30 (Acepink in Hawaii-1)

972 41 3
                                    


THIRD PERSON.

Natapos na nga ang One Week promotions ng Acepink. And after how many days in the hospital sa wakas ay nakalabas na din si Lisa pero sa parents nya muna siya tumuloy ng dalawa pang araw para makapagpahinga ng husto. Palagi naman dun si Jennie para asikasuhin siya.

Makalipas ang ilang araw;

Heto na nga ang pinakahihintay nila ang 3-Days vacation nila sa Hawaii. Bukas na ang alis nila kaya naman ngayong araw ay abala sila sa pagiimpake ng mga gagamitin.

Kasalukuyan ngayong papunta si Jennie kina Lisa upang sunduin ito at nang makapamili sila. May sarili ding lakad sina Jisoo at Chaeng paano eh magkaiba sila ng taste sa damit.

Nang makarating sa kanila ay agad na din silang umalis baka kasi matagalan sila sa pamimili.

"Hon, how are you? Ayos ba ang gising mo? I miss you." pangangamusta ni Jennie kay Lisa habang abalang nagmamaneho.

"Okay lang hon. Medyo napuyat..kakaisip sayo. Yiieee! Hahaha." sagot naman ni Lisa.

"Naku naku mga banat mo manoban hahaha but in fairness kinilig ako ng konti hehe." natatawa nyang sagot.

"Luhh konti lang hon? Baka may iba nang nagpapakilig sayo ha? Baka yung si kai?" pacute nyang sabi habang nakasimangot.

"Ghad Lisa! Wag mo ngang binabanggit yun. Kung ano-ano sinasabi mo. Paranoid ka na. Walang iba okay? Ikaw lang." diin nyang sagot at nilingon siya ng saglit.

"Okay hon. Sabi mo eh. Basta sa akin ka lang ha." habol pa ni Lisa.

"Oo nga hmmpp kulit yan??" sabay irap.

"Hindi na hehe."

Nang nasa mall na sila ay isa-isa na nilang hinanap at binili ang sadya nila. Inabot na sila ng hapon kakabili kaya nakaramdam na sila ng gutom at kumain muna sa dining restaurant.

Sa apartment na ang direcho ni Lisa para makapag-ayos na sila. Maaga kasi ang flight nila kinabukasan.

Pag-uwi ay naabutan na nila sila Jisoo na kumakain palang ng dinner.

"Ohh welcome back Lisa. Namiss mo ba kami? Kasi kami, hindi. Hahaha." nakakalokong bati ni jisoo habang nilalantakan ang chicken wings.

"Aba ganon pala ah? Hon, wag mo nang ibigay kay unnie yun pasalubong nating one bucket sa kanya. Kakainin ko yan mamaya. Akala mo ha!" pikon na sagot ni Lisa.

"Ay jusmiyo itong maknae namin hindi na mabiro. Kung alam mo lang kung gaano ka namin namiss wala yung bunso namin dito nakakalungkot talaga. Wag na tampo Lisa baby." lambing nya at agad na lumapit kay Lisa para yakapin nito.

"Hay naku mga isip bata nagsama na naman duhhh. Makapag shower na nga at ako'y naistress sa ka jejehan nyo." cold na sabi ni Jennie matapos ilapag ang mga bitbit at dumirecho na sa kwarto.

Tawanan naman ang tatlo pagtapos.

-KINABUKASAN-
.
.
.
"ALOHA!!"

Sigaw ng apat nang nakaland na sila finally sa airport ng Hawaii. Bantay sarado sila ng kanilang mga managers at guards dahil sa dami ng fans na nag-abang sa kanila doon. Kahit kasi private lang ito ay hindi maiwasang malaman pa din ng mga fans.

"JENNIEEEEE!! You're so pretty omyghad!!"

"CHAENG!! Our lovely chipmunk!"

"JISOO-YAH!! You are really a goddess!!"

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon