36 (Making Up)

774 30 7
                                    


THIRD PERSON.

"Grabe! Masakit!
Paano yun nagawa ni Jennie sa akin??
Kaya ba siya nawawala lagi kasi nakikipagkita siya kay Kai?! Akala ko pa naman walang ganung mangyayari samin pero ano yun? Ano bang kulang sakin? Sana sinabi man lang nya. I thought walang problema samin tapos may ganito palang nagaganap."

Umiiyak si Lisa habang tumatakbo papalayo.

Narinig nyang tinawag siya ni Jennie.
Gustuhin mang lumingon pero hindi nya magawa. Basta nasasaktan siya.

Takbo siya ng takbo hanggang sa makarating dito sa park. At dito nya binuhos ang lahat ng sama ng loob nya.

"JENNIE, BAKIT?" buong lakas nyang pagsigaw. Halos mapatid na ang litid nya kakahiyaw.

"Tama nga yung sinabi ni Sehun na may balak talaga yung Kai na yun sa Nini ko, pero di ako papayag na ganun ganun nalang. Whatever happens, sakin pa din si Jennie." determinado nyang sinabi ito sa sarili.

~~~~

"Jennie?! Jennie gumising kaaaa!!" sigaw ni Kai habang nakasalampak sa sahig at yakap-yakap si Jennie.

Subalit hindi ito sumasagot kaya mas na alarma pa siya. Kung kaya't binuhat na nya ito at agad na isinakay sa sasakyan nya.

Dahan-dahan nyang iniupo ito at pinasandal habang sapo-sapo pa din ang ulo.

"Jennie! Ano bang nangyayari sayo? Please wake up!" worried nyang nasabi.

Mabilis syang sumakay at pina andar ang sasakyan upang dalhin si Jennie sa hospital. Hindi na nya naisip pang tawagan sina Jisoo dahil sa sobrang taranta.

Ilang saglit pa at nakarating na sila. Isa itong pribadong hospital na pagmamay-ari ng pamilya nila. Minabuti nyang dito dalhin si Jennie para hindi takaw sa paningin ng media.

Mabilis nyang binuhat si Jennie palabas ng sasakyan.

"Help us please!! Bilisan nyo!!" sigaw nya kaya naman agad na nagsilapitan sa kanila ang ang mga staff at inasikaso si Jennie patungong emergency.

Palakad-lakad si Kai sa hallway habang naghihintay sa paglabas ng doctor. Hindi siya mapakali hangga't hindi makausap ito.

Maya-maya lumabas na ang doctor kasama ng ilang nurse.

"Uncle, how's Jennie?? Napano ba siya?" usisa nya sa doctor. Kapatid ito ng dad nya kaya uncle nya ito.

"Kai, iho nagbreakdown siya dahil sa palpitations nya. Mabuti at nadala mo siya agad dito. Hindi nagiging maganda sa puso nya ang sobrang emosyon. Ano ba ang nangyari?" tanong naman nya kay Kai na halatang nabigla sa nalaman.

"Uncle, something came up kanina kaya siya nawalan ng malay. Anong ibig mong sabihin na nakakasama sa puso nya? Is Jennie sick??" worried nyang pagtatanong sa doctor

"Yes Kai. Jennie has a heart disease and it's getting worse lalo hindi siya nagiging careful sa mga bawal sa kanya. She needs a lot of rest. Go see her, gising na siya." advice nya dito bago tuluyang umalis para mag rounds.

Agad naman pumasok si Kai sa kuwarto at naabutan nya si Jennie na umiiyak.

Lumapit siya sa tabi nito at nagbuntong-hininga.

"Jen, alam ba nila ang tungkol sa sakit mo? Bakit hindi mo iniingatan ang sarili mo? Si Lisa alam nya ba yan? I wanna punch her sa pagpapaiyak sayo eh." sunod-sunod na nasabi ni Kai out of frustrations.

"No Kai! Please don't do that. Walang kasalanan si Lisa. At isa pa wala syang alam. Walang nakakaalam ng sakit ko. I keep it as a secret. Ayokong maka apekto sa kanila lalo sa group. Ngayon pa na isa-isa nang nangyayari ang pangarap namin, lalo para kina Lisa. Ako ang dahilan at pumilit kay Lisa para makapasok sa group kaya hindi ko hahayaan na ako din ang magiging dahilan upang mahinto ang pangarap nya para sa kanila ng family nya. I won't let them down." paliwanag nito habang patuloy sa pagluha.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon