12 (Four as One)

1.2K 58 3
                                        

LISA'S POV.

It's been 3 days after ng gabing yun. At nagiging mas okay naman ang relasyon namin ni jennie, kahit na patago sa ngayon.

Usually kada finish ng class ko sa gabi ay nagkikita kami saglit sa labas hindi kasi pwede sa store. Kung anu-ano nalang tuloy dinadahilan ko kay chaeng para hindi sya makahalata sa tuwing hind kami nagsasabay na umuwi.

Sa isang araw na yung schedule ko ng pagpunta sa JYG Ent. at syempre sasamahan ako ni jennie dun gaya ng napag-usapan namin. Kaso kailangan ko pa ng kasama at balak kong si chaeng sana yun, siya lang naman ang no.1 supporter ko eh. I need her presence. Kasi kakaibang lakas ng loob talaga yun naibibigay nya kapag nakikita ko siyang nagchi cheer sakin.

Patapos na ang shift namin ngayon at nandito na kami sa locker.

At heto na sasabihin ko na sa kanya.

"Uhm bes? Naalala mo yung about sa inaalok sakin ni jennie na contract? Ahm balak ko sanang tanggapin na yun eh. Pupunta ako dun sa JYG para personal na makipagusap sa CEO. Kung pwede sana eh samahan mo ko." pag papakiusap ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sakin na waring nag-iisip.

"Sure ka na ba dyan lis? Kung oo edi sige go, grab mo yan! Alam mo naman na lagi akong suportado sayo diba kaya syempre sasamahan kita. Ako yata ang no.1 fan mo hehe. Kailan ba yan bes?" tanong nya sakin.

Napangiti naman ako ng pumayag siya. Buti nalang talaga at malakas itong charms ko kaya hindi ako mapa hindian hehe.

"Sa isang araw na chaeng. Sakto off pa natin yun. Don't worry libre kita pagtapos hahaha. Thank you. Love you chipmunk." inakbayan ko siya sabay halik sa pisngi. Well, ganito talaga kami kaya napagkakamalan kaming mag jowa hehe.

'Hays lisa, kung alam mo lang kung gaanong gusto ko na sana totoong may tayo. Kung gaano kita kagustong makasama parati at mahalin. Nasasaktan ako na may ibang nagpapasaya sayo at alam kong si jennie yun pero pinili ko nalang manahimik kasi ayokong masira ang kasiyahan mo. Ang tanga ko kahit nasasaktan ako hindi ko maisip na lumayo sayo. Mahal kita lisa. Pero ako lang ang nakakaalam.'

"H-huh may sinasabi ka bes? Para kang lamok dyan na humuhuni hahaha." banggit ko. Para kasing may sinasabi si chaeng na di ko maintindihan.

"Luhhh meron ba?? Wala naman akong sinasabi. Nako kung anu-ano na naririnig." sagot nya sakin. Pero sigurado akong may narinig talaga ako pero di ko maintindihan kung ano .

-FAST FORWARD-

Kinabukasan, maaga kaming nag gayak ni chaeng para sa pagpunta sa JYG ent. Inihanda ko na rin ang gagamitin ko sa live audition ko mamaya, same sa pinerformed ko sa contest.

10:00 AM ang appointment ko dun and 7:30am na.

Teka, kailangan ko palang tawagan muna si jennie kaya lumabas muna ko saglit para matawagan siya.

"Hi hon goodmorning." bati ko

"Goodmorning too hon. So ano ready ka na ba?" sagot nya.

"Yes hon, heto at nagpprepare na kami ni chaeng papunta dun. Ikaw saan kana? Ingat ka hon okay? Kita tayo dun. I love you."

"Good hon. Yeah paalis na ako. Ingat din kayo. See you there. I love you too."

Pagtapos naming mag-usap ay agad na akong bumalik uli sa loob.

"Bes, tara na. Papunta na daw dun si Jennie."

Niyaya ko na si chaeng at umalis na din kami.

-Makalipas ang ilang oras-

Nandito na kami.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon