipmunk bakit? Ano nangyari kay Lisa?" usisa nya sakin.

"Pano si Lisa inaapoy ng lagnat. Tingnan mo oh!" tawag ko sa kanya kaya hinipo nya si Lisa at sa gulat ay agad nyang tinawagan si boss para ipaalam ang nangyari.

Narinig ko na ipapasundo daw dito si Lisa para dalhin sa hospital at ipatingin.

Ilang minuto ang lumipas..

Maya-maya ay nandito na ang service kaya inalalayan nila si Lisa pasakay ng kotse.

Di na namin nagising agad si jennie sa bilis ng pangyayari.

Habang pabalik kami ni jisoo sa unit ay di maiwasan ang aming pag-aalala.

"Chu, sana ayos lang si Lisa. Hays hindi ko siya mabantayan ngayon gaya ng ginagawa ko noon." alalang wika ko sa kanya.

"Stop worrying chipmunk walang masamang mangyayari sa kaniya. Ang sabi ni dad ieedit nalang muna ang line ni Lisa sa kanta sa performance natin mamaya." paliwanag nya sakin.

Kapapasok lang namin ng pinto ng nakita namin si jennie na nakatayo at may hawak na bote ng tubig.

"What are you saying? Bakit ieedit ang line ni Lisa? Where is Lisa, by the way?" tanong sa amin ni jennie.

"Hmm kasi jen hindi natin makakasama si Lisa sa performance mamaya kasi nasa hospital siya ngayon." sagot ni jisoo sa kanya. Bakas ang pagkagulat at pag-aalala sa mukha ni jennie.

"Huh?? Hospital?? Seriously?! Eh kagabi okay pa siya na kumakanta-kanta ah. Ano ba talagang nangyari ha??" mga tanong nya na sunod-sunod.

"Ganito kasi jen. Balak ko sanang kausapin si Lisa kanina kaso nung ginigising ko sobrang taas ng lagnat as in at hindi siya nagrerespond kahit yugyugin ko. Kaya si boss nagpasyang dalhin na siya agad sa hospital. Hindi ka na namin nagising kanina sa bilis ng mga ganap." pag-eexplain ko sa kanya.

Kumunot naman ang kanyang noo.

"WTH! Ano ba guys! Sana man lang pinaalam nyo sakin agad. Kahit tulog ako sana ginising nyo ako. Girlfriend ko yun eh tapos wala man akong ka alam alam. I felt like na by-pass ako!" inis na nasabi ni jennie.

"Saglit nga jen.. bakit ka nagagalit sa amin?? Oo nga eh girlfriend mo yun ikaw dapat nag-aalaga dun. Ikaw dapat may alam at may pake. Eh kaso anong ginagawa mo? Pinapairal mo yang selos mo! Hindi mo alam na masama na pala pakiramdam nung tao pero binabalewala para lang suyuin ka.. pero hindi mo pinapansin. Now tell me, do you really love lisa?" madiin ang mga salitang binitiwan ni jisoo.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon