9 (Yes, No, Maybe?)

1.1K 61 2
                                    


THIRD PERSON.

Maagang nagtext si Jennie kung saan sila magkikita ni Lisa. Naisipan nyang magpunta nalang sila sa isang theme park malapit sa seaside. Maganda kasi doon, pag gabi ay mga live bands. 6:00 PM ang usapan nila na magkita. Sakto lang ang oras na yun tingin niya.

Samantala, abala naman si Lisa sa pagpapapawis. Gusto kasi nyang ma impress naman si jennie sa kanya kahit papano.

Si Lisa ay isang intersex. She was born with a penis. Kakaunti lang ang may alam nito. At dahil sa kanyang magandang mukha at matipunong katawan kaya madaming naaakit sa kanya.

"Ate, grabe yang pag eeffort mo dyan kay jennie ha. Baka lalong mainlove sayo haha." pang-aasar ni jungkook sa kanya habang nanunuod. Wala syang pasok kasi ngayon kaya nandito lang sa bahay.

"Edi mas maganda kung ganun diba. Gusto ko yung mga mata nya sa akin lang titingin, mga ganun kookie hahaha. Gumaya ka kasi sakin. Sayang kagwapuhan mo kung itatago mo. Try to date someone pero wag masyadong seryosohin muna kasi dapat study ang priority." payo ni lisa sa kanya habang nakamasid ito sa kanyang ginagawa.

Isang masayang araw ito para sa pamilya dahil kumpleto sila ngayon sa bahay.

Nagluluto ng masarap na tanghalian ang kanyang ina habang nagkukumpuni naman ng motor ang ama.

Nang matapos ang lahat ay masaya silang nagsalo sa hapag-kainan. Larawan ng payak ngunit masaya at sama-samang pamilya.

~~~~

Sa kabilang banda, maaga namang nagtungo si Jennie sa office ni Jisoo upang pag-usapan ang plano at ang tungkol sa grupo na binubuo nila.

"Jen, ano na ba ang balita? Kamusta na yung planong naisip mo para kay lisa? Pumayag na ba siya?" usisa ni jisoo.

Naka upo sa harap nya si Jennie habang sila'y nag ti-tea.

"Hindi pa nga eh. Nahihirapan syang mag decide pero sa tingin ko eh malapit ko na syang mapapayag. Ngayon pa na nakuha ko na ang loob nya. Alam ko talaga kung saan ko siya aatakihin eh. Madali lang syang basahin. Magkikita kami mamaya at dun ko balak mag-umpisa. Wala syang mapapansin sa mga gagawin ko hanggang sa kusa na syang papayag sa gusto kong mangyari. Ang mag sign ng contract under sa agency nyo." paghahayag naman ni jennie.

"And you better do it quickly na jen baka maunahan pa ni tzuyu. Besides kailangan na nating maumpisahan ito ng makapag umpisa na tayo ng training. Tho tingin ko naman hindi na tayo mahihirapan since we were trained na before. Si lisa nalang at ang isa pa." dagdag pa ni jisoo.

"Don't worry ako na bahala kay lisa. Basta ikaw bahala kay uncle ha. I'm counting on you chu." sabi pa.

"Alright. Let's do our part! Good luck!"

Hindi na rin nagtagal pa si Jennie dahil may importante pa syang dadaanan bago pumunta sa meeting place nila ni Lisa.

----------

-TIME SKIP-

Pasado alas kwatro na ng hapon kaya nag umpisa ng mag gayak si Lisa. Pumili siya ng damit na tingin nya babagay ng husto sa kanya. Simple lang naman ang susuotin nya, sakto lang na magpapakita ng magandang hubog ng kanyang katawan.

"Wooo! Hanep talaga ang lahing manoban! Siguradong jaw-dropped nyan si jennie mamaya ate!" puri ni jungkook sa kanya.

"Sige bola pa.. akala mo di ko pansin, kanina ka pa nang-uuto sa akin. May kailangan ka ano?" sagot naman ni lisa sabay taas ng kilay.

"Ah eh kasi ate sa isang araw na yung bayaran ng tuition baka kasi nakalimutan mo na." kamot-ulo si jungkook habang sinasabi ito.

"Sabi na eh. Ako pa ba makakalimot? Naitabi ko na ang pera, bukas ibibigay ko sayo at magbayad kana okay?" sagot nya sabay gulo sa buhok ng kapatid.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon