19 (Personal Nurse)

1K 55 2
                                    


THIRD PERSON.

Kinabukasan, maagang bumangon si Lisa para kamustahin ang lagay ni Jennie. Magdamag kasi syang hindi halos nakatulog kakaisip sa lagay nya pero dala na din ng pagod kaya nakatulog nalang din.

Nagmamadali syang pumasok sa kwarto ng dalawa at naabutan nya si Jennie na tulog pa. Kaya naman dahan-dahan syang lumapit dito. Tulog na tulog pa din kasi si chaeng.

Marahan syang lumapit kay jen at akmang yayakapin sana pero nagulat siya ng mapansing nanginginig pala ito. Agad nyang sinalat ang noo nito at napansing sobrang init pala.

Agaran syang tumabi kay jennie at niyakap ng mahigpit. Body heat kumbaga. Hindi nya ito ginigising pero rinig nya ang mahihinang ungol nito na waring nagdidiliryo sa sakit.

Nakayakap lang siya kay jen hanggang sa bahagya itong kumalma.

"Lisaaaa?? Hmmmmm.. hon?" mahinang tinig mula kay jen.

Humarap si Lisa sa kanya.

"Yes hon? Andito lang ako sa tabi mo hon. Aalagaan kita hanggang maging okay ka." sagot nya.

Tumango lang si jennie bilang tugon sa kanya.

Ala-singko na nang umaga at naisip na ni Lisa na gisingin ang dalawa para ipaalam ang kalagayan ni jennie. Nilapitan nya agad si chaeng sa higaan niya at ginulo.

"Bes! Hey chipmunk gising naaa! Dali si jennie maysakit!" pagyuyugyog nya dito hanggang sa ito'y napadilat na.

Pupungas-pungas pa siya ng mata saka sumagot.

"Hmm Lisa.. ano si jen may sakit?? Hala gisingin mo si jisoo." sagot nya. Kaya naman patakbo si Lisa na bumalik sa kwarto nila para gisingin din si Jisoo.

"Jisoonieee gising naaa! Unnieee daliiii!! Si jennie may lagnat. Di ko alam ang gagawin." panggigising nya dito. Niyuyugyog na nya ito ng malakas para magising agad.

"Ano ba yan lisaaaa! Istorbo ka eh!" sagot nya na mahina.

"Si Jennie kasi maysakit... bangon na kasi di ko alam ang gagawin eh!" worried nya pang sinabi.

At mukhang nagising na nga ito.

"Ha? Si jennie maysakit? Hala wait!" mabilis syang napabalikwas sa higaan at napa upo na parang wala sa sarili.

Sabay nilang pinuntahan si jennie at naabutan nila si chaeng sa tabi nito.

"Lisa kumuha ka ng basin with lukewarm water at lagyan mo ng alcohol. Kumuha ka na rin ng malinis na towel okay?" utos ni jisoo kay lisa at mabilis naman itong sumunod.

Dinadampi-dampian ni jisoo ng towel ang noo, leeg at mga braso ni jennie. Pampa baba daw kasi ito ng lagnat. Nakamasid lang sina lisa at chaeng sa ginagawa ni jisoo.

Si Lisa ay alalang-alala na.

"Jisoonie pwede ba akong hindi muna umattend sa training ngayon? Hindi pwedeng maiwan si jennie dito na mag-isa. Kailangan ko syang alagaan. Please unnie." pakiusap nya.

Yung ichura nya na halos mangiyak-ngiyak sa pagmamaka-awa

"Ahmm eh kasi lisa.. aiissh okay fine sige ako na bahala kay dad. Pero ngayon lang to ha?" sagot ni jisoo.

"Thank you unnie. Thank you talaga." pasalamat nya.

"Okay lisa. Basta behave kayo dito ha? I'll call you para makibalita. Wag pasaway ha? Babantayan ha hindi haharutin! Okay then ikaw na dito oh kailangan na naming mag ayos ni chaeng. Alagaan mo si jennie ha." bilin pa nito bago sila lumabas ni chaeng sa kuwarto para maghanda na sa pag-alis.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon