17 (Simple Things)

958 44 1
                                    


THIRD PERSON.

Kinabukasan, maaga na namang nagising sila Jennie at Jisoo para maghanda ng umagahan nila. That's their everyday chores bilang nakakatanda sa grupo.

Ngayong araw ay vocal lessons naman ang focus nila sa rehearsals.

"Chu, paki ayos na ang mesa at gigisingin ko na ang dalawa." utos ni jennie kay jisoo at nagmamadali pang maghubad ng apron.

Palakad na siya papuntang kwarto ng masalubong nya si Lisa.

"Goodmorning hon. Hehe kanina ko pa naamoy yung niluto mo ah." bungad ni Lisa na pangiti-ngiti pa. Nakaligo na ito at nagpupunas ng buhok.

"Ohh hon aga mo ata nagising ha? Goodmorning pala." sagot ni jen.

Parang hindi siya makapaniwala na maagang nagising si Lisa tapos naka-ayos na din

"Syempre, good mood ako kagabi eh naka score sayo kahit papano hahaha." banat ni Lisa habang kinikilig.

"Ohhh so that is why. Haha naughty hon. Saan pala si chaeng?" tanong nya.

"Nasa banyo hon naliligo na din. Oh diba aga namin hehe sinasanay na namin sarili namin para di na kayo maabala sa paggising samin." sabi pa ni Lisa habang naglalakad papalapit sa mesa.

"Ayos lang naman yun Lis, nasa adjusting stage pa kayo naiintindihan naman namin. Pero good yan. Oh sya after ni chaeng eh sabay sabay na tayong kumain. Dapat maaga tayo sa gym kasi dumating na daw ang instructor natin." bilin ni jisoo habang nag-aayos ng mga pagkain sa mesa.

"Oohh exciting yan, bet ko yan unnie!" sabi pa ni Lisa at pumwesto na sa mesa

Nang matapos na si chaeng ay agad na din itong sumama sa kanila at sabay-sabay silang kumain. Matapos ay nagsipag ayos na at umalis papuntang office.

~~~~

Nang makarating sila ay dali-dali na silang lumapit sa gym instructor nila at inutusang magpalit na ng kumportableng damit dahil maguumpisa na silang magjogging sa labas.

Nagsipag palit naman din sila.

Ngayon ay sinabihan na sila kung paano ang gagawin.

Hinati ang grupo sa tatlo at napag-usapang unahan na makabalik sa office after ng 20 beses na ikot.

Si Lisa at Jennie ang magkasama tapos si Jisoo at Chaeng tapos mag isa naman ang instructor.

"When i say Go, takbo na ah?" utos ng instructor.

"Yes sir." sagot ng apat.
.
.
.
"GO!!"

At nagumpisa na ang karera.

Agad silang nagpulasan patakbo.

Noong una ay sabay-sabay pa sila. Hanggang sa maiwan na sila ng kanilang instructor.

"Yah! Chipmunk saglit sakit na ng paa ko." reklamo ni jisoo at naupo sa gilid. Nakaka sampung balik na sila habang nakaka labing-apat na sina Lisa.

"Jisoo huli na tayo. May parusa tayo nito mamaya pag nagkataon. Pero sige pahinga muna saglit." sagot ni chaeng at naupo sa tabi nya.

Nabigla si jisoo nang lumuhod si chaeng sa harap nya at minasa-masahe nito ang kanyang binti.

Hindi tuloy mapigilan ni jisoo na hindi mapa titig sa kanya.

"Hmmm why do i find you so attractive chaeng? Aisshh why?? whatever!" bulong nya sa sarili.

Hanggang sa nakakaramdam na siya ng ginhawa.

"Okay na ba? Hindi na masakit??" tanong ni chaeng sa kanya.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon