21 (Performance Practice)

1.2K 44 0
                                        


JENNIE'S POV.

"Hey jen, gising na dyan! Jennieee!" gulat ko ng may mga kamay na yumugyog sa mga balikat ko dahilan para magising ako.

I thought it was a dream.
Si jisoo pala.

"Ohh grabe ka makagising ah. Buti nakauwi na kayo." pupungas-pungas pa ako ng mga mata ko habang sinasabi ito.

"Kumain na ba kayo? Nagluto ako." dagdag ko pa.

"No need jen. We're good na. Kumain na kami kanina. So kamusta? Magaling ka na?" sabay hipo nya sa noo ko.

"I'm okay already chu. Lisa took care of me the whole day." kwento ko at napangiti ako.

"Hmmm. Paanong took care ba? Pfft. Gisingin mo na din nga si Lisa para lumipat na sa kuwarto." utos nya sakin.

Naabutan kasi nila kami dito na natutulog sa sofa.

Nang akmang gigisingin ko na si Lisa ay sya namang pagdilat ng mga mata nito.

"Ohh hi jisoo unnie. Hi chipmunk. Buti nakauwi na kayo hehe." patawa tawa nyang sabi. Naku parang timang na naman siya.

"Aba good mood lisa ah. Saya mo. Success na ba? Lol." pang-aasar ni jisoo sa kanya. Nagtawanan kaming tatlo maging si chaeng na busy sa paghahanap ng makakain sa ref.

"Oh so jennie and lisa dahil gising na kayo gusto ko lang ipaalam sa inyo na starting tomorrow ay daily na nating makakasabay sa training si IU dahil sa gagawin nya tayong front act para sa concert nya at magco-collab stage tayo together with her. It's such a great honor for us knowing na di pa tayo nagdidebut pero makakasama na natin siya sa stage. So we need to give our very best okay?" pagpapaliwanag nya samin. Napansin kong medyo nabigla si Lisa. Naalimpungatan pa ata or what.

"Okay noted unnie." sabay-sabay naming nasabi.

"Good then magsitulog na tayong lahat at maaga pa tayo bukas." utos nya pa at tumungo na kami sa kanya-kanyang kwarto namin para magpahinga.

~~~~

Kinabukasan maaga kaming nagpunta sa office para sa training. Pagdating namin ay nandun na din si IU.

"Hi girls. Goodmorning. Shall we start na? I know magiging maganda ang performance nyo dahil magagaling kayo. Kaya kayo agad ang naisip ko para sa front act. Ayaw pa sana ni boss eh pero napilit ko hehe." anunsyo samin ni IU. Thankful kami kasi napaka bait nya samin as senior namin.

"Sure unnie. Ang swerte namin dahil makakasama kami sa concert mo diba chaeng?" isang mapang-asar na tingin ang binigay ni lisa kay chaeng at naniko pa. Nagkukulitan na naman tong dalawa.

"Hehe oo nga naman unnie. Promise hindi ka namin ipahihiya." nahihiyang naisagot ni chaeng at nakayuko na parang bata.

So heto at nag-umpisa na kami sa mga dapat gawin.

"So Pinks you are about to perform "Marshmallow" with IU for the opening. It is a fast beat song to hype the audience and your group will have one ballad song. The title is "Sure thing". Dyan mahighlight ang vocals nyo so you guys need to practice the harmony and blending of voices. Im sure chaeng knows that since she was a church singer before. Goodluck girls!" paliwanag samin ng mga coaches samin.

And we start to rehearse na..

Pero bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Hey jen, ayos ka lang? Parang di mo pa yata kaya?" bulong sakin ni lisa habang nagsasayaw kami.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon