LISA POV.Nung sandaling nakita ko si Jennie dun sa bench hindi ko alam pero may kung anong nangyayari sa sistema ko na hindi maipaliwanag. Mas lalo nung humarap na siya sakin at nasilayan ko na naman ang pusa nyang mga mata at mala siopao na pisngi. Tapos idagdag mo pa yung ichura nya kapag inis grabe mukhang ewan man pero tuwang-tuwa ako kapag ganun hehe.
Sarap nyang inisin nakakainlove lalo.
Tapos sabay pa naming pinagmasdan ang paglubog ng araw.Ang ganda ng sunset. Pero mas maganda siya.
Yung naramdaman ko ang ulo nya sa balikat ko, ang saya ko nun. Gustong lumundag ng puso ko sa saya. Pakiramdam ko lahat ng nasa paligid ko ay maganda.
Gusto ko syang alagaan.
Gusto syang protektahan.Sa lahat ng mga gagawin ko, gusto ko kasama siya. Kahit na anong bagay pa ang gawin namin eh magiging special dahil sa kanya.
I'm willing to be her comfort zone forever kung bibigyan ng chance. At siguro ngayon na ang oras para tanungin ko siya.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant para mag dinner muna. Mabuti at naging maayos na ang pakiramdam nya kaya masigla na siya ulit.
Mahaba pa ang gabi at madami pang pwedeng gawin. Buti dinala ko din ang camera ko. I love photography. Medyo luma na ito pero maganda pa naman. Kapag nagkapera ako bibili ako ng bago.
"Uhm jennie? Pwede ba kitang kuhaan ng pictures? Alam mo na para may memories ganun." nahihiya kong naitanong sa kanya.
"Sure why not lisa. No worries, you can do that anytime but make sure na maganda ako dyan dapat ah hehe." pabiro nyang sagot.
At napangiti naman ako ng malaki.
"Sigurado namang maganda ka lagi jennie. At kung hindi man eh gusto ko pa din. You're always beautiful in my eyes." nadulas ko namang nasabi.
Medyo corny yata pero bahala na hahaha.
"Hahaha. Corny mo pero pwede na. Eyes on me only dapat!" diin nyang sabi at napa tango nalang ako.
My bossy girlfriend in action again hehe.
Matapos naming kumain ay lumabas uli kami sa seaside para maglakad lakad. Madami na ang tao kaya naman mas alerto ako. Pano may bigla nalang lumalapit sa kanya para magpa picture.
Magkahawak- kamay lang kaming dalawa habang naglilibot.
"Lisa, wanna ride on a ferris wheel?" sabay turo nya sa ferris wheel sa harap.
"Oh sige. Okay ako kahit saan." tugon ko.
At mabilis nyang hinila ang mga kamay ko papunta sa direksyon na yun. Agad syang nagbayad para makasakay na kami. Excited ang boss ko.
Alas nuebe na ng gabi at mas nadadagdagan ang mga taong dumarating.
Sumakay na kaming dalawa at maya-maya'y naramdaman ko na ang pag-andar nito. Nakaupo kaming magkaharap sa isa't-isa.
"Lisa, thank you sa pagsama sakin. Thank you for granting my request." sambit nya sakin habang nakangiti.
Para namang naiwan ang mga paningin ko sa kanya at hindi ko na ito naialis pa. Her smile is such heaven for me.
Nakatitig lang ako sa kanya.
"No. Huwag ka mag thank you jennie kasi ako dapat yun eh. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." tugon ko.
Hindi ko namamalayan na nakaluhod na pala ako sa harap nya habang nakatitig pa din sa kanyang mga mata.
Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfictionPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...