27 (Lover's Quarrel)

862 45 1
                                    


LISA'S POV.

Ngayong araw na ang start ng one week promotions namin. Sa Inkigayo ang tungo namin ngayon.
Nagpasabi din pala si IU unnie samin na dadaan siya para manuod sa performance mamaya.

2:00 PM ang start pero 12:00 PM ang call time namin kaya naman heto at naghahanda na kami sa pag-alis.

"Hon ako na diyan." alok kong tulong kay Jennie kasi pansin kong nahihirapan syang abutin ang kinukuha nya sa cabinet.

Pandak kasi eh.

"May sinasabi ka ba manoban??" puna niya.

Hala. Narinig.

"Wala hon. Sabi ko bakit kasi sa taas ito nakalagay ayan tuloy nahihirapan kang abutin. Pangit ka bonding nung nag-ayos nyan dyan" palusot ko sabay abot nito sa kanya.

Ang hirap naman talagang mag talk back sa babaeng to eh naririnig pa rin.

Ganito ba kalakas pandinig ng mga pusang galit? Hahaha.

"Girls tara na! Hinihintay na nila tayo sa baba." pagyaya ni unnie samin kaya nagsipag-sunod na kami.

Pagbaba namin sa parking ay sinalubong na kami ng mga staff at kinuha ang mga gamit.

This is it na talaga. Feels like living the dream talaga kami ni chaeng. Ni minsan kasi di namin inakalang mangyayari ito pero nandito na kami.

Grabeng bilis ng mga pangyayari.

Ilang sandali ang lumipas;

Exactly 12:00 PM ng nakarating kami sa Inkigayo at dumirecho na agad sa rehearsals with the other artists.

Nandiyan ang EVO, Blue Velvet, Lucky 7 at Ohmama. They're all our seniors.

Kami ang rookie group sa lahat. Pero nabansagan agad na "Monster Rookie" dahil sa lakas ng aming fanbase.

Sa isang banda;

"Hi Jennie. It's been a long time. How are you?" bati ng isang guy kay jennie. Nakita ko itong lumapit sa pwesto nya. Patay malisya naman ako pero syempre nakamasid pa din.

"Hello Kai. Im good naman. Were good. Thank you." cold na sagot ni jennie. Alam kong alam nyang nakatingin ako sa kanila.

Ahh so Kai pala ang name nun from EVO. Wala akong masyadong kilala sa mga Idols eh since busy ako noon sa work.

Mabilis naman akong lumapit kay jisoo unnie.

"Hey unnie, yung Kai na yun sino siya? Bakit biglang lapit kay nini ko?" tanong ko kay unnie.

Curious kasi ako. Di ko gusto ang galawan nya.

"Si Kai yan from EVO. Main Dancer nila. Ex boyfriend ni Jennie." sagot nya sakin.

Pagkarinig ko ay agad akong bumalik sa pwesto at hinila si jennie.

"Hmm. So ex mo pala yan lalaking yan. Bakit nakikipag-usap pa sayo??" inis kong tanong.

"Eh ano naman kung ex ko siya? As if i care. Wala naman akong pake dyan. Baka pagselosan mo pa yan ha duhh." mataray naman nyang sagot sakin.

Wait. Ako dapat ang mainis eh pero bakit siya tong nagsusungit.

Napakamot-ulo nalang ako.

Bakit kasi may pa hello at hi pang nalalaman eh. Baka pagtapos nyan eh ibang galawan na ang susunod.

Aba di ako papayag na mangyari yun.

~~~~~

After an hour ay natapos na ang rehearsals at pumunta na kami sa dressing room para mag-ayos.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon