6 (Motive)

1.1K 66 3
                                    


LISA POV.

Patuloy lang siya sa pagda drive habang ako'y tahimik lang na nagmamasid sa labas. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko kapag nahuhuli nya akong nakatitig sa kanya. Parang gusto kong maglaho bigla sa kinauupuan ko.

"Hey Lisa, are you okay? Bakit parang uneasy ka?" tanong nya habang nakatingin sa daan.

"Ah eh ayos lang ako jennie.. parang nilamig lang ako. Lakas kasi ng aircon ng kotse mo. Woooh!" palusot ko sabay hinga ng malalim.

At nakita kong natawa sya ng bahagya.

Ang gandaaa.

Heto na at pagkalipas ng halos kalahating oras ay huminto na kami. Dito nya ako dinala sa isang magandang restaurant.

Nalula ako, labas palang ang ganda na. Mukhang mamahalin dito.

Pagka park nya ng sasakyan, saglit syang nagretouch at niyaya na akong lumabas.

"Lisa, let's go. Tanghali na din kaya maglunch na tayo." pagyaya nya.

Kinabahan ako bigla. Hala magkano lang ang pera ko dito. Tantya ko eh mga nasa 300 lang to.

Patay na!

"Ahm jennie? Pwede bang dito nalang ako? Hintayin nalang kita. Busog naman ako eh." wika ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo nya.

"Sige palusot pa lisa. If you're worried about the bills eh ako na okay? Ako nagyaya so treat ko ito." giit nya.

"And.. wag ka nang kokontra. Period!" dagdag pa nya. Hindi ko na tuloy nasabi ang sasabihin ko.

Napakamot-ulo nalang ako habang sumusunod sa kanya papasok sa loob ng restaurant.

Naupo na kami at nag order na siya.

Tahimik lang kami. Wala akong magawa. Mas lalo akong nahiya na siya pa ang manlilibre sakin.

Kinuha ko ang phone ko para magtext sana kay chaeng.

Nang bigla syang nagsalita.

"Lisa.. not when you're with me! Give me your full attention please, saglit lang ito." pag mando nya sakin.

Boss na boss talaga datingan nito eh. At ako naman tong ligalig na ligalig. Sunod agad eh hahaha rupok mo selp!

"Maam here's your order po." sabi ng server habang dahan-dahang nilalagay sa mesa ang mga pagkain.

"Kain na Lisa." alok nya sakin.

Tahimik lang kaming kumain ng walang usap usap man lang.

"Salamat sa treat jennie." sabi ko sa kanya.

"No worries.. welcome lisa." tugon nya.

"Ah eh so ano pala ang sasabihin mo sakin?" usisa ko.

Ibinaba muna niya ang kubyertos at tumingin sa akin.

"So ganito kasi yan lisa. Direct to the point na ah. Kasi i would like to ask you sana if gusto mong mag train under my uncle's entertainment agency. The "JYG Ent." Actually yun cousin ko nagpapatulong lang din magpahanap sakin. And i saw kung gaano ka kagaling dun sa event na pinanalunan mo. Sobrang laki ng potential mo. No wonder nung inupload ko video mo eh nag viral agad. Lisa this can be the start of your journey. And knowing that entertainment for sure maganda magiging future mo." paglalahad nya sakin.

Nakatulala lang ako halos sa kaniya habang nagsasalita sya. Ang bilis. Ang husay nyang makipag usap kaya parang tinatangay tuloy ako pero buti nalang at pumapasok naman din sa utak ko.

"Totoo jennie? Yung entertainment na yun? Diba dun galing ang mga sikat ngayon? Tapos mag training ako dun? Pero kasi hindi yan ang priority ko eh. May trabaho ako. Kailangan kong buhayin ang pamilya ko. Hindi siguro para sakin yan." tugon ko sa kanya.

"But Lisa.. this can be the answer to your problems. Kapag nakapag debut ka na at sumikat na sure na giginhawa na ang buhay nyo. Eto ang nababagay sayo hindi ang pagiging merchandiser." pagkontra nya.

"Pero hindi yan sigurado. Isang malaking sugal yan. At syempre kakailanganin ng pinansyal at wala ako nun." dagdag ko pa.

"Pag-isipan mo ng maigi lisa. Hindi kita minamadali. Basta you can tell me anytime kapag nagbago isip mo okay?" tugon nya.

Napansin ko ang pagka lamlam ng kanyang mukha. Hays kasi naman eh ang hirap basta mag desisyon.

Ayoko syang palungkutin kaso hindi ako pwedeng sumagot agad ngayon.

"Ahm jennie, kung tapos kana sa sasabihin mo eh mauuna na sana ako pwede? May kailangan pa kasi akong puntahan." pagpa paalam ko.

Sa totoo wala naman talaga akong lakad, sadyang di lang ako makakatagal sa eksena namin ngayon.

Huminga muna siya ng ilalim bago sumagot.

"Ohh okay lisa sige you may go. Thank you sa time ha? Basta yun sinabi ko sayo, pag nagbago isip mo call me agad. Take care going home." tugon nya pa.

At naglakad na ako palabas ng restaurant.

~~~~

JENNIE'S POV.

Pag alis ni Lisa agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Jisoo.

"Hello chu, nakausap ko na si Lisa pero ang hirap nya mapa payag eh. I explained na to her pero hirap nyang mapa oo." bungad ko sa kanya.

"Nako jen bilisan mong mapa oo yang si Lisa baka maunahan tayo ni dad sa pagkuha ng members at yung bestfriend mo ay este best enemy mo pa ang ipa debut kasama natin hahaha." pang-aasar nya.

"Nooooo! That can't be. Ayoko. Basta i'll make lisa convinced. May naisip na akong paraan. Sige na bye na nga." pagputol ko ng tawag.

Oo tama may naisip na akong gawin para mapa payag sya.

"You're really that smart jennie!" pagpapalakas-loob ko.

I have a strong feeling na gusto ako ni Lisa.

The way she looks and stares at me.

The way she act kapag magkasama kami.

I know she's inlove with me. At yun ang gagamitin ko.

Eto lang ang paraan na naisip ko.

Ang paibigin sya...

~~~~

A/N:

Amp that's a no no Nini!
Guys, do you think gagawin nga nya?

Please vote and comment.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon