THIRD PERSON.Matapos makita ni Lisa ang kalagayan ng ina sa hospital ay agad din siyang umuwi, may pasok pa kasi siya kinabukasan at bawal umabsent. Kaya kahit gusto nya pa sanang bantayan ang ina ay hindi nya na magawa, sa kapatid nya nalang niya ito ibinilin. Kailangan din nya ng pahinga.
Sa sobrang pagod pagkauwi ng bahay ay hindi na siya nakakain, direcho higa na hanggang sa nakatulog nalang.
~~~~
Kinaumagahan, maaga na siyang nag-ayos para sa kanyang pagpasok.
"Bes..tara na mali-late na tayo oh!" sigaw ni chaeng na nasa labas ng gate.
5:45 na ng umaga at 6am ang pasok nila. Opening kasi lagi ang shift para makapasok pa sila sa school pagka hapon.
"Nandyan na!" sigaw din ni Lisa na saktong palabas na ng bahay.
"Huy bes, kumusta na si tita ha? Hindi ka na nagtext kagabi naghihintay ako." bungad na tanong ni chaeng sa kanya.
Habang naglalakad ay nabanggit na ni lisa ang kalagayan ng ina.
Hindi nya maiwasang hindi mag-alala dahil alam nyang kukulangin ang pera nya na pambayad sa tuition. Ayaw naman din nyang magsabi dito dahil alam nyang kailangan din ni chaeng.
Saglit syang natahimik at napa buntong-hininga bago muling nagsalita.
"Hey bes, remember yung dance contest na nakita natin? Ah eh naiisip ko sanang sumali sana pano kakailanganin ko ang pera na premyo dun. Nagbabaka sakali na baka manalo ako." wika ni Lisa.
"Sa wakas bes naisip mo din! Tama lang yan na sumali ka ha sa galing mo ba naman eh for sure ikaw na panalo. Naalala ko nung mga high-school palang tayo ikaw lagi ang pambato sa sayawan kaya no doubt yan lis!" tugon ni chaeng na halatang sabik.
Dahil sa pagpapalakas ng loob ni chaeng sa kanya ay desidido na syang sumali. Mamayang breaktime ay naisip nyang sadyain ang organizer ng contest upang personal na magpalista.
-TIME SKIP-
Pagka break ay dali-daling tinungo ni lisa ang lugar. Hindi na nya isinama si chaeng dahil madami pa itong gagawin.
Sa malayo palang ay tanaw na nya ang mahabang pila. Medyo nag-alala tuloy siya dahil baka kapusin siya ng oras pabalik sa grocery store.
Pumila nalang rin siya para sumubok. Bumili nalang siya ng biscuit at tubig para kahit papano ay may laman naman ang tyan nya.
"Uy lisa! Sasali ka din pala?" tawag ni jongyeon sa kanya. Dati nya itong kaklase ng high-school.
"Ahh oo magbabaka sakali ako baka palarin. Kailangan ko lang kasi talaga ng pera eh." tugon naman ni lisa.
Habang pausad- ng pausad ang pila ay sya namang pagkonti ng tao. Tanaw na nya ang mesa ng organizer.
"So guys, magka cut-off na tayo okay? We only need 2 more pa at cut na ang registration. Sorry guys sa hindi malilista." pagpapaliwanag ng organizer sa lahat.
Napatingin si lisa sa pila. Naku 3 pa pala sila pero 2 nalang ang kailangan. Malas pa at siya pa ang pang tatlo. Kaya naisip na nyang umalis.
Paalis na siya ng pila nang pigilan siya ni Jongyeon.
"Hey lisa! San ka pupunta?? Ikaw nalang ang magpalista. Ayos lang sige. Alam ko mas kailangan mo yan. Sa sunod nalang ako sasali. Basta promise me na mananalo ka ha?" wika nito.
Napangiti naman ng malaki si lisa at nagpasalamat ng husto kay jongyeon.
Sa wakas nakapagpalista na siya.
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfictionPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...