16 (First Day)

1K 55 3
                                    


JISOO'S POV.

Kahapon ay nakapamili na kami ng mga gamit dito sa bahay, pati na rin ang mga gamit para kina Lisa at Chaeng. Ang saya pala kapag apat kaming magkakasama. Di ko inexpect na sa unang araw palang eh halos parang taon na kung magkakakilala kami.

You know, yung feeling na ang comfortable nyo na sa isa't-isa ganun.

Well, ususual hetong si Jennie at Lisa porke alam naming sila eh pasaway din talaga kapag nalilingat ako eh. Palihim na naghaharutan jusme! Buti kung nasa bahay lang kami, pero hindi rin eh kasi ang daming hidden camera sa bawat sulok ng bahay. Pag nagkamali sila eh yari agad kay daddy. At syempre ako ang malilintikan.

Since i'm the oldest kaya ako ang naka assigned para magbantay sa kanila.

Si chaeng nga pala, oo siya hahaha natatawa ako kasi pareho kaming mahilig sa pagkain. Pero mas grabe siya halos lahat kasi gusto nya eh ako manok lang solved na. Kahapon kung makakapit sakin akala mo mawawala ako sa tabi nya eh hehe.

~~~
Unang umaga namin ito dito sa bahay. Nauna akong nagising kay Lisa pero hindi pa ako bumabangon. Si Lisa, heto tulog na tulog pa, napagod sa sobrang kulit kagabi, tatlo kaming binuhat-buhat ayan tuloy knocked down.

It's already 5:00 in the morning, kailangan ko nang gisingin si Jennie para makapag prepare na kami ng breakfast, 8:00 AM kasi ang call time lagi namin sa office para sa rehearsals. Araw-araw ito. At syempre dahil apat kami, dapat mag laan talaga ng ilang oras para makapag ayos.

Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kwarto nila Jennie.

Naku, tulog na tulog pa din ang mandu.

Nabaling ang tingin ko kay chaeng at pinuntahan ko sa higaan nya. Pinagmamasdan ko siya, ang ganda pala nitong chipmunk na matakaw na toh hahaha. Ang cute nya tapos ang ganda.

Hahaplusin ko sana ang mukha nya pero napatapik ako sa noo ko.

'Naku jisoo, anong mga sinasabi at ginagawa mo huh?' saway ko sa sarili ko.

Muli bumaling ako sa higaan ni Jen para gisingin siya.

Niyuyugyog ko na siya ng mahina para magising. Ingat ako na hindi mag-ingay masyado dahil baka magising itong chipmunk na ito na nasa tabi.

"Jen! Huy jen gising na.. magluto ka na!" bulong ko sa tenga ni jennie at gumalaw-galaw naman siya.

"Jen dali baka malate tayo mamaya. Bangon naaaa!" dugtong ko pa.

Sige lang ako sa pagyugyog at ginugulo ko talaga siya ng magising.

Sa wakas heto dumilat na din hehe.

"Ano ba yan chu, ang aga pa!" reklamo nya.

"Sira ka ba 5:00 AM na at 8:00 AM ang call time natin sa office." pagpapa alala ko, nawili masyado kagabi biglang nagka amnesia ah.

Kaya heto no choice napabangon na din siya at naupo saglit.

"Goodmorning mandu." bati ko. I am smiling widely in front of her. Kabado ako eh baka ano gawin sakin nito hahaha.

"Goodmorning chu." sagot niya. But she glared at me.

"Luhhh, bati tayo ah hehe!" sabi ko sabay peace sign.

"Tulog pa ba si Lisa?" tanong niya.

"Oo tulog pa yung jowa mo. Mamaya mo na gisingin." sagot ko naman.

Inalalayan ko siyang tumayo at dumirecho na sa banyo para maghilamos.

Bumalik na din ako sa room namin para mag-ayos.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon