24 (Mood Swings)

916 54 4
                                    


LISA'S POV.

Aiiissshh! Nakakabanas kakabati lang namin kanina tapos galit na naman siya sakin. Wala naman talaga kasing ibig sabihin yung yakap na yun eh pero minasama na niya.

Kaasar kasi sana di na ako lumabas kasama si tzuyu, ayan namisinterpret na.
Kung hindi ko lang talaga mahal tong babaeng toh eh.

~~~~

Nakauwi na kami dito sa bahay nang hindi man lang kami nagkikibuan. Kapag kasi sinabi kasi nito na wag ko siya kausapin eh wag talaga mas lalong bubuga toh ng apoy. Mas mainam na manahimik hanggang humupa yung inis niya kasi kung sasalubungin ko yari na.

"Kawawang manoban. Hahaha" pang-aasar sakin ni jisoo ng nakapasok na kami sa kwarto.

Kumuha naman ako ng unan at binato ko sa kanya.

"Salamat noh unnie! Hindi ako natutuwa. Tulungan mo nalang ako sa kanya oh." pakiusap ko sa kanya. Padapa akong nahiga sa kama ko at pumikit saglit.

"Alam mo naman kasing napaka selosa nyang girlfriend mo eh dapat ikaw na mismo mag adjust." rinig kong sabi nya.

Napaisip ako. Oo nga naman napaka selosa at attitude nun pero ginusto ko ito. Pinasok ko itong sitwasyon na ito dahil sa pagmamahal ko sa kanya so i should bare the consequences.

Erase that! Hindi pala consequences kundi challenges. It's like nasa giyera ako all the time at si Jennie ang commander.

Commander lang pero syempre ako pa din ang top hahaha. And as the top sa amin, ako dapat mismo ang mag-aayos nito.

Sakto may dalawang araw kaming rest day. Gagamitin ko yun para suyuin siya. Liligawan ko uli kumbaga. Papaamuhin ko uli iyong tigre na yun.

"Thank you unnie. Ako na bahala. May naisip na ako hehe." tugon ko sa kanya.

Dala ng pagod at antok kaya natulog na kami.

Kinabukasan;

Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Inunahan ko talagang magising sa mga yun. Buti marunong akong magprito ng itlog at hotdog hehe.

Sinubukan kong gumawa ng pancake kaso sablay eh baka mabuwisit pa lalo si nini. Kaya umorder nalang ako pati ng fried rice. Hindi naman nya siguro itatanong pa yun.

After kong ihanda ang mga pagkain sa mesa ay isa-isa ko na silang ginising. Inuna ko na sila chaeng at unnie para walang asungot.

"Sorry unnie" bulong ko sa isip ko.

Dahan-dahan akong gumapang sa kama patabi kay jennie. Tulog na tulog pa ang dragon.

I'm hugging her tight and starts giving her small kisses on her neck.

Nakapikit ako at ninanamnam ang kanyang amoy. Ang bango talaga ng nini ko amoy chanel, mamahalin hahaha.

We've been like this for a while nang marahan syang gumalaw.

"Goodmorning mahal ko." bulong ko sa tenga nya.

Tiningnan nya ako ng half-opened lang ang mga mata.

"Lisa, diba sabi ko sayo no kiss and no hug. Bakit ka andito ha?" angal nya.

"Sorry na hon please. Di mo ba ako namimiss? Ang cute cute ko kaya tapos di mo ko papansinin." sa malambing kong tinig na parang bata.

"Hindi mo ako madadaan dyan sa charm mo manoban. Inis ako sayo. Che!" at nagtataray na nga.

Ang aga naman masyado huhuhu, di bale may naisip ako.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon