33 (Bothered)

750 30 1
                                    


LISA'S POV.

Dahil pumayag na si Jennie kaya naman mabilis na ding pinag-usapan ang mga gagawin para sa media play na yun o act, ewan kung ano ba talaga yun!

Wala naman kasi akong alam sa ganito. Kaya rin lagi ko munang kinokonsulta kay Jennie at siya ang hinahayaan kong magdesisyon.

Ayaw ko din kasi na pag-awayan pa namin yung bagay na yun.

Kinaumagahan, maaga akong pinapunta ni boss sa office para personal na kausapin.

Alam ito ni Jisoo unnie, siya kasi ang nagsabi sakin kanina. Susunod nalang daw sila mamaya kung sakaling di pa ako makabalik agad.

Di na ako nakapag-paalam kay Jennie dahil tulog pa siya kaya binilinan ko nalang si unnie na sabihan siya pagka gising.

~~~

Pagdating ko sa office ni boss nagulat ako ng nadatnan ko, nandun si Sehun kasama ang manager nya.

"Hi Lisa, good morning." nakangiti niyang bati sakin.

Sinuklian ko naman siya ng ngiti at naupo na. Nagtataka ako kung para saan ba ang meeting na ito.

"Lisa, siguro napa-isip ka bakit bigla kitang pinatawag ng ganito ka aga. At kung bakit nandito sila Sehun. We decided kasi na magsimula na kayo sa pagdidate. Sakto tahimik ang Dispatch ngayon kaya siguradong pag lumabas ang issue eh pagpi pyestahan ito." pag explain samin ni boss.

Pansin kong kalmadong kalmado si Sehun samantalang ako ito halos di na makapag salita. Baka mayari ako nito kay Jennie lalo biglaan pa naman.

Nanginginig ang mga kamay ko. Kabado ako. Hays sana nandito si Jennie dahil di ko alam ang gagawin. Naiipit ako.

"Lisa, nagpareserved ako ng isang lunch date para sa inyo. Sa umaga magpupunta muna kayo sa park to spend time together. For sure andun ang Dispatch nag aabang kaya mag stay muna kayo dun ng mga ilang minuto bago kayo umalis." utos sa akin ni boss.

"Yes Lisa i will pick you up later at 9:00 AM." sabat pa ni Sehun.

Palingon-lingon ako sa kanila habang sila'y nag-uusap.

Gusto ko mang magsalita para kumontra subalit walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Maya-maya pa ay nagpaalam na sila Sehun at niremind na susunduin ako para sa date namin.

"Lisa, ipapahatid na muna kita uli pauwi ng makapag handa ka na okay?" pahabol na habilin ni boss.

Napatango nalang ako at nagpaalam na din agad.

Heto at nasa sasakyan na nga ako pauwi.

Habang pabalik ako sa unit eh nag-iisip ako ng magandang way para sabihin ito kay Jennie. For sure kasi magugulat siya eh.

Nang makauwi na ako eh sinalubong ako agad ni Jisoo.

"Oh buti nakauwi ka na Lisa. Nasabi na sakin lahat ni dad at sinabihan ko na rin si Jennie sa pag-alis mo kanina. Ikaw nalang bahala sa iba." advice sa akin ni unnie.

Naabutan ko sila sa kusina at kumakain.

"Hon, dyan ka na pala. Tara dito maupo ka na at kumain." pagyaya sakin ni Jennie.

Tumayo ito at kumuha ng plato ko at nilagyan ng pagkain.

"Kain na hon." dagdag niya pa.

Ako ito tahimik pa din. Di ko alam kung bakit tila ang bait yata niya at hindi ako inaaway.

Nakakapanibago.

Kumakain kami na puno ng katahimikan.

Arrgghh! Di ko na kaya!

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon