1 (It's my Life)

4.3K 85 5
                                    


LISA POV.

"LISAAAA!!" bulyaw ng supervisor sakin. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya. Nakalimutan kong may pinapagawa pala sya sakin hays.

"Lisa.. diba sabi ko sayo magrefill ka ng mga alcohol?! Ang daming customer na naghahanap kanina pa. Butas na butas na itong shelves mo!!" inis na wika ng bisor ko habang nakapa meywang pa.

"Sorry po mam. Sa totoo lang ay galing nga po ako sa warehouse para kumuha ng pang refill palabas na nga po sana ako." paliwanag ko naman.

"Nako manoban sige palusot ka pa akala mo hindi ko kayo nakita ni chaeyoung na pasayaw-sayaw at at nagtatawanan dun ha?! Sinasabi ko sayo isususpend na kita. Working hours kung ano-ano ginagawa." dagdag pa nya.

Napayuko na lamang ako habang nakikinig sa mga sermon nya.

"Sorry talaga mam hindi na mauulit promise!" pakiusap ko.

Matapos ay naglakad na ako pabalik sa warehouse para kunin ang items ko. Napairap naman ako kay taehyung nun nadaanan ko sya, alam ko naman kasing nagsumbong na naman tong bakla na to. Bida-bida talaga eh.

May araw din yan sakin.

Nagpatulong na ako kay chaeyoung na idisplay ang mga items na hawak ko. Well, ganito kami dito tulungan para tumagal sa trabaho.

~~~~

Hi. Ako nga pala si Lalisa Manoban. Lisa for short. Pero tall ako ha hindi short hehe. I'm 20 years old at isang working student. Yes, working student ako. Trabaho sa araw at aral sa gabi. Night class ang schedule ko since yun lang ang kaya ng oras ko eh.
No choice kundi hatiin ang katawan ko para makapagtapos ako. Self-support kasi since hindi kaya ng parents ko na tustusan ang pag-aaral ko. Engineering kasi ang kinuha ko kaya may kamahalan ito. Mananahi si mama at family driver naman si papa. Dalawa lang kami na magkapatid ni jungkook kaso hirap talaga sa pinansyal lalo same kaming nasa college na, isang taon lang kasi tanda ko sa kaniya. Bilang ate, ako ang nagsasakripisyo.

Kahit mahirap ang buhay nagpapasalamat pa rin ako na mayroon akong mapagmahal na pamilya at may bestfriend akong laging maasahan. Si chaeyoung. Halos sabay na kami na lumaki nyan kaya halos iisa nalang ang likaw ng bituka namin. Magkasama din kami sa trabaho at sa school.
Sabay kasi kaming nag apply dito sa supermarket sa malapit bilang isang merchandiser. May kahirapan ang trabaho namin kaso no choice ito lang ang madaling mapasukan dito eh. Ang importante sumasahod kami kaya may ipambabayad kami sa tution fee.

~~~~

"Chae! Tara na sabay na tayo mag coffee break." yaya ko sa kanya habang nakaakbay.

"Eh lis, pano ba yan kasi wala na akong pera dito eh. Ikaw nalang dali na hintayin nalang kita dito." malungkot nyang wika.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon