THIRD PERSON.Nakarating sila Jennie sa U.S nang wala pa rin syang malay. Ni hindi man lang nya nalaman kung ano na ba ang lagay ni Lisa ngayon matapos syang itakas palayo ng mommy nya.
Nang nasa bahay na ay dinala siya sa kanyang kuwarto kung saan siya lalagi kasama ang doktor upang obserbahan ang kalagayan nya.
Kumpleto naman iyon ng kagamitan na kakailanganin kaya ayos lang kahit sa bahay lang siya i confine.
Siniguro ni Mrs. Kim ang mga ito.
Ang daddy kasi ni Jennie ay nasa New Zealand inaasikaso ang isa nilang kumpanya doon.
"Doc, please take good care of my daughter. I can't afford to lose my only child." pakiusap ni Mrs. Kim sa doctor.
Samantala, nalaman agad niya ang balita tungkol kay Lisa pero syempre hindi niya ito ipapaalam kay Jennie dahil siguradong makakasama sa kanya at magpupumilit na bumalik.
Naupo siya sa tabi ni Jennie habang pinagmamasdan itong walang malay.
"Jennie, iha i'm only doing this for you. Sorry for being harsh baby." bulong nya kay jennie habang nakahiga ito at walang malay.
~~~~~
Sa kabilang banda, matapos nang gabing agaw-buhay si Lisa ay nauwi naman ito sa pagka comatose.
Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanya kaya napuruhan ang kanyang ulo.
Hindi na umalis sa tabi nya ang family nya maging sila Jisoo at Chaeng halos dun na na din lumalagi sa hospital kasama nya.
Walang silang balita kay Jennie dahil hindi ito pinapaalam ni Mrs. Kim kahit pa sa brother in-law nya na daddy ni Jisoo.
Hindi tuloy mapanatag si Jisoo sa kalagayan ng dalawang malapit sa kanya.
Kinabukasan, maaga silang bumalik sa hospital upang dalawin si Lisa.
Nakatitig lang sila dito habang naluluha.
"Lisa, please gigising ka dyan ha? Wag kang puro tulog. Diba hahanapin mo pa si Jennie?" pakikipag-usap ni chaeng sa kanya. Ang sabi kasi ng doctor ay naririnig naman sila ni Lisa kahit naka coma ito.
"Lisa, bangon na. Pupunta pa tayo sa U.S at babawiin ang asawa mo. Sige ka baka iyak ng iyak yun kakahintay sayo." dagdag naman ni Jisoo habang nakahawak sa kamay niya.
~~~~~~
.
.
.
"LISAAAAAA!!" malakas na sigaw ni Jennie matapos syang magka malay nang muli.Napatakbo namang tumungo sina Mrs. Kim sa kuwarto nya.
"WAIT! B-bakit ako nandito?? N-nasaan ako??" puno ng pagtataka nyang natanong.
Iginala-gala nya ang mga mata at saka nya nalaman na nasa bahay nya sila.
"Jennie anak nandito tayo sa bahay. Were already here in U.S." sagot sa kanya ng ina.
"Wait w-what?? U.S?? Bakit ako nandito?? IBALIK NYO AKO SA ASAWA KO!!" sigaw pa nyang muli.
At mabilis nyang tinanggal ang dextrose sa kamay nya at napatakbo papuntang pinto subalit hinarangan siya agad.
"PAALISIN NYO AKO!!! LISA NEEDS ME!! PLEASE!! I JUST WANT TO BE WITH HER!!" malakas nya pang sigaw habang iyak ng iyak.
Nakakapit sa kanya ang ina at pinipigilan siya.
"Doc! Do something!!" utos nya sa doctor.
"Give me tranquilizer!!" mando nya sa nurse na kasama nya.
Pagkakuha ay agad nyang itinurok ito kay Jennie.
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfikcePROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...